Chris Tan surprises Sherilyn Reyes at their church wedding

Pagkatapos ng labing-isang taon ay ikinasal na sa simbahan sina Chris Tan at Sherilyn Reyes. Ginanap ang kanilang kasal sa Sanctuario de San Jose, Greenhills, San Juan City, noong Lunes, December 10.


Sampung buwan ding pinaghandaan ng businessman na si Chris Tan ang church wedding nila ng actress-TV host na si Sherilyn Reyes noong December 10.

Ginanap ang kasal sa Sanctuario de San Jose, Greenhills, San Juan City; at sa Marriott Hotel Manila, Resorts World, Pasay City, naman ginanap ang reception.

Nagpaunlak ng maikling panayam si Chris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng reception-party sa Marriott Hotel.

“It’s ten months in the making," pagtukoy niya sa preparasyon ng kasal.

“Na-picture-out ko na ‘to ever since, except for the venue.

"Well, yung Sanctuario, ever since.

“Itong Marriott kasi... I said, ‘I wanted to be here.’

“To be different na rin, kasi normally, kapag nagpakasal, sa Shangri-La.

“I wanted it to be here, pero yung logistic, hindi ko na naisip.”



BRIDE’S DAY. Hindi ordinaryo na ang lalaki ang nag-aasikaso ng kasal. Pero sa kanila ni Shey (palayaw ni Sherilyn), siya ang mag-isang nag-ayos. Bakit nga ba?

“Naisip ko kasi that a wedding is not the groom’s day, it’s hers—the bride’s day.

“I wanted her just to arrive and say, ‘Wow!’

“Sabi ko nga sa kanya before, just last night, sabi ko, sana i-appreciate niya.

“Pero siyempre, alangan namang sabihin niyang hindi, di ba?

“Pero nakita ko naman sa face niya kanina.

“She told me, sobra niyang nagustuhan ang set-up.”

Dahil magkasama sila sa bahay, alam ni Sherilyn na nag-aayos ng wedding nila si Chris.

Ang wedding gown na isusuot at ang mga kasama lang niya sa entourage ang alam ni Sherilyn.

Hindi ba siya kinulit ni Shey na i-involve siya sa pag-aayos?

Sabi ni Chris, “Hindi, hindi. Even yung office desk ko, hindi niya ginagalaw.

“Kasi, may shelves kami na nila-lock, so hindi niya ginalaw talaga.”



FAITH. Una muna silang nagpakasal sa Huwes. Pagkatapos ng labing-isang taon, tatlong anak, ay humantong pa rin sila sa simbahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na ipinagtaka ng mga nakakakilala sa kanila kung ginawa man ni Chris ang lahat ng preparasyon para kay Sherilyn.

Sabi ng dating PBA player, “Actually, faith lang. This is because of our faith to the Lord, ang lakas talaga.

“From the very beginning, kung wala kang faith, it will not bring you here… malamang, gumive-up ka na.”

Bago pa man sila nagkakilala, pitong taon na raw “attracted” si Chris kay Sherilyn.

Kuwento nga niya, “Seven years ko siyang gusto. Seven years ko siyang gusto, physically.

“Pero noong makilala ko siya, I have not met a woman that can, for me, that can… pumantay man lang kay Shey.

“Walang halong kaplastikan—she really has a kind heart.

“Then, as a wife, wala akong masabi.

"As a mom, mas lalong wala akong masabi.

“She is what she is. Sobra lang akong blessed.”



COURTSHIP YEARS. Pitong taong sinubaybayan ni Chris si Sherilyn at napapanood lang niya ito noon sa Eat Bulaga!.

Kuwento pa ni Chris, “Seven years, hindi ko siya kilala, gusto ko na siya.

“Pero noong nabigyan ako ng opportunity sa Eat Bulaga!, I went there just to meet her… pero naglakas ako ng loob.

“Kaya palagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko, there’s no relationship worth saving if you’re not happy.

“Kunwari, mag-asawa ka at tapos sasabihin mo, ‘I’m only here for the kids.’

“Hindi, e. You only live once.

“Sometimes you have to go through hurting people but, at the same time, you set them free to find their own happiness.

“At kami ni Shey siguro, that’s what we made.

"And I really wish, yung partners namin, they have to find their happiness din.”



TRIALS. Marami na ring pagsubok ang pinagdaanan ng mag-asawa.

Patotoo ni Chris, “I don’t want to sound… kasi hindi naman ako Born Again [Christian].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero totoo, yung faith namin sa Panginoon, that, eventually, we will be here. That’s what brought us here.”

Ngayong ikinasal na sila sa simbahan, masasabi ba ni Chris na kumpleto na ang kanilang pagsasama ni Sherilyn?

Sagot niya, “No, from day one, I don’t believe na, okay, nagpakasal na kami, it’s the start of something.

“Hindi, e. Unfair kay Shey at unfair sa akin na sasabihin namin na, ‘Today, I will love you more. Na today, I will take care.’

“From day one, I gave her the best. Now, ‘eto, it’s more of kasal na kayo.”

Ano ang pakiramdam ngayong nagkaroon na ng kaganapan ang lahat?

“That faith will bring you to anywhere you want to. Faith in the Lord, ang laking bagay nun.”

Hindi madali ang bumuo ng isang surprise wedding lalo na sa isang tao na kasa-kasama niya araw-araw. Paano ito nagawa ni Chris?

“Siya, si Shey kasi, nag-cooperate siya. Hindi siya nagtanong. Hindi siya nagpunta,” sabi niya.



CHILDREN’S MESSAGE. Bukod sa pagpe-perform ng dalawang anak nilang lalaki na sina Paoie at Lo, nagbigay rin ng sorpresang mensahe ang dalawa sa kanilang mga magulang.

Marami ang nagulat, pati si Chris, sa naging laman ng mensahe ni Paoie.

Sabi ni Chris, “Alam ninyo, nagulat ako.

“I swear to God, nothing of this is scripted except for the things I know.

“Alam ko na may message sila, pero hindi ko alam ang message. Nagulat ako kay Paoie.”

Ano sa mga naging mensahe ni Paoie ang nakapagpagulat sa kanya?

“Wala, kasi, Paoie is my son. No matter how you look at it, he’s my son—dugo lang.

“Pero ang kuwestiyon ko palagi sa tao, my wife doesn’t have any of my blood, peros she’s the most important person in my life.

“Yun talaga ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, blood is nothing.

"Magkadugo tayo, puwede nga kitang patayin, may mga ganoon.

“But yung relationship, yung love, that sets a relationship apart.”

Si Paoie ay anak ni Shey sa previous marriage niya, kaya naitanong kay Chris kung may posibilidad na isunod na sa kanya ang apelyido ng bata.

Sagot ni Chris, “That’s the wish of Paoie.

"Pero si Paoie, sa mga hindi legal, Paolo Tan siya.

“Siya yung naggagawa. But Paoie, he’s my eldest.

“Sabi ko nga sa kanya, it’s only a name. It does not take any right from his biological father to be his father.”

Parehong talented ang dalawang anak nilang lalaki. Ang bunso naman nila na si Eia, the only girl, ay one year old pa lang.

Kung sakaling magkahilig ang mga ito na pasukin ang showbiz, okay ba sa kanya?

Sabi ni Chris, “Well, hindi ako ipokrito. If they are inclined to that, they are inclined to that. Money is good in showbiz.”

Pero bakit pinipigilan daw niya si Sherilyn na mag-teleserye at isang teleserye lang sa isang taon ang puwede nitong gawin?

Paliwanag ni Chris, “To clarify that… kami kasi ni Shey, mahirap magkahiwalay.

“Nagpapatayo kasi kami ng bahay, so medyo magtatrabaho talaga siya.

“Pero as much as possible, after one, gusto ko siyang mag-rest ng one month.

“Then, balik siya… ayoko ng sasapaw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN