Nonito Donaire Jr. wins match against Mexican Jorge Arce via knockout

Isang nakayayanig na left hook ang pinakawalan ng Filipino Flash na si Nonito Donaire Jr. (left) sa mukha ng Mexican boxer na si Jorge Arce sa third round ng kanilang laban ngayong umaga sa Houston, Texas.


Isang linggo matapos matalo ni Manny Pacquiao sa Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez, isang Pinoy boxer ang nagbangon muli ng Philippine boxing.

Tila ipinaghiganti ng Filipino Flash na si Nonito Donaire Jr. ang Pambansang Kamao nang pabagsakin niya ang Mexican boxer na si Jorge Arce sa third round ng kanilang laban ngayong umaga, December 16 (December 15 ng gabi sa Amerika) sa Toyota Center sa Houston, Texas.

Isang malupit na left hook na pinakawalan ni Donaire ang kumonekta kay Arce, na siyang tuluyang nagpabagsak sa Mehikano sa huling segundo ng third round.

Ayon sa report ni Gerry Ramos para sa SPIN.ph, nakayayanig ang pagtatapos ng laban na hindi na sinubukan pa ni Arce na tumayo. Idinura na nito ang kanyang mouthpiece bago pa man simulan ng referee ang kanyang bilang.

Dahil sa kanyang panalo ay na-retain ni Donaire ang kanyang World Boxing Organization super-bantamweight title.

Sa post-fight interview ay sinabi ni Donaire, "My left hook was a damaging hook tonight. I felt very strong in the ring.

"The reason why people survive is because they are afraid to open up.

“I have a lot of respect for [Arce] because he came in there and he opened up. He wasn’t afraid. He was aiming to surprise me.

“But when he was opening up, that gave me the left hook and when I can throw sitting down on that left hook, everybody will go down."

Basahin ang kabuuang report ng pagkapanalo ni Donaire sa SPIN.ph


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN