Lani Misalucha on inclusion in local Walk of Fame: “Yehey, nakakatuwa, nakakatuwa! Kasi, at least, kung wala tayong star doon sa Hollywood, meron tayo dito!"

Sa misunderstanding nila ng showbiz columnist/radio anchor/PR/events planner na si Jobert Sucaldito:“Siyempre sa mga magkakaibigan, nagkakaroon ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan: “E, kung yung damit nga, e, pag may gusot napaplantsa, di ba, ‘yang mga bagay pa na ganyan ang hindi puwede? Di ba?"


Naging matagumpay ang The Best Gift, ang free concert for a cause ni Lani Misalucha na ginawa sa Zirkoh, Morato, Quezon City, nung Martes, December 11.

Birthday show rin ito ng TV executive, talent manager at producer ng mismong concert na si Noel Ferrer.

Libre ang entrance ng show, pero hiniling ni Noel sa mga manonood na mag-donate ng kahit magkano para sa Fe Del Mundo Medical Foundation Hospital.

Ang hospital na ito ay ang dating Children’s Medical Center of the Philippines, na itinatag ng pilantropo at doktor na si Fe del Mundo.

Yumao nung nakaraang taon si Dra. Del Mundo, pero nananatiling tumutulong sa mga bata at nagdadalantaong kababaihan ang foundation at ospital na naiwan nito.

Kabilang sa mga nag-perform sa concert ay sina Kyla, Juris, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, at Jed Madela.

Nasa line-up din si Martin Nievera, pero hindi na ito kumanta at nagpakita na lang dahil hinahabol daw nito ang pa-birthday asalto para sa ex-wife na si Pops Fernandez.

After the show, pinuntahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tinaguriang Asia’s Nightingale sa backstage upang mahingan ng maiksing panayam.

Labis-labis ang kanyang pasasalamat sa mga nag-donate para sa mga kabataang tinutulungan ng foundation ni Dra. Del Mundo.

Isa pang ikinasaya ni Lani ay ang kanilang pag-stay muna sa Pilipinas upang muling makapag-celebrate ng Pasko kasama ang kanyang pamilya.

“Oo nga, e, it’s a very good Christmas. Kasi nga makakapag-Christmas kami dito, mag-i-stay muna kami.

“Ah, ‘tsaka January na kami aalis. Basta makapag-Christmas kami dito, kasi eight years na kaming nawala.

“I mean, hindi pala, eight years kaming hindi nakapag-Christmas sa Pilipinas kaya looking forward kami,” pagtutuwid pa ni Lani sa naunang sinabi.

Ano bang klaseng selebrasyon ang gagawin nila sa Pasko?

Sagot ni Lani, “Naku, usually, pamilya. Yun nga lang siyempre iba na yung Christmas. Siyempre wala na yung tatay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah, ganun din sa husband ko, wala na siyang parents, ulila na siya, wala na siyang nanay at tatay.

“Last September, kamamatay lang ng brother niya, yung last brother niya. So, siya na lang talaga mag-isa.

“So, siyempre iba ngayon dahil medyo may mga nawala na, pero at least ‘andiyan pa yung nanay ko, two older brothers ko, yung older sister ko. Bunso naming kapatid naman, nasa Las Vegas.

“At least yung mga anak namin na uuwi, sa Las Vegas nakakapag-spend time sila with their cousins sa Las Vegas.”

Pagbalik ba niya sa U.S. ay tuluy-tuloy na rin bang dun siya magko-concentrate?

Natatawa niyang tugon, “Ay, hindi natin masabi. Baka kasi…baka meron akong provincial tour, at may show.”

Kasama kasi si Lani sa ipapalabas na next year na Kanta Pilipinas ng TV5. Isa siya sa mga hurado rito.

WALK OF FAME. Noong December 1, pinasinayaan muli ni German Moreno ang local version ng Hollywood Walk Of Fame.

Dalawampu’t anim na local celebrities ang nagkaroon ng kani-kanilang stars sa Walk Of Fame ni Kuya Germs sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

Kabilang si Lani sa mga artistang may star sa local Walk Of Fame.

“Yehey, nakakatuwa, nakakatuwa!

“Kasi, at least, kung wala tayong star doon sa Hollywood, meron tayo dito!

“Nakakatuwa dahil naisip ni Kuya Germs yun, at saka siya ang nag-spearhead nun at talagang pinursige niya na magkaroon tayo dito sa Pilipinas.

“So, it is a really good cause. At least nare-recognize ang mga artista at mga performers like us.”

TAMPUHAN. Inusisa na rin ng PEP kay Lani ang tungkol sa tampo ng kolumnista/radio anchor/PR/events organizers na si Jobert Sucaldito sa kanya.

Nag-ugat diumano ang tampo ni Jobert sa hindi pagkatuloy ng dapat daw na December 17 show ni Lani at ng alaga ni Jobert na si Prima Diva Billy sa Zirkoh, Morato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiti pero seryosong sagot ni Lani, “Huwag na natin anuhin. Yun na yun, okey na yun.”

Ayaw na raw niyang magsalita tungkol dito. Pero hanggang sa ngayon, hindi pa raw sila nagkakausap ni Jobert.

Aniya pa, “Siyempre sa mga magkakaibigan, nagkakaroon ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan.

“E, kung yung damit nga, e, pag may gusot napaplantsa, di ba, ‘yang mga bagay pa na ganyan ang hindi puwede? Di ba?

“Siyempre, ganun lang talaga yun.

“In other words, lambingan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN