PEP’S Bets for Stardom: Lucky 13 for 2013

The stars who made it to PEP’s bets for stardom 2013: (Top row, L-R) Kit Thompson, Max Collins, Sophie Albert, Julia Barretto (Middle row, L-R) Arjo Atayde, Vin Abrenica, Benjamin Alves, Jeric Soriano, Dominic Roque (Bottom row, L-R) Thea Tolentino, Meg Imperial, Jane Oineza, Ryzza Mae Dizon


Bago magtapos ang taong 2011, nagtanung-tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sinu-sino ang malamang na sisikat sa showbiz 2012.

Mula sa mahaba-habang listahan, lumutang ang mga pangalang Julia Montes, Daniel Padilla, Angeline Quinto, Xian Lim, Alden Richards, Ritz Azul, Derrick Monasterio, Sarah Lahbati, Yassi Pressman, Kristoffer Martin, Enrique Gil at Eula Caballero.

Sa papasok na 2013, ginawa muli ng PEP ang proseso ng pagpili para makabuo ng listahan ng 13 talents, na sa tingin namin ay mas sisikat at makagagawa ng pangalan.

Ang ilan ay hindi na maituturing na baguhan, pero hindi pa rin naman kasingsikat ng mga nagbibida nang mga artista.

Sila ang maaaring hirangin bilang susunod na mga bida sa telebisyon at pelikula.

Ang ilan ay unti-unti nang lumalaki ang pangalan sa show business, pero sa 2013 ay malamang na mas magningning pa ang kanilang mga bituin.

Nabuo ang listahan ng PEP base sa kanilang mga nagawang proyekto nitong papaalis na 2012, at ayon na rin sa mga nakatakda nilang mga gagawin sa 2013.

(CLICK HERE to see why they made it to the list.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN