Mommy Dionisia tells son Manny Pacquiao to quit boxing: "Stop, stop na talaga!"

Hiniling ni Mommy Dionisia sa anak niyang si Manny Pacquiao na huminto na ito sa pagbo-boxing. Kaya naman ang mensahe niya kay Bob Arum, ang boxing promoter ni Manny,:“Ang anak ko hindi aso, ‘yong boxing talaga, sugal ata, e… Ipaabot ko lang kay Bob Arum, I’m sorry. Ako mismo nanay, Jinkee, ‘wag mo na pirmahan na lumaban si Manny ulit. Stop, stop na talaga!”


Hindi ang pagkatalo ni Manny Pacquiao ang ikinalungkot ng kanyang ina na si Mommy Dionisia.

Ang lubos daw na ikinalungkot ni Mommy Dionisia ay ang hindi pagsusuot ni Manny ng rosaryo sa laban nila ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez kahapon, Disyembre 9 (Disyembre 8 ng gabi sa Amerika).

Natalo ni Marquez si Pacquaio, via knockout, sa huling segundo ng sixth round sa ika-apat nilang paghaharap sa ring.

(CLICK HERE for related article.)



THE ROSARY. Kaninang umaga, Disyembre 10, ay nakapanayam sa morning news program na Umagang Kay Ganda si Mommy D, na nasa General Santos City.

Dito’y muling sinabi ng nanay ni Pacman na huminto na ito sa paglalaro ng boxing.

Emosyunal na sinabi ni Mommy D, “Panahon na, Manny, para huminto ka na!

“Last chance na ito ng pagpigil sa iyo. Hindi ito galing sa akin decide, galing itong decide sa ating Ama at Ina at Kapangyarihan.”

Kasunod nito ay binanggit ni Mommy D ang pakahulugan ng mga kulay sa kanyang rosaryo, na lagi niyang pinapasuot kay Manny sa bawat laban nito.

Ang rosaryong ito may mga kulay na puti, asul, at pula.

“Nakita mo bago kong bahay, binalot ng blue, at puti, at pula.

“Itong pula, kapangyarihan at pagmamahal sa tao. Ibig sabihin, yung pagmamahal mo, ibuhos na lang lahat sa tao.

"Hatiin mo ng tatlo—sa ina, at sa anak, at sa pamilya mo, at sa mga kaibigan mo.

“Itong blue, kapangyarihan ito, anak….”

Binanggit din ni Mommy Dionisia ang tungkol sa umano’y pagpapakita ng Mahal na Birhen sa kanya noong ipinagbubuntis pa lamang niya si Manny.

Kuwento ni Mommy D, “Ito ang kapa ni Mama Mary, Siya palagi ang magpakita sa akin, buntis pa ako sa ‘yo.

“Panahon na roon pagbalik mo dito isabi [sabihin] ko na ang lahat, nagsabi ang Mahal na Birhen, ang aking gabay, na huwag mo nang itago sa pamilya mo ang nakita mo sa personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa kanila lang, kung maniwala sila, kung hindi, wala sa ‘yo. Darating ang buhay na maniwala silang totoo sa ‘yo.

“Manny, nakita kita... buntis ako sa ‘yo isang buwan na hanggang tatlong buwan. Ang Mahal na Birhen ang gabay ko, nagpakita, hanggang sa pag-anak ko sa ‘yo, nakita ko ang Birhen.

“Ibig sabihin, hindi ka pinabayaan ng Jesus at Mama Mary, hindi tayo mabuhay sa mundo nang walang Inay.

“Sinabi ko na sa ‘yo, ‘wag mong kalimutan, anak, ito!” at muli niyang pinakita ang kanyang rosaryo.

Dagdag pa ni Mommy Dionisia, “Wala akong magawa kahapon, ‘nak, kahit bago lang ako nakalabas sa ospital, naglabas ako makatulong sa ‘yo magdasal.

“Akala ko inalis n’yo na yung mga santo sa grotto na aking pinagdadasalan palagi sa bahay, sa mansion.

“Doon ako mag-pray, di kayo maniwala sa akin, ngumiti ang Divine Mercy sa akin. Kung ano ibig sabihin, hindi pa tapos ang laban n’yo.

“Hindi kayo maniwala sa akin, anak. Sabi ng Jesus, ‘Ako na mag-disiplina sa anak mo. Pahintuin ko na siya tapos ng laban na ‘to.’”

Muling tinanong ng ABS-CBN news anchor na si Bernadette Sembrano si Mommy Dionisia kung gusto na ba niyang pahintuin sa pagbo-boxing ang kanyang anak.

Tugon niya, “Iyon na ang sinigaw ng lahat ng kapatid niya dito sa General Santos. Pati ang ate niya, iyak nang iyak kahapon.

“Ibig sabihin, mahal na mahal ka sa mga kapatid mo, Manny. Lalo na ang mga parents mo, nagmamahal sa ‘yo, lalo na ang mga anak mo.”



TO BOB ARUM. Nabanggit naman kay Mommy Dionisia na gusto pa ng ilan, partikular na ang boxing promoter na si Bob Arum, na lumaban pa si Manny.

Dito muling nainis ang ina ni Pacman at nagbigay ng mensahe kay Bob Arum:

“Ang anak ko, hindi aso, yung boxing talaga, sugal ata, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Nak, hindi ikaw hayop, hindi ikaw manok na isabong.

“Ipaabot ko lang kay Bob Arum, I’m sorry. Ako mismo nanay, Jinkee, ‘wag mo na pirmahan na lumaban si Manny ulit.

“Stop, stop na talaga!

“Nagsabi ng himala ang Diyos na Ama na huminto na, tama na ang sugal. Sugal ’ata katawan ang nakataya.”

WHY BLAME RELIGION? Bago matapos ang panayam kay Mommy Dionisia, tinanong siya kung bakit niya sinisisi ang relihiyon sa kinalabasan ng laban nina Pacquiao at Marquez.

Buong paninindigan na sumagot si Mommy Dionisia: “Ang tao, iba-iba ang religion.

"Pero kung ano ang nahawakan ni Manny sa maliit pa, ayaw ko na maglipat siya ng ibang sekta.

“Kasi simula umpisa, ‘yan ang panghingi ko ng gabay sa kanya. Ang sabi ko lang sa kanya, ’Wag ninyong iwan ito!’

“Ang dami nang trahedyang nagdaan sa buhay ko, ito ang naglaban sa akin.”

Habol na tanong naman sa kanya ni Alex Santos ay kung nagsabi ba si Manny sa kanya na aanib siya sa ibang relihyon.

“Hindi niya sinabi sa akin,” mabilis na sagot nito.

“Lahat silang mag-asawa!

“Kinumbinsi nila ako, pati ang pastor nandiyan sa opis ni Manny. Sabi niya, mag-pastor si Manny, magaling siya magpaliwanag sa lahat ng tao.

“Walang religion na makapagligtas ng buhay n’yo kundi ang iyong pagkatao.”

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Mommy D sa mga taong nalungkot sa pagkatalo ni Manny.

“Ipaabot ko lang sa kanila, yung mga tao na parang nabigo sila, daming text sa akin na nakarating kahapon.

“Ang daming nagulat, bakit naiba raw ang laban ni Manny nito, sa kilos niya.

"Walang pinagsisihan sa mga tao, nandiyan ang strong fighting spirit niya.”

Nabanggit din ni Mommy Dionisia ang kanyang plano pagdating ng anak.

“Pero gusto ko lang, pagdating ni Manny, may ibulong ako sa kanya, na ang Panginoon, hindi kaya sa nanay mag-disiplina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May isa pang magdisiplina sa atin, wala siyang mantsa sa mukha niya, tingin ko.

"Pero bakit siya bumigla siyang tumalon, tumakbo siya?

"Tingnan mo, Manny, tingnan mo ang pinangyarihan [nangyari]. Diyan ka nag-umpisa, nagiging champion ka. Tingnan mo ang iyong ina, nandito sa harap mo.

“‘Yan lang ang nakita kong bagsak na nahalik siya ng lupa, e. Nahalik siya ng lupa, ibig sabihin, ‘wag mo kalimutan Manny ito [rosaryo]!

“Himala palagi ang Mama mo, ito lang ang Mama, walang kaalam-alam pero palaging ibigay sa Panginoon ang alam.”

THE TALK. Kanina ay lumabas ang artikulo dito sa PEP tungkol sa tila pagsesermon ni Mommy Dionisia kay Manny on-air.

(CLICK HERE for related article)

Matapos kasi ang panayam kay Mommy D ay si Manny naman ang kinausap ng Umagang Kay Ganda.

Nang mapag-alaman nilang hindi pa nakakausap ni Manny ang kanyang nanay, muli nilang isinalang si Mommy D at iminungkahi na mag-usap na sila on-air.

Agad na nagsalita si Mommy D nang malaman na nasa kabilang linya ang kanyang anak.

Aniya, “Masakit talaga ‘to sa loob ko, kasi nga natalo ka.

"Pero okay lang, kung natalo, kung… walang pinagsisihan sa isip ko.

“Ito, ang kinalungkutan ko lang talaga sa ‘yo, bakit iniwanan mo ‘to?” sabay hawak nito sa kanyang rosaryo.

Pagpapatuloy niya, “Noon, sa maliit ka pa, hinalo na kita sa Panginoon na bawiin ka na, ibigay ka sa akin.

"Sinabi ko na kung gaano si Manny Pacquiao noon sa maliit pa, sa amateur boxing ka pa, Siya ang nagbigay ng biyaya lahat sa ‘yo.

“‘Wag mo kalimutan, naghingi ako sa inyo, nagmakaawa na ‘wag mong kalimutan ang Ina.

"Hayaan mo ang mga espiritu, ang dami nang ibigay sa Diyos ang mga materyal, ang ispiritwal lang ang aking hiningi sa iyo, ‘nak.

“Huwag mong kalimutan itong gabay natin.

“Tingnan mo ako, kahit anong bagyo o unos sa aking buhay, wala akong tigil, wala akong bumitaw sa Kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m sorry, ‘nak, ang laki ng aking tulong sa ‘yo. Taos-puso ang paghingi ko sa Diyos ng tulong. Pero bakit yung santo ninyo doon sa bahay mo…”

Pero dito’y sumabat na si Manny at tinawag ang atensyon ng ina sa pagtawag nito ng: “Ma, ma…”

Nang sumagot na ang ina ay sinabi nito, “Dili na dine istoryahan [‘wag na dito pag-usapan].”

Singit naman ni Mommy D, “Daming nagtanong sa akin bakit wala na ang rosaryo kayo. Di ba, sinabi ko nga sa ‘yo…”

Ngunit muli siyang pinutol ni Manny: “Wag ka na mag-comment sa kanila, mag-usap tayo pamilya. Hindi na sila kailangan, tayo ang mag-usap.”

Agad namang sumang-ayon si Mommy D, “Okay, okay, sa pagbalik na lang nimo [mo]. Mag-usap tayo personal.”

Dugtong pa ng Pambansang Kamao, “Hindi na kailangan ‘yan i-announce sa buong Pilipinas.”

Nabalik naman ang usapan kay Manny, na tinanong kung sino ba ang susunod na makakalaban niya.

Ayon sa Pinoy boxer, hindi pa nila ito napag-usapan ni Bob Arum.

“Pahinga muna siguro ‘tsaka namin pag-usapan ang next fight,” wika niya.

Ang mensahe naman niya sa mga Pilipino na sumusuporta sa kanya, at gayundin sa mga napinsala ng bagyong Pablo sa Mindanao: “Pasalamat tayo sa Panginoon na hindi tayo nasaktan.

“At mensahe ko sa mga tao sa Mindanao, magdasal tayo, maniwala tayo sa relihiyon, lahat ay mga pagsubok sa buhay natin ‘yan, hindi sa sarili kundi sa faith natin sa Panginoon.”

Sa Miyerkules, Disyembre 12, ang balik ni Manny sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN