Pacquiao loses to Marquez via knockout!


Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang boxing career ay napabagsak at nakatulog sa ibabaw ng lona ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Muling nagharap, sa ika-apat na pagkakataon, sa boxing ring ang Pinoy boxer na si Pacquiao at ang Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez.

Naging mahigpit ang labanan ng dalawang kampeon kunsaan parehong napabagsak nina Pacquiao at Marquez ang isa’t isa.

Sa third round ay napabagsak ni Marquez si Pacquiao, pero bumawi si Pacquiao at pinabagsak naman niya sa fifth round si Marquez.

Pagkatapos ng fifth round ay duguan na ang mukha ni Marquez.

Ngunit isang segundo na lamang ang natitira sa sixth round ay nakalusot ang isang right upper cut ni Marquez laban kay Pacquiao.

Ang suntok na ito ni Marquez ang muling nagpabagsak at nagpatulog kay Pacquiao.

Pagkatapos ng ilang segundo ay naka-recover ang Pinoy boxer ngunit tapos na ang laban.

Nagwagi si Marquez via knockout.

Habang nakahandusay si Manny sa lona ay panay naman ang iyak ng kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao.

Bago ang knockout na iyon ay lamang si Pacquiao sa lahat ng judges, 47-46.


Para sa mas detalyadong istorya tungkol dito, basahin ang report ng SPIN.ph


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN