Part 2. Kris Aquino denies she and ex-husband James Yap are "good friends" now: "No, that’s not true."

Kris Aquino on current relationship with ex-husband James Yap: “Ayaw kong magpaka-plastic sa inyo, e. It’s easy to tell we’re good and all... we’re not. I think we’re better off having a distance from each other. Kasi nami-misinterpret namin ang isa’t isa. I hold no bitterness in my heart, but I have no desire for any closeness.”


Pinabulaanan ni Kris Aquino ang naging pahayag ng ex-husband niyang si James Yap na maayos na raw ang kanilang samahan.

(CLICK HERE to read related story.)

“No, that’s not true,” seryoso niyang sabi.

Nagkakabiruan na raw sila?

“Hindi na ngayon,” mabilis niyang sagot.

Kailan lang ang interview ng PEP kay James at sinabi nga ni James na maayos ang relasyon nilang dalawa bilang magkaibigan.

“Ayaw kong magpaka-plastic sa inyo, e. It’s easy to tell we’re good and all... we’re not.

“I think we’re better off having a distance from each other. Kasi nami-misinterpret namin ang isa’t isa.

“I hold no bitterness in my heart, but I have no desire for any closeness.”

Nagtangka pa kaming alamin kay Kris kung kailan lang sumulpot hindi na naman nila pagkakaunawaan ni James, pero tumanggi na siyang magsalita.

“Ayaw ko na. Huwag na nating pag-usapan, sorry,” sabi niya.

BABY JAMES. Nagliwanag muli ang mukha ni Kris nang mapag-usapan ang billboard ads ng anak nila ni James na si Baby James o Bimby.

Proud daw siya sa kanyang anak.

“Super!” bulalas niya.

“Kasi siguro yung ano talaga… yung pag nakikita mo ang anak mo, nabubura lahat ng ego sa pagkatao mo.

“Kasi nari-realize mo that meron talagang mas mahalaga at mas importante.

“I’m proud I raised a good kid.

“Kasi sometimes, sasabihin ko sa kanya, ‘I love so much, honey.’

“’But mama, you should also love Kuya.’

“Parang ganun na’ both of us!’ ‘Of course, I love Kuya.’

“Ayaw niyang ma-feel na nakalamang siya.

“Parang sabi ko, ‘What did I do parang may tama akong ginawa dito, ah!’”

Mukha namang nag-e-enjoy si Bimby sa kanyang mga commercial ads?

“Ay, he loves it! Nalulungkot nga siya pag wala siya, e.

“Kasi meron akong syinut [shoot] na wala siya. ‘Why am I not there?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Kasi you’re very expensive!’” natatawang kuwento ni Kris.

Nakikita ba niyang papasukin din ni Baby James ang pag-aartista?

“Tinanong ko siya kung ano ang gusto niya. At sabi niya sa akin na, ‘Later on Mama, but I have to ask my girlfriend.’

“Oo, proud na proud siya. Ipinakita pa niya yung picture sa akin…sa school.

“Pero tutal pribado sila, sabihin ko na lang, she’s half-south American and half-American.

“May pagka-Miss Universe, kaya ang nanay naman, pumayag!

“Sabi ko nga, ‘Sure!’ Tatanggapin ko siya nang buung-buo dahil maganda naman. Blonde and beautiful. Sabi ko, bagay, go!

“Pakakasalan daw niya pag-grade one na siya. ‘That’s next year already, honey,’ sabi ko.”

Patuloy pa ni Kris, “Yun nga, na-feel ko na iba pala pag lalake ang anak mo. Kasi mae-excite kang magka-daughter in-law.

“Kasi totoo talaga, hindi naman ako nagkaroon ng daughter.

“Pinagpi-pray ko talaga na, ‘Please, God, give a daughter-in-law for Bimby na sana maganda, mabait, matalino, at mamahalin ako para lahat ng alahas at bag, ibibigay ko sa kanya.”

SHORTENED TRIP. Samantala, tuloy pa ba ang plano niyang bakasyon ngayong New Year? Balitang nakatakda siyang magliwaliw sa London at Amerika matapos ang Pasko at aabot hanggang matapos ang Bagong Taon.

Sabi ni Kris, “Na-delay at napaiksi. So ang final word will be on Monday.

“Kasi dapat tuloy, pero sinabi ni Deo [Endrinal, business manager niya at executive ng ABS-CBN] sa akin na, ‘Nakakahiya. Third festival mo ‘yan. Special request nila ‘yan na mag-host ka, mag-host ka naman.’

“Dapat talaga 26 midnight alis na kami, pero dinelay [delayed] ko yun.

“Tapos, pinaiksi kasi kailangang mag-taping na sa teleserye.

“So, Monday ko malalaman kung ano talaga ang magaganap sa buhay namin.”

Ano ang wish niya para sa sarili this Christmas?

“Kasi I was feeling so guilty… I was watching TV Patrol last night, kasi tuluy-tuloy ang shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last night ko lang nakita… the extent of devastation that Mindanao went through.

“So, what I did, I asked my sister. So, I was able to contact the bishop of Tagum, because Compostela Valley falls under him.

“And then, yung… Di ba, suweldo natin sa Monday? So, yung tithing na ginawa ko, diretso sa kanila.

“Kasi, naramdaman ko naman na ano pa bang material na gusto ko? Or kailangan ko?

“Actually, wala na. Napaka-kumportable na namin at napakasuwete ko na ligtas ang mga anak ko.

“So, sana naman makatulong na lang ako doon sa mga sobrang nawalan ng lahat.

"Kasi I apologize na nahuli dahil talagang... minsan talaga na you become isolated because of work.

“So, napanood ko lahat yun at nakita ko.

“Hindi man ako makapunta, pero dapat naman gumawa ako ng paraan at makapagpa-deposit ako diretso sa kanila.

“At least, yun na lang.

“Yung regalo sa sarili ko, matutuloy man at biniyahe kami, gusto ko lang talagang manood ng West End musicals.

“Kung matutuloy ang biyahe, kasi I’m waiting for management kung papayagan ako.

“Kasi mahal ang biyaheng Europe, mahal ang hotel.

“So, sinabi ko, kung one week lang nila akong pinapayagan, huwag na lang.

“Hintayin ko na lang after the serye kasi sayang naman yung gagastusin.

“Kung matutuloy kami… kasi si Uge [Eugene Domingo], ang dami niyang ikinuwento sa akin na magagandang musical.

“Yun ang join naming mag-nanay na we love watching plays ang productions.

“So, yun ang gagawin namin. But again, it’s all hanging in the air.”

Meron ba siyang New Year’s resolution?

“Wala… pero siguro yun, ano na lang…

“Kasi yung ate ko, sinabihan ako kanina na gumawa na naman ako ng sarili kong Sunday.

“Sabi ko, ‘Ate, I went sa 12:15 kasi tomorrow, I can’t.’

“Kasi magpa-pack up kami ng umaga na and diretso na ako sa pre-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun na lang… sa tamang oras na ako makapagsimba talaga.

“Nahihiya lang akong hindi magsimba kaya nagsimba ako. Yun nga lang, hindi pa counted. Dapat four o’clock. Sorry. Yun!

“Wala naman masyado [New Year’s resolution] kasi okey naman ang buhay. Wala akong dapat i-complain.”

JOSH. May mga regalo bang nire-request sina Joshua at Bimby this Christmas?

“Si Bim asked lang… meron siyang piniling something for his girlfriend. Binigay ko, kunsintidora,” nangingiting kuwento ni Kris.

“The two did not really ask for anything, except Josh got the reward because he lost 92 lbs. this year.

“Yun ang proudest na masasabi kong… by that the Christmas comes, si Coach Chappy told me na 100 lbs. ang malu-lost niya.

“Kasi steady pa rin, e, 2 lbs. every week, e. Sobra!”

Anong ginawa ni Joshua?

“Discipline. Number one, breakfast. That’s the most important meal.

“He was not eating breakfast before. Ngayon, nagbi-breakfast siya.

“So, nagpu-fruits and… portion control, five times a day, pero kumakain siya konti-konti.

“And then, itinigil yung mga deep-fried food. Itinigil yung mga sugar drinks. And fruits is the dessert. Yun!

“It came from him. He works out six days a week. As in, talaga.

“Proud ako dahil last year his waistline was 46. It’s now 36.

“He was 300 lbs. The last weighing, he was 228.

“Ang goal lang naman, because he’s 6’2, is to be 215 lbs. Sobrang lapit na talaga at konting-konti na lang.

“Nabago yung outlook niya, yung disposisyon niya, at ngayon na-excite siya sa damit.

“So, yung nanay naman, na-excite, bagong wardrobe para sa kanya.

“Pero sinabi sa akin ng coach na hinay-hinay lang kasi liliit pa. Pero this is the first time na kasya na siya sa large.

“For the longest time, triple exta large siya. Kaya ganun kami proud talaga.

“Sabi ko nga, tinalo pa niya yung mga Biggest Loser. Kasi, di ba, 92 lbs.?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CARROT CAKE FROM MEGASTAR. Nausisa naman kay Kris ang tungkol sa pagpapadala sa kanya ng carrot cake ng Megastar na si Sharon Cuneta na ito mismo ang gumawa.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa Twitter sina Kris at Sharon. Pero hindi naman ito humaba at lumaki dahil nag-apologize din agad si Sharon.

(CLICK HERE to read related story.)

“Oh, yes, delicious. Super!” pagde-describe ni Kris sa lasa ng cake ng Megastar.

Masaya ba siya na naayos na lahat at hindi na napalaki yung isyu sa Twitter?

Sagot ni Kris, “You know, honestly, wala naman akong ginawa di ba? There’s nothing to comment about anymore.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN