CHRISTMAS FORUM: What’s the most memorable Christmas gift that these celebrities received?

(L-R) Rocco Nacino, Danita Paner, and Jugs Jugueta may come from different networks, but one thing they have in common is that their most memorable Christmas gift came from their family.


Hindi maipagkakaila na maraming regalong natatanggap ang mga artista, lalo na mula sa kanilang mga tagahanga, kahit hindi Pasko.

Gayunman, mayroong mga regalo silang natatanggap na talaga namang may “sentimental value” sa kanila, lalo na kung nanggaling ito sa mahalagang tao sa buhay nila.

Kaya naman tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Rocco Nacino, Danita Paner, at Jugs Jugueta kung anong Christmas gift na natanggap nila ang hinding-hindi nila makakalimutan.

FROM THE FAMILY. Iba’t ibang gamit man ang kanilang natanggap, iisa naman ang pinanggalingan ng mga mahahalagang regalo na natanggap nina Rocco, Danita, at Jugs— ang kanilang pamilya.

Unahin natin si Rocco na ang itinuturing na most memorable Christmas gift ay ang baseball cap galing sa kanyang kuya, at ang pabango galing sa kanyang mga magulang.

Ani Rocco, “It was the effort that I appreciated more than the gifts.

“Well you know, the simple things in life are much more appreciated.”

Ang regalo naman galing kay Mommy Daisy Romualdez ang most memorable gift na natanggap ni Danita.

Kuwento ng Kapatid actress, “Last year I got a customized tumbler from my mom that has my initials on it, which I use every taping or at work.”

Halata naman ang sentimental value ng regalong natanggap ni Jugs mula sa kanyang nanay, dahil hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin ito.

Masayang ibinahagi ng It’s Showtime host: “[‘Yong] aquarium from my Mom.

“Ang dami nang isdang dumaan dun, pero hanggang ngayon, buhay pa rin yung aquarium.”

Anuman regalo ang ibigay ng ating mga mahal sa buhay, talaga namang atin itong pinangangalagaan at pinahahalagahan.

Maliit man o malaki, mamahalin o hindi, basta taos-pusong ibinigay sa iyo ay talaga namang walang katumbas na halaga ang regalong iyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN