Eula Caballero not ready yet for FHM: "Ako po siguro, magiging ready ako mga two or three years from now."

Wala raw kaso kay Eula Caballero kung maging suporta man siya kay Alex Gonzaga sa eco-serye ng TV5 na Enchanted Garden. Pahayag ng Kapatid young actress, “Wala naman po akong problema kung support ako sa show. Nagawa ko naman na ‘yan before sa Bagets: Just Got Lucky, The Sisters, and Sa Ngalan Ng Ina. Ang importante ay nabibigyan ko po ng suporta ang mga kapatid ko sa TV5. At trabaho rin naman po ‘yan. Hindi po ako


Masayang ibinalita ng Star Factor winner na si Eula Cabellero sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may second season na ang kanyang horror-suspense series sa TV5 na Third Eye.

Naging matagumpay ang unang season ng Third Eye, at ipinagdarasal pa lang ni Eula na magkaroon sana sila ng second season ay natupad na ito kaagad.

“Magandang Christmas gift nga sa akin noong sabihin na may second season ang Third Eye.

“Nalungkot nga po ako noong matapos na ang show. Kasi nga, naging close na kaming lahat sa show. Feeling ko hindi na kami magkikita ulit.

“Pero dahil may second season na siya sa January 2013, sobrang happy na ulit ako,” pahayag ni Eula nang makapanayam namin siya sa Christmas party ng TV5 for the press last December 5.

MINUS LORNA & EDDIE. Pero sa pagbabalik ng Third Eye, posibleng wala na sina Lorna Tolentino at Eddie Garcia.

Pareho na kasing bumalik ang dalawang seasoned performers sa GMA-7, kung saan mayroon silang primetime series ngayon—si Lorna ay nasa Pahiram Ng Sandali habang si Eddie naman ay nasa Aso Ni San Roque.

Ayon kay Eula, “Sobra kong mami-miss si Tita Lorna kasi napakabait niyang tao at very accommodating sa tulad kong baguhan.

“Marami akong natutunan kay Tita Lorna, especially sa acting.

“Hindi po siya maramot na magbigay ng advice at mami-miss ko ang mga kuwentuhan namin sa set.

“Gano’n din po si Tito Eddie. Ang bait-bait po niya sa lahat ng tao sa taping. Mahal na mahal po namin siya.

“Sana nga siya pa rin ang gumanap na Lolo Gimo sa second season kasi gamay na namin ang isa’t isa.”



ENCHANTED GARDEN. Habang hinihintay ang pagsisimula ng Third Eye ay napapanood muna si Eula sa eco-serye na Enchanted Garden. Kailan lang siya nag-taping para sa role niya rito bilang Ella.

Kaugnay nito, iniintriga agad si Eula dahil lalabas siyang support ng bida ritong si Alex Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Eula tungkol dito, “Magiging kakampi ako dito ni Aya [Alex] para labanan si Santan [Iwa].

“Wala naman po akong problema kung support ako sa show.

“Nagawa ko naman na ‘yan before sa Bagets: Just Got Lucky, The Sisters, and Sa Ngalan Ng Ina.

“Ang importante ay nabibigyan ko po ng suporta ang mga kapatid ko sa TV5.

“At trabaho rin naman po ‘yan. Hindi po ako tatanggi sa grasya.”

MMFF ENTRY. Hindi lang sa TV busy si Eula dahil kasama rin siya sa malaking cast ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na Shake Rattle & Roll 14 ng Regal Entertainment.

Nasa episode siya nina Lovi Poe at Vhong Navarro na “Unwanted.”

Ito ang second movie ni Eula sa MMFF. Last year ay kasama siya sa cast ng drama film na Yesterday Today Tomorrow.

Ayon sa young actress, “Kasama ko rin po si Lovi sa Yesterday Today Tomorrow kaya magkakilala na kami.

“First time ko naman to work with Vhong Navarro. Nagkasundo kami kaagad kasi ang bait niya at nakakatawa siya kahit wala siya sa harap ng kamera.”

PREPARING FOR FHM? Kapansin-pansin na malaki na ang ipinayat ni Eula. Sinabi nitong maganda ang diet program niya at nagwu-workout na rin daw siya parati.

Hindi kaya hinahanda na ni Eula ang katawan niya para maging next cover girl ng FHM magazine?

Dalawa kasi sa kasamahan ni Eula sa TV5 ang naging daring na sa cover ng FHM—sina Ritz Azul at Meg Imperial.

Pero sabi ni Eula, “Hindi pa po ako puwede sa ganyang mga pictorials. Seventeen years old pa lang po ako kasi.

“Sila Ritz and Meg, nasa right age na sila para maging cover girls.

“Tsaka sobra ang suporta ko sa kanilang dalawa noong lumabas ang mga magazine covers nila. Happy ako at na-achieve na nila ang maging cover girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako po siguro, magiging ready ako mga two or three years from now. Hihingi po ako ng tips kina Ritz at Meg.

“By that time siguro, ready na ako physically at confident na akong maging daring sa mga pictorials ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN