Ellen Adarna on indecent proposals from “dirty old men”: “No, no. I don’t associate myself with people like that.”

Para ito sa mga nagbabalak magbigay ng indecent proposal kay Ellen Adarna: “No, never! I’m not the type. I’m very frank. If I don’t like the person and I feel something… no. And it’s very disrespectful.”


Mahaba ang pila ng mga kalalakihan sa launching at book signing ng gravure photo book na “A Weekend With Ellen,” tampok ang sexy actress na si Ellen Adarna.

Ang gravure ay isang uri ng pagpi-print kung saan ang imahe ay inuukit ng laser sa isang metal plate at sinasabing nakakapag-produce ng mas malinaw o high-quality results sa mas mabilis na paraan.

Ginanap ang book launching noong Sabado, December 15, sa Fully Booked sa Robinsons Galleria at dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen.

Inamin ni Ellen na mas naging kumportable siyang nag-shoot para sa kanyang photo book kung ikukumpara sa mga naging pictorials niya sa men’s mag na FHM.

Aniya, “Mas comfortable kasi parang, I got to see what poses I wanted. So, it was parang freestyle.”


PERSONAL. Nang una pa lang daw na ialok kay Ellen na gawin ang naturang photo book, pumayag raw siya agad.

“Yeah, kasi, it’s a personal book… wala... nothing.”

Pero wala raw sa hinagap ni Ellen noon na magkakaroon siya ng sariling photo book.

“No, no, no,” sunud-sunod na sagot niya na nakangiti.

So, kumusta ang pakiramdam na nilo-launch na niya ang sariling photo book?

“Until now, parang hindi ko siya binabasa nang paulit-ulit. Hindi ko siya tinitingnan.

“I just thought, well, I only have one copy in my house, so parang hindi ko lang talaga siya naiisip.

“I find it awkward, the fact that I’m looking at myself.”

Aminado naman si Ellen na kahit kilala siya na sexy star, hindi pa rin daw siya confident noong pictorial ng photo book.

“E, kasi, I’m just acting—it’s just acting,” sabi niya.

“There are times that I feel confident but most of the time, I can’t say that I’m 100 percent confident,” dugtong pa niya.

Paano niya nasabing yung mga makikitang pictures niya sa photo book ay acting lang niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, because you cannot see me posing like that,” sabi niya.

Wala namang problema kay Ellen kung ma-typecast raw siyang sexy star dahil sa mga pictorials niya.

Sabi nga niya, “Wala, okay lang.”


MORE DARING. Masasabi ba niyang mas daring pa rin ang FHM?

“Yeah, mas daring. This is actually, more conservative. Ito kasi, may konting innocence and playfulness.”

Isa si Ellen sa mga FHM girls na masasabing napakalakas ng dating sa mga lalaki.

Naging ebidensiya ito sa naganap na photo book launching niya kunsaan matiyagang nakapila at naghintay ang mga kalalakihan sa kanya.

“I don’t know. Happy, I guess,” nakangiting sabi niya.

Alam ba niyang may mga lalaking nag-iilusyon at nagpapantasya sa kanya?

“Wala. Honestly, I really don’t think about it.

“It’s not something that… Oh my God! There are so many guys, drooling over me, I don’t think of it like that.”

Simula nang makita siya sa cover ng FHM, may mga indecent proposals na ba siyang natatanggap?

“No, never! I’m not the type. I’m very frank,” sabi niya.

“If I don’t like the person and I feel something… no. And it’s very disrespectful,” dugtong pa niya.

“I make it to a point how I show myself to people I know and to people I have a conversation with.

“I make sure that they respect me, so I take care of myself. So, I don’t.”

Walang nangangahas mag-alok sa kanyang mga, “Dirty Old Men?”

“No, no. I don’t associate myself with people like that.”

Hindi pa rin naman daw nararanasan ni Ellen na may mangahas na mambastos sa kanya dahil sa sexy image niya.

Sabi nga niya, “So far naman, wala naman. Thank God.”

Hanggang saan nga ba ang pagpapaka-daring niya?

“Oh, I think this is the farthest,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually sa movie, I did a love scene, but it’s not bold.

“It’s called Bayang Magiliw. It’s by Direk Gil Portes.”

Si Ellen ang gumaganap na “wild” na anak ni Wendell Ramos sa pelikula.

“Yung character kasi, it’s required, so kailangan kong gawin.

“It’s not yung magla-love scene lang ako kasi, wala lang.

“Part siya ng story, e. If it’s required, basta hindi siya bold.

“Like for example, sa mga teleserye, marami naman ang nagla-love scene pero hindi siya bold.”


BOYFRIEND’S REACTION? Sa bago niyang sexy pictorial, ano ang reaksiyon ng kanyang non-showbiz boyfriend?

“Nothing. I’m free to decide with whatever I want,” sabi niya.

“So, I told him na before about it. And wala. We met na artista na ako.”

Komento ng boyfriend niya ang photo book, “Oh my God, you’re mom’s gonna beat at me agad!

“’Oh my God, why didn’t you stop her?’ Blah, blah, blah.”

Hindi pa raw nakikita ng mommy niya ang kanyang photo book.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN