Angelu de Leon’s advice to new batch of Kapuso teen stars: “Huwag nilang gagawin ang ginawa ko.”

Payo raw ni Angelu de Leon sa bagong batch ng Kapuso teen stars na ipakikilala sa teen-oriented show na Teen Gen: “‘You enjoy the job.’ Kasi, baka masyado nang maging work, hindi nila ma-enjoy. Kami kasi dati, na-enjoy namin, e.” At ang pinakaimportante niyang advice: “Huwag nilang gawin ang ginawa ko.”


“I know!” sagot ni Angelu de Leon sa amin nang batiin namin siya ng “Nakakaloka!” bago sumalang sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong teen-oriented TV show ng GMA-7 na Teen Gen.

Naganap ang presscon sa 17th floor ng GMA-7 Network Building nung Huwebes, December 6.

“After seventeen years,” nakangiting sabi pa rin ni Angelu.

Katulad namin, hindi rin akalain ni Angelu na muli siyang makakasama sa cast ng isang teen-oriented show, ang Teen Gen nga.

Matatandaang seventeen years ago, kabilang si Angelu sa cast ng panghapong show na pang-teenager ng GMA-7, ang T.G.I.S.

“Yes, isang dekada na yun. Seventeen years ago simula nang magkaroon ng T.G.I.S. ‘Tapos, fourteen na si Nicole.”

Si Nicole ay ang panganay na anak ni Angelu sa actor na si Joko Diaz.

“Matagal nang walang T.G.I.S. Then, nag-Growing-Up pa.”

Ang Growing-Up naman ang sequel ng T.G.I.S. nung 1997.

Si Peachy pa rin naman ang gagampanang role ni Angelu sa Teen Gen. Pero sa show na ito ay mommy na siya ng isa sa lead characters, si Lyca, na gagampanan naman ni Dianne Hernandez.

Ayon kay Angelu ng natatawa, “Mas nakaka-pressure, di ba?

“Kailangan, hindi ka magmukhang losyang o nanay.

“Okey na yung nanay, pero, ‘wag ka lang magmukhang lola.

“Okey naman, happy,” saad pa niya.

“After doing so many roles, I’m back to not acting again.”

Nung nasa T.G.I.S. at Growing-Up kasi siya’y ginampanan niya ang role ng isang teenager, na siya naman talaga nung mga panahon na yun.

Pagkatapos ng iba’t ibang pangyayari na nagpabago sa kanyang personal na buhay, nakaganap si Angelu ng mga roles na malayo sa kanyang teen character noon na pa-sweet at tweetums.

Naging mature at daring ang ilan sa kanyang mga characters at gumanap din siya ng iba’t ibang character roles na malayo sa tunay na Angelu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito sa Teen Gen, na ipalalabas na sa December 16, pagkatapos ng Party Pilipinas, masasabi nga niyang parang hindi siya umaarte.

“E, si Peachy kasi parang ako lang naman yun. Sobrang breath of fresh air siya. Parang ‘Hay… finally!’” nasabi pa ng 33-year-old actress.

RE-BIRTH OF LOVE TEAM. At sa pagbabalik ni Peachy sa isang teen-oriented TV show, kasama ring nagbabalik ang character na si Wacks, na ginagampanan naman ni Bobby Andrews.

Si Bobby ang ka-love team noon ni Angelu.

Ilang pelikula rin ang ginawa nila na pawang mga kumita sa box-office.

Kaya ang tanong ngayon, love team pa rin ba sila ni Bobby sa Teen Gen?

“Basta ako, widowed ako rito. Siya naman, separated.

“Hindi kami nagkatuluyan noon. Pero, yun nga ang hindi alam kung ano kami ngayon dito,” paliwanag ni Angelu.

Naisip ba niya na muli silang magkakasama ni Bobby sa isang show na katulad ng pinagsamahan nila noon na T.G.I.S.?

“Hindi, hindi,” natatawang sagot ni Angelu.

“Pero, feeling ko, maraming answered prayer. Kasi, marami ang humiling nito.”

So, masasabi nga bang isang “re-birth” ng love team nila ang mangyayari sa Teen Gen?

“Yun ang nakakatuwa, kasi even my husband [Wowie Rivera], sabi niya, ‘Yung theme song n’yo, ‘It Might Be You,’ yun pa rin? Parang hindi na kayo naka-move-on sa ‘It Might Be You,’” natatawang saad niya.

Iyon pa rin nga ba ang theme song ng nagbabalik nilang love team?

“Oo,” nakangiting sabi pa rin niya.

“So, excited lang. Siya rin [Bobby], excited.”

Kumusta naman ang muling pagkikita nila ni Bobby?

“Parang nothing has changed. Ever since naman ganoon kami, di ba? We’re less of a lover but sobra kaming friends.

“Sabi rin niya, parang ganoon pa rin daw ako. Marami rin ang nagsabi na parang walang nagbago sa amin.

“Kahit papaano, sabi nga namin, weight lang ang nagbago sa amin,” biro pa ni Angelu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVICE TO NEW TEEN STARS. Ano naman ang masasabi niya kay Dianne, ang gaganap bilang anak niya sa Teen Gen?

“Okey naman, sweet siya, mabait,” nakangiting sabi ni Angelu.

“And I think now, marami na kasing tutok sa kanila.

“Kaya sabi ko lang sa kanila, ‘You enjoy the job.’

“Kasi, baka masyado nang maging work, hindi nila ma-enjoy.

“Kami kasi dati, na-enjoy namin, e.”

Ano naman ang maibibigay niyang advice sa bagong batch na ito ng Kapuso teen stars?

“E, di huwag nilang gagawin ang ginawa ko.”

Natatawang sabi pa niya, “Di ba, totoo naman? Huwag nilang gawin ang ginawa ko.”

Ang tinutukoy ni Angelu ay ang pagiging pasaway niya noon at ang maagang pagseseryoso sa pakikipagrelasyon.

Ito kasi ang naging dahilan kaya napaaga ang kanyang pagiging ina, kahit na nasa kainitan pa ang kanyang career noon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN