Zanjoe Marudo wishes to do more drama in 2013

“Gusto kong mapatunayan na puwede naman tayong magpatawa, puwede rin naman tayong mag-drama,” says Zanjoe Marudo about doing comedy and drama projects at the same time.


“Sana magda-drama ako sa TV and sa movie sana comedy muna ang gagawin.”

Ito ang dalawa sa mga hinihiling ni Zanjoe Marudo na mangyari sa kanyang showbiz career sa parating na Bagong Taon.

Ayon sa aktor, matagal na niyang hinihintay na magkaroon ng proyekto na pangdrama. Kaya naman nang binigay sa kanya ang Metro Manila Film Festival entry na One More Try ay ibinuhos na niya lahat sa pag-arte.

“Ayaw ko namang maging huli na ito,” sabi ni Zanjoe.

“Binigyan ninyo ako ng opportunity, gagamitin ko na.

“Tutal uhaw na uhaw na naman ako sa mga ganyang uri ng project.

“Matagal na rin akong naghihintay na masali sa mga ganyan.”

Dahil ito ang itinuturing niyang unang seryosong pelikula na ginawa niya, inamin ni Zanjoe na kinakabahan siya sa tuwing makakaeksena ang mga kasama niyang sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Dingdong Dantes.

Sabi niya, “Laging gano’n ang feeling ko kapag magkakasama kami.

“Kumakabog ang dibdib ko, hindi pa ako sanay at naiilang pa ako.

“Minsan kasi kumportable ako na mag-isa lang ako sa eksena.

“Siyempre, kapag nakikita ko sila at nakakasama ko sila, kahit papaano ay natetensyon ako.”

Para kay Zanjoe, “Hindi naman masama ‘yon.

“Tama naman na kinakabahan ka pa kasi para din namang alam mo na ‘yong ginagawa mo na feeling mo magaling ka na talaga.

“Hindi ka na mag-i-improve kung feeling mo alam mo na lahat.”

Dahil dito, siniguro ni Zanjoe na sa 2013, “Pipili na ako ng magagandang roles, mas challenging.”

UP FOR BOTH COMEDY AND DRAMA. Gayunman, nilinaw naman ni Zanjoe na hindi ibig sabihin nito ay iiwan na niya ang comedy.

Aniya, “Hindi ako magla-lie low sa comedy. Kung puwede lang pagsabayin, pagsasabayin ko na.”

Paliwanag pa ni Zanjoe, ‘Yon naman talaga ‘yong gusto kong gawin.

“Gusto kong mapatunayan na puwede naman tayong magpatawa, puwede rin naman tayong mag-drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, dati naman gano’n, di ba? Parang sina Jay Ilagan, Christopher de Leon, Tito Johnny Delgado—mga comedy lahat ‘yan, e.

“‘Tapos kapag nagda-drama, wagas, di ba? Ang titindi, ang gagaling.

“Sana bumalik ‘yong ang artista hindi lang dapat isa ang ginagawa. Kahit papaano puwede kahit saan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN