Martin del Rosario on issue with former Pintada co-star Lemuel Pelayo: “Natatawa nga ako, paulit-ulit siyang nagso-sorry.”

Nagkaroon ng isyu si Martin del Rosario (in photo) at ang dating co-star niya sa Pintada na si Lemuel Pelayo na nagsimula sa gender issue. Kuwento ni Martin, “Totoo naman na tinanong niya ako at sinabi kong hindi totoo. Yun nga lang, masyado siyang nagsalita. Ang mali lang niya, nagsalita siya ng sobrang dami.”


Itinuturing ng Kapamilya star na si Martin del Rosario ang taong 2012 na pinakamagandang taon sa kanyang showbiz career.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa pocket presscon ng BNY Jeans, kunsaan ni-renew muli ang kontrata niya bilang image model.

Sinabi dito ni Martin na pinili pa rin niyang magtrabaho out-of-town nung mismong 20th birthday niya noong November 25.

Aniya, “Mas gusto ko po yun, e, yung nagtatrabaho na ako ng birthday ko.

“At sobra nga akong nagpapasalamat sa year na ‘to, kasi ang daming trabaho, ang daming magandang nangyari.

“Tapos noong birthday ko, at least po, kumikita, nagwo-work.”

NEXT SOAP. Ngayong Sabado, December 15, si Martin ang magbibida sa episode ng drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.

“Kasama ko po si Ms. Tessie Tomas sa MMK, bale siya po ang gaganap na lola ko rito.

“Iniwan po ako ng mga magulang ko sa lola ko na inaapi-api naman po ako,” kuwento niya.

Ang huling teleseryeng ginawa ni Martin ay ang Pintada. Hindi pa raw niya alam kung ano ang susunod niyang teleserye.

“Pero sinabi na po sa akin ni Direk Lauren Dyogi na magpaganda pa ako ng katawan ngayon, then early next year raw po ang soap.

“Nasa unit po kasi ako ni Direk Lauren.”

So, posibleng sexy ang tema ng susunod niyang teleserye?

“Ay, hindi ko pa po alam kung sexy nga po.

"So far, mga plans pa lang naman po ang sinasabi sa akin.”



SHOWBIZ FAMILY. Anim na taon na sa showbiz si Martin. Pamangkin siya ng character actress na si Ces Quesada sa mother side at ng GMA-7 news anchor na si Connie Sison naman sa father side.

Ni-launch siya sa Star Circle Batch 15 kasabay sina Jessy Mendiola at Max Collins (dating Isabelle Abiera).

Hindi ba naisipan ni Martin na lumipat ng network sa loob ng anim na taon niya sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng young actor, “As of now, wala naman pong planong lumipat at saka marami naman pong plans.

“Tapos, itong year pa nga po na ito, ang dami pa pong trabaho.

“Para sa akin din po, ito po talaga ang pinakamagandang year ko.

E-Boy po, tapos nag-Mother’s day rin po ako ng MMK.

“Then, yung The Healing at Amorosa po na movie na nagkasunod. Then, yung Pintada po.”



LOVETEAM. Wala pang consistent na ka-loveteam si Martin, pero si Denise Laurel daw ang gusto niyang makapareha dahil naging maganda ang working relationship nila sa Pintada.

Sabi niya, “Dati po, tinatanong ako ni Direk Lauren, sabi ko, gusto ko si Denise.

“Pero sabi, hindi puwede. Parang karakter raw po dati dahil teacher siya at na-in love ang student.

“Sabi ko naman, okay naman kasi yung mga fans, sinuportahan ang team-up namin ni Denise—nagustuhan nila.

“Tapos, nag-isip pa ’ko, sabi ko, si Julia Montes…”

Bakit naman si Julia?

“Magaling po kasi siyang umarte. Hindi ko pa rin po siya nakakasama,” tugon ni Martin.



GAY ISSUE. Hindi na rin naman bago kay Martin kapag minsan ay naiintriga siya sa gender issue.

Alam na rin daw kasi niya na normal na sa artistang lalaki ang napagdududahan o iniintrigang bading.

Pero dahil sa isyung ito ay nagkaroon sila ng isyu ng dati niyang kasamahan sa Pintada na si Lemuel Pelayo.

Sa isang interview kasi na lumabas dito sa PEP ay inamin ni Lemuel na tinanong niya si Martin tungkol sa usap-usapan tungkol sa pagkuwestiyon sa pagkalalaki nito.

Itinanggi naman ito ni Martin, pero marami pa raw sinasabi si Lemuel pagkatapos.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano nga ba ang naramdaman ni Martin dito?

“Nag-sorry na si Lem,” tugon naman niya.

Na-offend ba siya sa mga naging pahayag nito sa interview?

“Hindi ako na-offend, although yung mga fans, nagalit talaga. Pero ako, wala akong nai-comment talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-sorry siya sa akin. Sabi ko naman, hindi naman big deal ang sinabi niya.

“At saka, ang sinabi naman niya, tinanong niya ako at sinagot ko siya.

“Totoo naman na tinanong niya ako at sinabi kong hindi totoo. Yun nga lang, masyado siyang nagsalita.

“Ang mali lang niya, nagsalita siya ng sobrang dami.

“Bandang huli, yung mga fans ang nagalit. Pero kinausap ko naman ang mga leader ng fans club.”

Paglilinaw pa niya, “Pero okay kami, hindi kami magkaaway.

“Natatawa nga ako, paulit-ulit siyang nagso-sorry.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN