Enchong Dee and Julia Montes believe working together in The Strangers made them closer

ABS-CBN stars Enchong Dee and Julia Montes star in the 2012 Metro Manila Film Festival entry The Strangers. According to the two, working on this horror film made them closer.


Ginanap kagabi, December 18, ang premiere ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na The Strangers, sa Cinema 8 ng SM Megamall.

Ang pelikula ay produced ng Quantum Films at MJM Productions, at idi-distribute ng Star Cinema.

Present sa premiere ang main cast na sina JM de Guzman, Enchong Dee, at Julia Montes, at ang direktor ng pelikula na si Lawrence Fajardo.

Pagkatapos ng premiere ay nagpaunlak ng maikling panayam sina Enchong at Julia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press.

Sabi nina Enchong at Julia, may laban sa box-office ang kanilang pelikula sa MMFF this year.

Ani Enchong, “Pagkatapos naming mapanood ngayon, masasabi naming may laban pala ang The Strangers.

Dagdag ni Julia, “Sana tangkilikin ng mga tao yung pelikulang Pilipino, at sana isa na diyan yung The Strangers.”

Ang The Strangers ay tungkol sa mga aswang ngunit may kakaibang twist daw ito na kailangang abangan ng manonood.

Ito ang unang pelikula ni Enchong para sa MMFF. Samantalang supporting cast naman si Julia sa 2007 MMFF entry na Bahay Kubo.

Ayon sa dalawa—na napapabalitang nagkarelasyon at nag-break na—ay naging mas malapit sila sa isa’t isa matapos gawin ang The Strangers.

Ani Julia, “Mas naging bonded kami lalo nung The Strangers. Dun kami nag-bonding.”

Sinang-ayunan naman ito ni Enchong. Aniya, “Oo naman. Siguro naman, after all the promo na ginagawa namin for The Strangers, we have more time.”



NEW MOVIE WITH COCO. Late nang dumating sa premiere night si Julia. Nanggaling pa raw kasi siya sa shooting ng pelikula, kasama si Coco Martin, na naging kapareha niya sa Walang Hanggan.

Ayon sa 17-year-old actress, pasasalamat ang pelikulang ito sa mga taong sumuporta sa kanilang toprating series sa ABS-CBN.

“Siguro yung mga hindi nila ine-expect na makuha sa Walang Hanggan, hopefully dito, ma-fulfill.

"So, sana panoorin nila, kasi ibang tema, ibang kuwento.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May maikling reaksiyon din si Julia sa pahayag ni Coco kamakailan na liligawan daw niya si Julia kapag naging 18 years old na ito.

Sabi ni Julia, “Hindi naman po siguro ako ganun kaganda para... ie-enjoy ko muna yung pagiging 17.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN