MMFF SPECIAL COVERAGE: Liza Diño on Best Actress race in MMFF New Wave section: "Ang gagaling din ng mga kasali—si Ina Feleo."

Kuwento ni Liza Diño sa kanyang preparasyon sa kanyang role: “Very, very intense. Just the rehearsals pa lang, it took us three to four months to rehearse to get to the level of dancing decent Flamenco. Or Flamenco na puwede naming ipakita sa movie. We trained maybe eight hours a day, everyday and talagang lahat ng dancers sobrang dedicated to make this film really beautiful.”


Muli ay nandito sa Pilipinas ang actress at former beauty queen na si Liza Diño.

She’s here to promote her movie In Nomine Matris (In the Name of the Mother), isa sa limang 2012 Metro Manila Film Festival New Wave entries.

Naka-base na si si Liza sa States, pero gina-grab niya ang every opportunity na dumarating sa kanya para umarte.

Nasa bansa rin si Liza last February para tumanggap ng Ani ng Dangal Award para sa pagkapanalo niya bilang Best Performer sa International Film Festival Manhattan para sa indie film na Compound.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Liza kahapon, December 11, sa Mesa Grill sa Tomas Morato, Quezon City.

Balitang matindi ang performance na ibinigay ni Liza sa bago niyang pelikula. Sa tingin niya, ano ang tsansa niya to bag the Best Actress Award sa New Wave category?

“Huh?!” natigilan niyang sagot saka tumawa.

“Excited. Pero sana… ako masaya na ako na nakasama movie namin,” iwas niyang direktang sagutin ang tanong.

“Pero siyempre…” tawa niya ulit.

“Pero ang gagaling din ng mga kasali. Si Ina Feleo. Ad Ignarantiam, siya yata yung ano, bida na girl.”



FLAMENCO DANCER. Anong preparations ang ginawa niya para sa role ng isang Flamenco dancer sa In Nomine Matris?

“Very, very intense. Just the rehearsals pa lang, it took us three to four months to rehearse to get to the level of dancing decent Flamenco. Or Flamenco na puwede naming ipakita sa movie.

"We trained maybe eight hours a day, everyday and talagang lahat ng dancers sobrang dedicated to make this film really beautiful.”

Ano yung highlight or favorite scene niya sa kanilang pelikula?

“Pinakagusto kong scene ay yung eksena namin ni Biboy [Ramirez]. It’s a very tender scene.

“Nakakatuwa pa nun kasi very intense siya. Nine times namin siyang shinoot with the same intensity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi may mga guards na laging sumisilip,” kaya raw nila inuulit-ulit ang nasabing eksena.

Pagpapatuloy niya, “Confrontation namin ni Biboy. I love that scene.

“Yung confrontation ko with my family. Ang dad ko do’n si Leo Rialp. And yung mommy ko si Tami Monsod," pagtukoy niya sa isa pang eksenang gustung-gusto niya.

Bakit kailangan niyang i-confront ang kanyang family sa movie?

“Second family kami. So we have a weird relationship… me and my dad.

“Ang daming… that’s what makes the film very, very interesting kasi ang daming complexities ng buhay niya.

"Pero she’s dancing and kung paano yun nakakatulong or nakakasagabal sa dancing niya.”



WOLFGANG PUCK. Sa unang interview ng PEP sa kanya ay naikuwento ni Liza na maliban sa kanyang passion for acting ay nagtatrabaho rin siya bilang chef sa celebrity chef and restaurateur na si Wolfgang Puck.

Kumusta na ang kanyang cooking career?

“So now I ventured into hosting for cooking.

"I’m a host for a TV show in the States. It’s a Los Angeles-based TV network, Phil-Am TV. The title is Binibining Kusinera: Dishing with a Beauty Queen.

“And we actually went here in the Philippines. Di ba, I left in May, bumalik ako nung August to shoot some of the episodes here.

“We featured different celebrities. We had like Angelu de Leon and Francine Prieto, Cathy Untalan—beauty queen siya—and marami pang celebrities to talk about their favorite Filipino dish.

"And si Senator Ernesto Maceda, na-interview ko rin siya,” tuwang-tuwa niyang kuwento.

Aniya pa, “It’s about modernizing Filipino dish that we are familiar with.

"Katulad ng mga sinigang… instead na soup siya, kasi sa US, mahilig sila na separate yung protein, iba yung vegetables, iba yung sauce, di ba?

“So, ang ginawa ko, pinirito ko yung fish, tapos yung vegetables na mismong ginagamit nila sa sinigang, sauté ko siya, tapos nakahiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos yung soup na alam natin, I turned it into a sauce. So tamarind-based glaze.

"Lasang sinigang pa rin siya pero presented differently.”

Ano yung natutunan niya kay Wolfgang Puck na puwede niyang i-share?

“I think if there’s anything, it’s slice skills. Yun ang isa sa natutunan ko kasi kung marunong kang… kung yung slice skills mo talagang marunong kang maghiwa, magagawa mo lahat ng dishes na maganda yung presentation, e.

“And of course, yung mga basic cooking techniques na ginagawa natin na hindi mo puwedeng i-overcook yung mga vegetables.

“Usually, kung kumakain tayo ng pinakbet, yung mga gulay lanta na.

"So natutunan ko, you need to blanch it. Mga gano’n.”



BYE HUBBY? Nadako naman ang interview sa personal at sa buhay-may asawa niya.

Si Liza kasi ay nag-settle sa States dahil sa husband niya of five years na isang Fil-Am bio-technician na naka-base sa Los Angeles, California.

“Wala na siyang husband!” pag-inform ng kasamahang writer nang tanungin si Liza ng PEP tungkol sa kanyang asawa.

“Nandito yung baby ko,” simula uli niyang kuwento patungkol sa anak niyang si Amara.

Ayon kay Liza, hiwalay na sila ng kanyang asawa pero wala pang nagpa-file sa kanila ng divorce.

Baka may chance pa ng reconciliation? Ano ba ang reason ng hiwalayan?

“A, we’re very different. Kasi siguro kahit na magkaiba kayo, di ba, pag ano kayo… in love...

“Everything happens for a reason.

"I mean, for me, we tried. We tried to make it work.

"And siguro yun, yun, e. Kasi nga, iba yung ano, iba yung kultura,” nakangiti pero malungkot niyang saad.

Nagkakasakitan ba sila?

“Ahm… Hindi siya sanay kasi sa world na—kasi kahit sa States, I was exposed sa mga Filipino-American communities. Lagi akong naghu-host sa mga events.

"Tapos nung mga time na nagsu-shoot ako dito… umuuwi ako lagi dito sa Pilipinas to shoot movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman kasi, kung may opportunity dito, iba pa rin naman kasi talaga sa Pilipinas, di ba? Sana ito ang maging daan.”

Hindi ba supportive ang kanyang asawa sa kanyang mga ginagawa?

“Supportive naman siya kasi hinahayaan naman niya ko.”

How is she coping sa kanilang hiwalayan?

“Ewan ko…trabaho!” sabay halakhak niya.

“Pag-usapan natin yung In Nomine Matris,” pakiusap niyang natatawa pa rin.

Pero dagdag niya ulit, “How do I cope? Yung baby ko, di ba?

"Parang if you put yourself, pag mom ka, tapos kinomit [commit] mo sarili na talagang magiging nanay ka… busy ka na sa pagiging nanay mo.”

Dahil hanggang January pa si Liza sa Pilipinas at kahihiwalay lang nila ng kanyang asawa, first Christmas ito na hindi sila magkasama?

“It’s okay!" tawa niya.

“Siya malungkot dun, [ako] kasama ko yung anak ko.

"Hindi... actually what’s funny is, bago ako umalis… tagal naming hindi nag-uusapa, ha.

“Tagal naming di nag-uusap at all. Kasi pag nagkikita kami, laging away.

"Two weeks ago bago ako umalis [papunta] dito, yun, ipinaalam ko yung baby ko and everything.

"From away to like him, understanding... siya pa naghatid sa ’kin sa airport."

Hindi nag-alinlangan ang kanyang “asawa” na baka hindi na sila bumalik sa States ni Amara?

“Hindi, kasi alam naman niya, e. Na sa aming dalawa, kahit kailan, hindi ko ipinagkait yung anak ko sa kanya.

“Whenever he wants Amara, ibinibigay ko sa kanya.

"Tapos, ’eto ngayon, at least medyo naiintindihan na niya or natatanggap na niya talaga na hindi talaga ano…”

“Very Alice Dixson!” pagkumpara ng isang kasamahang writer sa aktres ding si Alice Dixson, na balitang hiwalay na rin sa asawa.

“Gano’n ba yun? Gano’n ba yung pattern ng mga ano…”

Pinapahiram naman niya ang kanilang anak sa “asawa” niya?

“Lagi. She’s with me, pero every weekend, sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka yung respect din talaga sa kanya as dad. Kasi he very good to my daughter.

“The last time I was here, nag-uusap. Pinag-uusapan, inaayos pa and everything.

“We’re both going through it. Pareho naming pinagdadaanan ngayon.

"Kumbaga ngayon, ito yung best sa amin na he’s doing his own thing, I’m doing my own thing.

"Siguro para ma-realize namin kung ano ba ang halaga ng isa’t isa."



MANNY PACQUIAO. Bilang maituturing na celebrity rin sa Filipino community sa States, na alam nating malaki ang nakukuhang suporta ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, ano ang masasabi niya sa pagkatalo nito kay Juan Manuel marquez?

“Well, kasi lahat naman kasi tayo, parang expected natin every time panalo siya.

"So, feeling ko, parang I’m for sympathizing for him than disappointed.

"Kasi talaga naman sa labanan, may panalo, may talo.

“I thinks it’s ano rin for him… kasi ang dami na niyang ginagawa rito. Sometimes you can’t be a master of everything.

“May goal siya. He’s hungry. Talagang gustung-gusto niyang ibagsak and patunayan.

"Si Manny siguro, naging kampante siya, kumpiyansa.

“Natalo na niya si Marquez so many times, di ba? Pero yung intriguing yung sinabi ni Justin Bieber.

“Wag na nating pag-aksayan ng panahon!” natatawa niyang pagtatapos.

For more MMFF-related news stories, CLICK HERE.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN