PART 2: Aljur Abrenica’s Christmas gift for rumored girlfriend Kylie Padilla: “Makatulong talaga sa kanya iyon, e. Ano kasi siya, e, it’s a hobby.”

Hindi sinabi ni Aljur Abrenica kung ano ang Christmas gift niya sa napapabalitang girlfriend niyang si Kylie Padilla. Basta mapapakinabangan daw nang husto ni Kylie ang regalo niyang ito. “Iyon yung relaxation time niya, e. ‘Tapos ito, makakatulong sa kanya ito,” nasabi na lang ni Aljur.


Dahil malapit na ang Pasko, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica kung ano ang plano niyang pagdiriwang ng Christmas.

“Gusto ko siyang before Christmas i-celebrate with my family. Na balikan namin yung sa Pampanga, yung charity na ginagawa naming.

“Yung lagi naming pinupuntahan sa Pampanga, yung may mga batang may kapansanan.

“’Tapos nun, yung Christmas Day talaga, sa araw ng Pasko, sa Batangas lang, family,” saad ni Aljur.

May regalo bang gustong matanggap si Aljur ngayong Kapaskuhan?

“Wala, wala pa,” sabay-tawa ng binata.

“Siguro ano na lang... Sa akin mahal man yun o sobrang mura, malaking bagay na talaga sa akin, yung may ibibigay man sila sa akin, materyal man o kahit appreciation letter na mula sa mga taong mahal ko.”

Kahit na sulat o Christmas greeting lang daw ay okey na kay Aljur.

“Mga greetings lang, Christmas card o maliit na bagay lang na materyales, basta galing sa taong mahal ko, iyon yung importante.

“Malaking bagay na sa akin iyon.

“Kasi marami kang natatanggap mula sa iba, marami ka ring ipinamimigay, parang naa-appreciate mo.

“Pero parang iba pa rin kasi yung malalapit sa iyo.”

Ano ba ang most memorable Christmas ni Aljur?

“Alam ko meron. Nung bata pa ako ang dami, kaya hindi ko maalala, marami.

“Siguro ang magiging pinakamasaya kong Pasko, ito. Yung ngayon.

“Kasi maraming projects na dumating, maraming endorsements.

“Kahit parang itong year, isa lang yung soap ko [Coffee Prince] pero ang endorsements, pumasok talaga lahat.

“’Tapos marami tayong natulungan and nakaipon po talaga ako.”

CHRISTMAS GIFT FOR KYLIE. Kumusta naman ang magiging Pasko ng buhay-pag-ibig ni Aljur?

“Ayos lang,” at muling tumawa si Aljur. “Masaya naman po ako.”

Ano ang plano nila ng rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla this Christmas?

“Ang alam ko kasi sila, family dinner, get-together din, pero hindi ko alam kung magkikita kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit naman?

“E, nasa malayo ako, e. Nasa Batangas po ako, e.”

Kailan sila magkikita ni Kylie?

“Siguro before Christmas, ma-greet ko man lang siya siguro in person.”

Naibigay na ba ni Aljur ang Christmas gift niya kay Kylie?

“Hindi pa, darating pa lang. Pinabili ko pa lang.

“Basta pinabili ko lang, sa ibang bansa,” ang tumatawang sagot ni Aljur.

“Makakatulong talaga sa kanya.”

Hiningan namin ng clue si Aljur kung ano nga ang Christmas gift niya para kay Kylie.

“Huwag na. Hindi pa nga niya alam na sa ibang bansa [pinabili].”

“Basta, basta...” ang tumatawa pa ring pag-iwas ni Aljur.

Sinubukan ng PEP na hulaan kung Hermes bag ba ang ireregalo ni Aljur sa bunsong dalaga ni Robin Padilla.

“Hindi, hindi tayo ganun…”

Ani Aljur, basta mapapakinabangan daw ni Kylie ang regalo niya rito.

“Makatulong talaga sa kanya iyon, e. Ano kasi siya, e, it’s a hobby.

“Lagi niyang… iyon yung relaxation time niya, e. ‘Tapos ito [ang Christmas gift] makakatulong sa kanya ito.”

At kailan naman darating ang pinabili niyang Christmas gift for Kylie?

“Darating yun sa 16 or 17...darating iyon.”

Inusisa pa rin ng PEP kung ano ang brand ng ireregalo niya.

“American brand siya,” sabay-tawa muli ng hunk actor.

“Tanungin ninyo na lang siya ‘pag nasa kanya na. Ayoko kasing sa akin manggaling.”

Si Kylie ano ang regalo sa kanya?

“Hindi ako nag-e-expect, e,” sagot ni Aljur.

Nagtatanungan ba sila sa isa’t isa kung ano ang gusto nilang Christmas gift?

“Meron, meron. Nagtanong din ako, e. Parehas din naman kami ng sagot, e, ‘Kahit ano!’”

FIRST TIME. Unang pelikula ni Aljur sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Sosy Problems ng GMA Films kung saan female lead stars sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Bianca King, at Rhian Ramos.

Pero bago ito, dapat sana’y kasama siya sa Ang Panday movies dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako natuloy, yung una napalitan po ako, ‘tapos yung pangalawa mas pinili ko yung Mr. Wong [ni Robin Padila] kesa sa mag-Panday 2.

“Pero yung Mr. Wong hindi natuloy.”

Ano ang pakiramdam na this year, finally ay nakasama siya sa isang pelikulang entry sa MMFF?

“Siyempre thankful ako, masaya.

“First time, kakaiba, ‘tapos kasali pa daw ako sa parade.

“Parang panibagong…mga bago yung mangyayari, first time kong makaka-experience ng parade.

“’Ayun, basta thankful lang ako, maganda itong project na ito, ang Sosy Problems.

“Honored ako na mapasali dito kasi talagang ang gagaling po talaga lahat ng mga artista namin, lalo na yung mga babae.

“’Tapos si Direk Andoy Ranay, ang galing, ang galing!

“Every scene talaga kung makikita ninyo, talagang hindi niya binibitawan.

“On the spot, talagang may mga punchline sila. Yung mga girls, very natural na lang sa kanila yung…

“Siguro sa sobrang hardworking nila, naging natural na lang yung characters nila. Ang galing.

“Kapag inarte nila, ang galing!”

Okey lang ba sa kanya na tila support lamang siya sa pelikula?

“Oo naman, okey lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN