Zendee Rose Tenerefe on being compared to Charice: "Gusto ko po maging much better, hindi po para makasapaw, kundi para sa sarili ko"

“Ilang rejections na rin ang nadaan sa akin, ilang beses na rin po akong natalo, pero makapal lang po ang mukha ko. Pabalik-balik lang, so hindi po ako sumusuko agad. Tiwala sa sarili at saka ginagawa ko po yun para sa pamilya ko," pahayag ni Zendee Rose Tenerefe sa mga nangangarap ding sumikat sa pagkanta katulad niya.


Nag-iba na ang ikot ng mundo para sa noo’y aspiring singer na si Zendee Rose Tenerefe, matapos maging viral sa YouTube ang kanyang video habang kumakanta sa isang videoke kiosk sa SM Megamall.

Doon na nga nagsimula ang sunud-sunod na suwerte ng 21-year-old singer

Kahapon, December 11, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Zendee sa Red Box, TriNoma Mall, Quezon City. Ito ay kaugnay ng release ng kanyang kauna-unahang single na "Runaway."

Sinasabing ang single na ito ni Zendee ay akma sa kuwento ng buhay niya.

Sabi ni ­Nico Bacani, marketing manager ng Warner Brothers, "Bagay kasi kay Zendee yung song na ’Runaway.’

"Para kasing you are running away from something na hindi masyadong maganda.”

Kuwento naman ni Zendee, “Marami pong ’runaway, runaway’ sa kanta ko.

"Pero yung runaway po na yun, positive song po siya.

"Parang running away sa problems, pero yung dreams, di iiwan sa pag-runaway mo sa mga problema."

Gaano katagal ginawa ni Zendee ang kanyang debut single?

“One and a half [months].

“Ako po yung nag-background, nag-second voice.

“Bakit pa hahanap ng magba-backup, puwede naman ako?” pabirong sabi niya.

Pero paliwanag ni Zendee, “Parang ang sarap po kasi na pag nakikinig ka sa isang kanta na, ‘Uy! Ako rin ’yang nagse-second voice!’

"At least, di ba, sa ’yong sa ’yo?”

Ano ang pinakagusto niya sa "Runaway"?

“Yung beat. Hindi po kasi ako biritera, gusto ko po yung beat na nakakasayaw nang slow.

“Yung nakaka-birit po ako, tapos yung birit po dun sa ibinigay na demo sa akin, iba.

“Ako po yung gumawa ng mga styles dun.

"Pinabayaan po ako ni Sir Moy [Ortiz] ng The Company. ’Kung ano’ng gusto mong version, gawin mo sa huli. Ano, birit ka? Birit ka!’

“So ni-record ko po, gumawa po ako ng mga style, hinayaan niya po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos pinakinggan po namin. Tapos, ‘Eto, ititira natin ‘to,’ ganyan.

“So gusto ko po siya.

"Nung napakinggan ko na po siya, mga four days po akong na-LSS [last-song syndrome].

“’My god! Ako ‘to?’

"Maganda po siya, bagay po siya sa boses ko.

"Perfect yung song para sa akin... I guess po.”



SUDDEN SUCCESS. Sabi pa ni Zendee, “Masaya po at saka thankful po ako kay God.

"Araw-araw po ako nagpapasalamat kasi baka bukas, wala na.

“Lalo na pag umaga, ‘Zendee, may gagawin ka!’ ’Thank you, Lord, finally.’

“Kasi dati po, paikut-ikot lang ako dito sa Manila.

"Pumupunta ako sa mga bars na walang entrance, baka puwede ako sumingit kumanta doon, baka may maka-discover.

“Tapos ngayon, meron na akong guesting, di ba?"

Kuwento pa niya, “Siyempre, probinsiyana po ako, galing po akong GenSan. Hindi ko po na-imagine talaga na ganito po.

“Pangarap ko lang talaga before, manalo sa competition.

"Super blessed, thankful po ako kay God."

ZENDEENATICS. Masaya na may halong hiyang binanggit ni Zendee ang mga karanasan niya sa mga tagahanga niya.

“Yung autograph po, nahihiya ako. Sabi ko, ‘Picture na lang! I-hug ko pa kayo.’

“Yung autograph kasi, parang napakaano na...

“Kahapon nga po, yung nasa Baguio po ako, mga damit po nila yung pinapasulatan nila.

“Sabi ko, ‘Habang buhay n’yo nang pagsisisihan ‘to! Susulatan ko na!’

“Sabi nila, idol nila ako. Parang ako, ’Wow! Ganito na ako, my god!’

"Basta, happy po ako."

May hukbo na nga ng tagahanga si Zendee, at ang tawag nila sa kanilang sarili ay "Zendeenatics."

Sabi ng singer, "Dito [Manila] po talaga yung Zendeenatics, tapos gumawa po sa GenSan, meron din po sa U.S.

“Yung SM tour ko po yung paraan ko para sa meet-and-greet. Ang dami po nila, ang saya po.

“Yun po yung ginawa ko sa SM Baguio, lahat po sila pinapunta ko dun tapos po nakilala ko sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BASHERS AND HATERS. Masayang-masaya si Zendee sa suportang natatanggap niya mula sa kanyang pamilya at mga tagahanga.

Pero kung may mga tagahanga siya, hindi rin mawawala ang haters o bashers.

Minsan nga raw ay nakakatanggap siya ng tweets na hindi masyadong maganda.

Inamin na Zendee na minsa’y pinatulan niya ang mga pambabatikos sa kanya sa Twitter.

“Dati po, di ko maiwasan i-answer yung mga ganun, e.

“Dati, may nagsabi ang yabang-yabang ko na, napasagot ako na, ‘Hindi n’yo naman po ako kilala kung ano ako, ganito po talaga ako kumilos, medyo childish.’

“Friendly po ako kahit hindi ko kilala, ganun po ako.

“Sabi nila, ‘Feeling sikat,’ ganun po.

"So, hinahayaan ko na lang po. Nire-retweet ko po yun para maka-gain po ako ng comfort sa ibang tao.

“Mabuti na lang po yung mga fans ko, hindi nang-aaway.

"Kumbaga, imbes na awayin po nila yung nangganun po sa akin, kinu-comfort nila ako. ‘Ate Zendee, wag kang susuko, ha? Stay strong, magaling ka kaya nga marami kaming nag-iidolo sa ’yo, e.’

“Kaya iniiwasan ko na lang po yung mga ganun.

“Minsan po kasi, sine-search ko po yung pangalan ko, tapos lalabas Zendee, minsan nakakabasa po ako ng di maganda.

“Pero iniiwasan ko na po yun. Mentions na lang po yung tinitingnan ko sa Twitter. Para iwas sa stress.

"Tumataba po kasi ako pag stressed, e!”

Bukod sa pagbabato ng kung anu-anong batikos sa kanya ay may ilan ding hindi naniniwala sa talent ni Zendee.

Pero ang kanyang nakakatuwang sagot dito ay: “Maniniwala din po kayo balang-araw."

Dagdag niya, “Hindi naman po sa pagbabanta, gagawin ko po ang lahat para kung ano po yung Zendee, hindi po magbabago, consistent lang po yun.

“Mamahalin n’yo rin po ako. Basta, mag-iisp ako ng paraan

“Kaya nung may nag-tweet sa akin na ‘ayoko talaga si Zendee,’ ni-replay-an ko: ’Magugustuhan mo rin ako balang-araw.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CHARICE VS ZENDEE. Hindi rin maiwasang maikumpara si Zendee kay Charice, bilang pareho silang nadiskubre sa pamamagitan ng YouTube.

Ano nga ba ang nararamdaman ni Zendee tuwing ikinukumpara siya kay Charice?

“Malayo na po kasi yung narating niya, tapos ako nagsisimula pa lang, tapos nakukumpara na agad.

“Bakit yung ibang nakapag-Ellen, hindi ikinukumpara sa kanya? Bakit ganun?

“Pero siyempre, yung mga tao, kinukumpara po ako kay Charice, sabi ko ‘Hindi ko naman sinabi na ikumpara n’yo ako kay Charice, kayo po ang nag-isip niyan, so salamat po.’

“Ganun pala yung mga peg ko, ganun po iniisip ko, nirerspeto ko yung opinion nila.

“Basta no comment! Idol ko po si Charice, e, fan niya po ako.”

Pero sino nga ba ang mas magaling sa kanila?

“My god! Ano ba ’yan? May iba’t iba po kaming style!"

Biglang nagbiro si Zendee na, “O, walang lalabas!”

Ang tinutukoy niya ay ang sagot sa tanong kung sino ang mas magaling sa kanila ni Charice.

“Ano po, e, may iba’t iba po kaming style.

"Si Charice po, magaling mag-perform. Magaling po talaga si Charice.

“Gusto ko po maging much better, hindi po para makasapaw, kundi para sa sarili ko.

“Gusto ko lang po maging singer.

“Basta ngayon, hindi ko po iniisip yung mga compare-compare na ’yan, kasi wala akong makukuha sa ganyan, e.

“May career siya, may trabaho siya.

"Ako rin po, nagtatrabaho.

“Hindi po talaga mawala sa Pinoy yung pagkukumapra. Pero ako, kung puwede po, iwas na lang ako.”

DREAMS, HOPES, AND WISHES. Natupad na nga ni Zendee ang pangarap na makilala bilang singer, pero ano pa ang iba niyang mga pangarap?

Hindi gaya ng ibang singers na gustong magkaroon ng concert, si Zendee ay mas gustong mag-ipon muna ng mga kantang kakantahin para sa kanyang concert.

“Actually, hindi ko pa naiisip ’yang mga concerts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko pa magparami ng kanta para may kakantahin naman po ako sa concert.

"Kasi po, maganda po yung magko-concert ka, tapos sasabayan ka ng tao sa sariling kanta. Ganun po ang dream ko.

“As of now, concerts, hindi ko pa po naiisip. Hindi po kasi ano nagdi-dream nang ganun ka-high.

“Baka kasi baka maano [disappoint] ka lang pag hindi mangyari.

“Ako po kasi, kung ano lang po yung meron ngayon, ganun po, nagpapasalamat ako, at the same time, nag-i-stay lang po ako sa ganun.

“Tapos ang gusto ko lang po mangyari, yung dalhin ko yung pamilya ko dito, ialis sila sa GenSan.

"Gusto ko maranasan nila yung buhay ko dito.”

Wala man siyang dream concert sa ngayon, may mga pangarap naman siyang maka-duet.

Isa na rito ang Fil-Am singer na si Bruno Mars.

Sabi ni Zendee, “Gusto ko po yung ka-WarnerBro ko, si Bruno Mars.

“Parehas po kasi kami ng mga songs na type. Kinakanta ko yung mga songs niya, feeling ko.

"Yung mga songs niya, sinasabayan ko na parang duet siya.

“Ambisyosa lang!

"Yun po, pero nakausap ko po yung manager ni Jason Mraz at ni Christina Perri.

"Masaya po ako kasi umabot po kay Christina Perri yung video ko po na ’I Will Always Love You.’ Sabi niya, ‘two thumbs up!’ daw.

“Nag-message nga po ako kay Christina Perri na sana mag-collab [collaborate] kami. Pero hindi pa po ako na-discover nun.

“Pero sabi ko [sa manager ni Christina], ‘Hindi naman niya ako nire-reply-an, e.’ Ilang message na po yun.

"Tapos sabi niya, sasabihan niya daw po si Christina Perri.”


DREAM ALBUM. Ano naman ang peg niya para sa kanyang dream album?

Inamin ni Zendee na marami na siyang nai-record na kanta. Pipili na lamang daw sila kung ano ang mga isasali sa ilalabas na album niya sa 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon po kasi, focused kami ngayon sa ’Runaway.’ Pero nag-record na po kami ng mga songs.

“Ang plano po namin ay mag-record nang mag-record.

"Then we will choose kung ano yung isasama namin sa album para, surprise!”

At pabirong hirit pa ni Zendee, “Sana nga po may umabang sa surprise na yun!”

Balak ba niyang isama ang kantang nagpasikat sa kanya na “And I Am Telling You"?

Mabilis na sagot ni Zendee, “Kung sa akin lang po, hindi na po, kasi ang dami na pong gumawa.

"Kasi po, makukumpara lang po, e.

“Gusto ko yung iba, yung parang, kumbaga, parang nasa ibang mundo!

“Hindi naman po, iwas na lang po ako sa mga compare-compare, ganun po.

“Mas maganda po yung new Zendee.

"Kasi, parang random girl, gusto ko po makilala bilang Zendee, hindi po bilang isang random girl na nakatalikod sa karaoke na may backpack.

"Gusto ko po makilala bilang Zendee—yun po ang pangarap ko ang makilala bilang ako po.

"So sana po, di ba?"

INSPIRATION. Naging inspirasyon na si Zendee ng ilang kabataan na gusto ring makilala sa pag-awit.

Nang maungkat ito ay naiyak ang singer na tila naalala ang kanyang mga pinagdaanan bago marating ang kinalalagyan niya ngayon.

Naluluha niyang sinabi, “Awww, naiiyak ako!

"Tiwala sa sarili. Tapos, hindi susuko agad.

"Tapos isipin po na hindi kayo binigyan ng Diyos ng talent kung walang rason.

“Ilang rejections na rin ang nadaan sa akin, ilang beses na rin po akong natalo, pero makapal lang po ang mukha ko.

“Pabalik-balik lang, so hindi po ako sumusuko agad.

"Tiwala sa sarili at saka ginagawa ko po yun para sa pamilya ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN