Edgar Allan Guzman on issue with Baron Geisler: "Ayaw ko na rin palakihin, e. Ayoko na may kaaway..."

Muntik nang nauwi sa komprontasyon ang nangyaring pag-uusap nina Edgar Allan Guzman (in photo) at Baron Geisler sa MVP Ball noong Lunes, Disyembre 17. Gayunman, sinabi ni Edgar, “Kumbaga sa akin, ayaw ko na rin palakihin, e. Ayoko na may kaaway, masarap kasi mabuhay na masaya ka, e, na mahal ka ng mga tao, e. So para sa akin, kung ano man ‘tong gulo na ‘to, kung anuman nangyari last Monday, ayaw ko nang palakihin.”


Nakangiting binati ni Edgar Allan Guzman ang entertainment press nang dumating ito sa Christmas party ng Enchanted Garden.

Kagabi, Disyembre 19, ang huling araw din ng kanilang taping sa isang warehouse sa Cainta, Rizal.

Wala nang eksena ang aktor kaya humabol na lamang ito sa kasiyahan sa set.

Di pa siya gaanong nakakaupo, tinanong na agad siya ng mga inimbitahang reporters kung ano ang nangyari sa pagitan nila ni Baron Geisler.

“Ha? Ano ba ‘yon?” pabirong sagot ni Edgar.

Matatandaang noong Lunes, Disyembre 17, ay muntik nang nagkasagutan ang dalawa sa MVP Ball na naganap sa Meralco Compound sa Ortigas.

Bukod kay Edgar, hindi rin nagustuhan nina IC Mendoza, Divine Lee, at isang reporter ng TV5 ang naging pagtrato sa kanila ni Baron.

(CLICK HERE for related article)

Ang pahayag ng 23-year-old star, “Ano lang naman, kumbaga confrontation lang naman ‘yong nangyari.

“Wala naman nangyaring sapakan, wala namang nangyaring gulo, and ako naman, kaya ko naman umintindi para sa isang tao, e.

“So ako, ginawa ko, inintindi ko na lang. Naintindihan ko naman siya. Sinabi ko naman sa kanya na nirerespeto ko siya, hinahangaan ko siya bilang artista, napakagaling niya.”

THE INCIDENT. Isang reporter ang nagkomento na ito ang unang beses na nasangkot sa ganoong insidente si Edgar.

Sinang-ayunan naman ito ng aktor.

“Grabe, gano’n pala ‘yon ‘no?” napapailing niyang tugon.

“Pero sinabi ko sa sarili ko, ‘intindihin mo na lang,’ so hindi naman ako nagpadala sa init ng ulo ko or sa insulto ko or napikon ako, hindi.

“Kumbaga inintindi ko na lang, inisip ko na lang ‘yong magiging magandang resulta sa akin.”

Hindi raw sigurado si Edgar kung nakainom si Baron nang sabihan siya ng "respect seniority." Pero ayon sa ilang tao na nakausap niya, “Nakainom, nakainom nga raw.”

Paano ba nagkrus ang landas nila ni Baron?

Ang kuwento ni Edgar, “Actually, pauwi na po ako no’n, pauwi na ako ng party. Kasi kumbaga, sila Martin [Escudero], nagyayaya rin na umuwi na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So papasundo na ako ’tapos parang may tumawag sa akin… parang may tumawag sa akin. Hindi ko sure kung si IC [Mendoza] ‘yon or si Ahron [Villena], [lumapit ako] kasi kaibigan ko naman sila, e.

“Ayon, sabi ko sa kanya [Baron], ‘Bro, nagkasama tayo sa Cosmo batch 2012,’ ‘tas ‘yon, iba na ‘yong tingin niya sa akin. Kinausap na niya ako.”

Hindi raw matandaan ni Edgar ang lahat ng sinabi sa kanya ni Baron, ang tanging natatandaan niya raw ay ang salitang “mother f*c**r.”

THE APOLOGY. Matapos ang insidente, humingi naman daw ng tawad si Baron kay Edgar kinabukasan.

“Tumawag naman siya, through phone call, nag-apologize naman siya.”

Kaya naman, maging siya raw ay hindi maintindihan kung bakit dinenay ni Baron ang mga pangyayari.

Sa eksklusibong panayam ni Baron sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi nito na, “People like to talk about me. People like seeing me. I’m like a novelty item for them, e. Once Baron is there, there’s an issue.”

(CLICK HERE for related article)

Pero ayaw na lamang daw magkomento ni Edgar tungkol dito.

Paliwanag niya, “Basta ako, maayos ako sa kanya, tinanggap ko ‘yong sorry niya. And ako, malinis din ang konsensiya ko na wala akong ginagawang masama, at nirespeto ko siya.

“Ayun nga, sinabi ko nga sa kanya na nirerespeto ko siya and hinahangaan ko siya, napakagaling niya.”

HIGH RESPECT FOR BARON. Bagamat hindi maganda ang pagkikita nila nang gabing iyon, wala raw nagbago sa paghanga ni Edgar kay Baron bilang aktor.

Aniya, “Hindi, hindi pa rin, ‘yon pa rin ako.

“Hinahangaan ko siya. Magaling siya, magaling si Baron Geisler.

“Kumbaga sa akin, ayaw ko na rin palakihin, e. Ayoko na may kaaway, masarap kasi mabuhay na masaya ka, e, na mahal ka ng mga tao, e.

“So para sa akin, kung ano man ‘tong gulo na ‘to, kung anuman nangyari last Monday, ayaw ko nang palakihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, okay ako sa kanya.”

At kung sakaling magkasama sila sa isang proyekto, mabilis na tugon ni Edgar: “why not, why not?”

“Malay mo maging close pa kami, di ba?” nakangiting pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN