Charo Santos-Concio appointed CEO of ABS-CBN

Charo Santos-Concio [in photo] is appointed as ABS-CBN’s new Chief Executive Officer. Aside from her, other new appointments include Linggit Tan as the new TV Production Training concurrent Content Development Officer, Laurenti Dyogi as the new Entertainment Head for TV Production, and Ruel Bayani as TV Production Business Unit Head concurrent Creative Head and Director.


Si Charo Santos-Concio na ang bagong Chief Executive Officer ng ABS-CBN.

Ang appointment na ito kay Ma’am Charo ay epektibo simula Enero 1, 2013, ayon na rin sa statement na ipinadala ng ABS-CBN sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, Disyembre 11.

Bukod sa pagiging CEO, mananatili siyang President at Chief Content Officer ng ABS-CBN.

Bagamat si Ma’am Charo na ang itinalagang bagong CEO, mananatili namang Chairman of the Board ng ABS-CBN si Eugenio "Gabby" Lopez III.



BACKGROUND. Si Charo Santos-Concio, o Ma. Rosario “Charo” Santos-Concio, ay nagtapos na cum laude sa kursong Communication Arts sa St. Paul’s College, sa Maynila.

Natapos din niya ang Advanced Management Program sa Harvard Business School sa Amerika noong 2007.

Nagsimula si Charo sa pagiging production assistant sa sitcom na John en Marsha, na pinagbidahan nina Dolphy at Nida Blanca.

Hindi nagtagal ay nakilala siya bilang aktres at producer sa ilang production companies: BanCom Audiovision, Experimental Cinema of the Philippines, Vanguard Films, Regal Films, at Vision Exponents.

Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Brutal (1980), Kisapmata (1981), Gumapang Ka Sa Lusak (1990), at Itim (1976).

Pero lalo pa siyang tumatak sa mga Pilipino dahil sa kanyang drama-anthology show na Maalaala Mo Kaya, na nagsimula noong 1991 at umeere pa rin hanggang ngayon.

Taong 1987 nang magsimula siya sa ABS-CBN bilang consultant, at makalipas ang dalawang taon ay itinalaga siya bilang Vice President of Production Operations.

Taong 1996 naman nang gawin siyang Senior Vice President of TV Production.

Nagsilbi rin siyang ABS-CBN Head noong 2006, hanggang na-promote siya bilang ABS-CBN President noong 2008.

Sa maraming taon na rin niyang paninilbihan sa ABS-CBN ay ilang karangalan na rin ang natamo ni Ma’am Charo.

Ilan dito ay ang Film Academy of the Philippines’ Manuel de Leon Award, Hall of Fame Awards mula sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) para sa Maalaala Mo Kaya, CEO Communication Excellence in Organizations (CEO EXCEL) Awards, at CMO Awards’ Woman Super Achiever Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



OTHER APPOINTMENTS. Bukod kay Charo Santos-Concio, mayroon pang ibang appointments na ginawa ang ABS-CBN bago matapos ang taon.

Ayon sa text message na ipinadala ni Kane Choa ng ABS-CBN Corporate Communications, ngayong araw, Disyembre 11, ang iba pang na-appoint sa ibang posisyon ay sina Linggit Tan, Laurenti Dyogi, at Ruel Bayani.

Si Linggit Tan na ngayon ang head of TV Production Training concurrent Content Development Officer.

Itinalaga naman si Laurenti Dyogi na ang bagong Entertainment Head for TV Production.

At si Ruel Bayani naman ang TV Production Business Unit Head concurrent Creative Head and Director.

Upang hindi magkaroon ng kalituhan sa mga bagong appointees, nabanggit din ni Kane na mayroon silang “several Business Unit Heads under TV Production,” kung kaya’t ang tatlong bagong appointees ay nasa ilalim ng TV Production.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN