Baron Geisler gets drunk at MVP Ball; causes commotion

Hindi pa man lubos na nakakalimutan ng publiko ang huling gulong kinasangkutan niya ay may panibago na namang isyu na ibinabato sa aktor na si Baron Geisler. Naganap daw ang apat na magkakahiwalay na insidente sa MVP Ball kagabi, December 17.


Apat na magkakahiwalay na insidente ang naganap sa MVP Ball kagabi, December 17, at iisang tao lamang ang pinagsimulan: si Baron Geisler.

Ang MVP ay tumatayo para sa buong pangalan ni Manny V. Pangilinan, na pinuno ng TV5.

Nauna nang lumabas sa maikling report ni Bayani San Diego sa isang broadsheet website na may "quarrel" daw na naganap sa pagitan ng aktor at TV5 talents na sina Edgar Allan Guzman at IC Mendoza.

Ninakawan din daw ni Baron ng halik ang host/ model na si Divine Lee.

Upang mas malinawan kung ano ang talagang nangyari, nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dalawang sources—na dumalo rin sa nasabing party na naganap sa Meralco Compound, Ortigas, Pasig City— ang nakausap ng PEP.

At pareho nilang sinabi na nakainom daw si Baron nang maganap ang mga insidenteng ito.

Dagdag ng isa sa kanila, "When he’s not drunk, he’s not like that."


IC MENDOZA. Unang nangyari ang pang-iinsulto diumano ni Baron kay IC Mendoza, isa sa mga hosts ng showbiz-oriented show ng TV5 na Ang Latest.

Ayon sa unang source, na noong mga panahong iyon ay nasa smoker’s area din, narinig daw niyang nag-"hello" si IC at nagtanong kay Baron kung nagustuhan nito ang damit niya.

Sumagot daw si Baron ng, "It’s cheap... You are cheap."

Hindi naman daw galit ang tono ni Baron pero "maangas."

Imbes na patulan ay sinagot na lamang daw ni IC si Baron ng "Oo, cheap ako" para maging light ang mood.

Pero kaninang madaling-araw ay nag-post ng ganitong mensahe si IC sa kanyang Twitter account: "Dear character actor, consume alcohol don’t let it consume you. Walang natuwa sayo."

At sa panayam ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan kay IC pasado alas dose ng hating-gabi, December 19, heto ang maikli niyang pahayag:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako galit sa kanya. Pero sana balansehin niya yung bisyo niya."



EDGAR ALLAN GUZMAN. Sa kaso naman ni Edgar, ang kuwento ng dalawang sources, hindi raw nabati ng 23-year-old actor si Baron nang dumaan ito sa harap ni Baron.

Dinig na dinig daw ng ilang tao sa labas ng venue na tinawag ni Baron si Edgar, minura, at sinabihan ng: "Respect seniority."

Ang akala yata ni Baron ay co-star niya si Edgar sa upcoming "heroserye" ng TV5 na Kidlat, na pinagbibidahan ni Derek Ramsay.

Kaya sinabi ni Edgar kay Baron na hindi siya kasali sa cast ng Kidlat.

Pero mas lalo raw na-agitate si Baron at nagpatuloy sa pagmumura.

Para hindi na raw lumala ang sitwasyon ay sinabihan ng ilang taga-TV5 si Edgar na huwag nang pansinin si Baron, at pinapasok na lang ang male lead ng Bona sa loob ng venue.

Kinuha ng PEP ang panig ni Edgar tungkol sa insidente, at isang text message ang ipinadala ng manager niyang si Noel Ferrer kay Karen Pagsolingan ngayong gabi, December 18.

Narito ang kabuuang text ni Noel:

"It is unfortunate that the incident happened. Edgar has looked up to Baron as a competent character actor. It seemed that Baron mistook him as a co-star in KIDLAT which he is not. I hope this doesn’t happen again."


DIVINE LEE. Sa kaso naman ni Divine, sinabi ng pangalawang source ng PEP na dapat ay magbe-beso lamang ang TV host at si Baron, ngunit bigla raw humarap ang aktor na nakabuka na ang bibig.

Narinig ng source na sinabihan ni Divine si Baron ng: "Bastos ka."

Pero halatang nagpigil daw ang host-model at hindi na lang pinansin ang ginawa ni Baron, lalo pa’t nasa likod lang nila noong oras na iyon ang chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan.

Kaugnay ng insidente ay nakausap din ni Karen Pagsolingan si Divine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ng dalaga na may ganun ngang insidente na nangyari sa kanila ni Baron.

Saad niya, "I know he’s battling [something]… Meron siyang issues, di ba?

"He should avoid places na mate-tempt siya. Or dapat may kasama siya.

"Parang mahirap na may ganyang nangyayari na hindi naman natin lahat gusto. Dahil we all want him to get better…

"I hope he gets more precautions na lang kasi may mga tao na hindi siya iintindihin."

Ayon pa kay Divine, noong una raw ay inisip niyang huwag na lang sagutin ang text message na ipinadala ng PEP.

Pero aniya, “Ang fear ko rin naman, si Victor [Basa, her boyfriend] rin, baka mag-away sila.

"Parang nakakaawa rin si Victor na binastos niya, ako binastos niya."

ANOTHER INCIDENT. Samantala, napag-alaman ng PEP na bukod kina IC, Edgar, at Divine, ay may isa pang ginulo diumano si Baron noong gabing iyon.

Ito ay isang reporter ng TV5.

Ayon sa isa pang source, habang nagla-live report ito ay bigla na lamang inagaw ni Baron ang mikropono mula sa kanya. Nagkunwari raw ang aktor bilang reporter.

Hindi nakita sa TV ang inasal ng aktor, pero nakita ng crew ang pang-aagaw nito ang mikropono.



BARON’S SIDE. Sa kasalukuyan ay sinusubukan ng PEP na kunan ng pahayag si Baron tungkol sa mga insidente.

Naka-limang tawag na si Karen Pagsolingan sa kanyang linya mula 10:17 p.m. hanggang 11:13 p.m.

Dagdag pa rito, pinadalhan din siya ng apat na text messages para hingan ng anumang pahayag.

Subalit hindi pa ito sumasagot.

Pinadalhan na rin ng text message ang manager ni Baron na si Arnold Vegafria, subalit nasa isang Christmas party daw ito.

Samantala, sa panayam ng PEP kay Baron na lumabas ngayong araw na ito, December 17, ay inamin ng aktor na patuloy pa rin ang kanyang pakikipaglaban upang matanggal ang pagiging alcoholic niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero itinanggi niyang umiinom pa rin siya.

Sabi ni Baron, “Hindi na. Kasi once na mag-start ako, tuluy-tuloy na naman iyan. So, talagang hindi na.”

Dagdag pa niya, “I think it should be that way, talagang never drink. No more na.

“Actually, ’sinusumpa ko na iyang alak. Walang naidulot na maganda iyan.”

Bukas ang website na ito sa pahayag ni Baron Geisler at ng iba pang tao na sangkot sa isyu.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN