Sam YG on going into serious relationships: “Lagay na lang natin, hindi ako boyfriend-material, pero husband-material ako.”

Ibinunyag ni Sam YG ang kanyang inspirasyon pagdating sa pagiging host. Aniya, “Ang mga idol ko sina TVJ [Tito, Vic and Joey]. Siyempre, mga batikan ‘yan… sina Michael V, magagaling na comedians. Like, when it comes to interview, even kina Tito Boy Abunda… ‘yan, mga idol ko ‘yan.”


Ratsada sa sunud-sunod na trabaho ang radio jock-TV host na si Sam YG.

Regular siyang napapakinggan sa kanyang radio program na Boys Night Out sa Magic 89.9.

Napapanood din siya sa Eat Bulaga! tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Kaliwa’t kanan din ang kanyang events hosting.

Kamakailan, nag-host ng presscon si Sam YG para sa book launching ng “Weekend With Ellen” ng Kapuso sexy star na si Elen Adarna sa Best Seller Bookstore, sa Robinson’s Galleria.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam matapos ang kanyang hosting stint.

Sa dami ng showbiz commitments niya, bakit hindi na lang siya magpatuloy sa pag-aartista?

Sagot niya, “Right now, I’m pretty busy with work—events. Ayun, sandamukal na events! Pero happy naman.

“Happy naman ako sa hosting. Yun ang forte ko and that I really enjoy to do.

“So, parang kapag umiyak ako sa teleserye, baka matawa lang ang mga tao!

“Pero on a serious note, happy talaga ako sa hosting at sa ginagawa ko.”



ACTING VS. HOSTING. Hindi ba niya talaga gustong mag-artista?

“If ever may acting involved, siguro comedy pa rin—yun talaga ang hilig ko, yun talaga ang passion ko.

“Maybe down the road, if ever I decide to expand on the acting side, maybe I might venture on something to that.

“Pero right now, I think ito [hosting] ang malapit sa puso ko.”

Ang huling acting project na ginawa ni Sam ay ang Iskul Bukol sa TV5 na hindi na nasundan ng ibang projects.

Tinatanggihan ba niya ang mga offers o sadyang wala lang nag-aalok sa kanya?

“Meron naman, kaya lang, always si Tita Malou [Choa-Fagar, business manager at SVP for TAPE Inc.] rin, na yung priority ko is radio and Eat Bulaga!.

“So, siyempre, kung magte-tape ka ng may mga acting-acting, buong araw ‘yan.

“Asahan na natin ‘yan. Minsan wala pang tulugan ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, may magsa-suffer na iba na priority. You don’t wanna stress yourself rin na tanggap ka na lang ng tanggap, di ba?

“Gusto mo rin yung quality ng work mo, maayos. Like yung work ko sa Eat Bulaga! and radio show.

“That’s the main reason rin na even may mag-offer na, ‘O, baka gusto mo ito?’

"’Ano’ng taping sked niyan?’

“Pag nalaman ko na parang, ‘Okey.’ Magwe-weigh ka ng priorities mo, di ba? Kung ano ba talaga ang ipa-priotize mo, e.

“Yung focus at goals ko, medyo yun naman, in place naman siya.

“Nasa list yung acting, pero hindi siya talaga top priority.”



JUST RIGHT. Masasabi ba ni Sam YG na maganda na ang income niya sa radio show, Eat Bulaga! stint, at hosting jobs?

Sabi niya, “Ang ano… I’m happy naman where I’m at.

“Sa age ko, actually, I’m blessed and I’m thankful to Mr. Tuviera [TAPE Inc. president], Tita Malou, sa staff ng Magic 89.9.

“I’m blessed. I couldn’t ask for more.”

Gaano ba kalaki ang talent fee niya sa radio, Eat Bulaga!, at sa paghu-host ng events?

“May malaki, pero huwag na nating sabihin kung ano?” namimilipit na sagot ni Sam YG.

Bawi niya, “Kidding aside, it all depends on what the event is, what you’re hosting.

“Sa acting, ganoon din naman, e. It still depends kung anong hosting ang ginagawa mo at kung anong role mo doon.

“When it comes to money matters, kung saan yung mas malaki ang kita. It all depends kung ano yung gagawin mo.”


BEST HOST. Ano ba talaga ang goal niya sa career?

“Hopefully, to become one of the best host, di ba?

“Working towards to become the best host in the Philippines, if not in Asia or in the world.

“Ang mga idol ko sina TVJ [Tito, Vic and Joey]. Siyempre, mga batikan ‘yan… sina Michael V, magagaling na comedians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, when it comes to interview, even kina Tito Boy Abunda… ‘yan, mga idol ko ‘yan.

“They interview very, very well. They host very, very well.”



EX-GIRLFRIEND. Ikakasal na raw sa isang kongresista ang ex-girlfriend ni Sam YG na si Daiana Menezes. Nakarating na ba kay Sam YG ang balitang ito?

“Oo naman… actually, I’m very happy for her,” pagpapatunay niya.

“I’ve met na si Congressman [Benjo Benaldo], nakilala ko na rin siya.

“Nag-usap kami… okey naman, okey naman. I’m really happy for them.”

Paano sila nag-usap at paano niya nakilala ang fiancé ni Daiana?

“Sa isang event na I was hosting and si Daiana rin.

“Ironically, friend rin siya ng brother ko. So, may koneksiyon agad. So, okey naman.”

Wala ba siyang naramdamang kirot?

“Wala naman," sagot ni Sam.

"I said this before and I’m saying it again now, na kung saan masaya si Daiana, masaya rin ako.

“And I always told her that. I look after her happiness naman.

“So, when I see na happy siya, especially now that I really see her happy… masaya na rin ako.”

Masaya ba siya dahil papakasalan ni Congressman Benaldo si Daiana?

“Well… I guess, oo. Masaya ako that she found something na ganoon.

“Kung si Congressman ang nakapagbigay noon sa kanya, well, that’s good and I’m happy for him.”

Inimbitahan na ba siya ni Daiana sa kasal nito?

“Hindi pa nga. Sinabi ko nga sa kanya na ipadala na lang yung invitation ko. Nagkita kami ulit last week.”



STILL SINGLE. Parang hindi naman marrying type si Sam, wala pa ba siyang serious commitment at the moment?

“Naku, pag lumabas ‘yan, baka mawalan ako ng mga girlalu! ‘Ay, hindi naman pala marrying type si Sam YG!’

“Sige, lagay na lang natin, hindi ako boyfriend-material, pero husband-material ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati nang sinasabi ni Daiana na sa sobrang okay nilang dalawa ni Sam.

May impression ang ilan na parang hindi nagseseryoso si Sam sa mga nakakarelasyon niya, gaya ng obserbasyon ni Daiana dati na parang nawalan ng direksyon ang relasyon nila.

Sabi ng radio-TV host dito, “I’m very open about it naman na hindi ako ready for serious relationship."

Kahit may kanya-kanya na silang lovelife, nagkakakumustahan pa rin daw sila ni Daiana through text.

“We’re very good friends,” panghuling sabi ni Sam YG.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN