Miss Philippines Janine Tugonon finishes 1st runner-up in Miss Universe 2012; Miss USA wins the crown

Sa Q&A portion, ang tanong kay Miss Philippines Janine Tugonon, "Do you believe that speaking English should be prerequisite for Miss Universe?"

Ang sagot niya, "For me, being Miss Universe is not just about knowing how to speak a specific language. It’s about being able to influence and inspire other people. So whatever language you have, if you have a heart to serve and a strong mind to show people, then you can be Miss Universe.&


Ipinagpatuloy ni Janine Tugonon ang "winning streak" ng Pilipinas sa Miss Universe, ang sinasabing pinakamalaki at pinakaprestihiyosong beauty pageant sa buong mundo.

Si Janine ay nanalong 1st runner-up sa katatatapos pa lamang na Miss Universe 2012 na ginanap sa Planet Hollywood, Las Vegas, Nevada.

Ang kinoronahang Miss Universe ngayong taon ay ang kandidata mula sa host country, ang USA, na si Olivia Culpo.

Si Olivia ang ika-walong Amerikana na kinoronahang Miss Universe, at una mula pa noong 1997.

Second runner-up ang kandidata ng Venezuela na si Irene Esser; 3rd runner-up si Miss Australia, Renae Ayris; at 4th runner-up si Miss Brazil, Gabriela Markus.

Pagkatapos ng pagpapakilala ng 89 candidates ay ini-announce na ang Top 16, base sa preliminary competitions.

Pasok sa Top 16 ang representatives ng Venezuela, Turkey, France, Peru, Russia, Mexico, Poland, Hungary, South Africa, Philippines, Croatia, Brazil, Kosovo, Australia, India, at USA.

Naglaban-laban muli sa swimsuit competition ang Top 16, kunsaan umagaw ng pansin ang “cobra walk” ni Janine.

Pagkatapos ng swimsuit competition ay ini-announce na ang Top 10: Australia, Russia, Brazil, France, Venezuela, USA, Hungary, South Africa, Mexico, at huling-huling tinawag ang Philippines.

Isang maikling video naman ng mga nakapasok sa Final 10 ang ipinakita pagkatapos.

Dito sinabi ni Miss Philippines na: “For me, being here is a battle of a lifetime.

“Filipinos really love Miss Universe and they’re like hoping and anticipating and very into it.

“If I win, it’s like I gave the Filipinos hope, happiness, and Christmas gift.”

Sumunod naman ang evening gown competition ng Top 10 kung saan nagsuot ng sky blue, electric-pleated, sheer gown si Janine.

Matapos nito ay ini-announce na ang mga pasok sa Top 5: Miss Venezuela Irene Esser, Miss Philippines Janine Tugonon, Miss Australia Renae Ayris, Miss USA Olivia Culpo, at Miss Brazil Gabriela Markus.

Sa question-and-answer portion, ang judge na si Nigel Barker ang nagbasa ng tanong, na galing sa Twitter, para kay Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanong: “Do you believe that speaking English should be prerequisite for Miss Universe?”

Sagot ng kandidata mula sa Pilipinas: “For me, being Miss Universe is not just about knowing how to speak a specific language.

“It’s about being able to influence and inspire other people.

“So whatever language you have, if you have a heart to serve and a strong mind to show people, then you can be Miss Universe.”

Marami ang humanga sa sagot ni Janine kaya naman ang akala rin nila ay siya na ang mag-uuwi ng korona.

Pero ang pinili ng mga hurado na maging Miss Universe ay si Olivia Culpo ng USA, at naging first runner-up lamang si Janine.

Bagamat hindi nakuha ni Janine ang korona, ipinagpatuloy niya ang "winning streak" ng Pilipinas sa Miss Universe.

Sa tatlong magkakasunod na taon kasi ay nakapasok ang Pilipinas sa Top 5.

Noong 2010 ay naging fourth runner-up si Venus Raj.

Last year, 2011, ay naging 3rd runner-up si Shamcey Supsup.

At ngayong taon naman ay naging 1st runner-up si Janine Tugonon.

Naduplika ni Janine ang 1st runner-up finish ni Miriam Quiambao noong 1999.

Dalawang beses pa lamang nanalo ang Pilipinas sa Miss Universe: si Gloria Diaz noong 1969 at si Margie Moran noong 1973.

Ang hosts ng Miss Universe 2012 ay sina Andy Cohen at Giuliana Rancic.

Inspired by Christmas ang tema ng opening production number ng 89 candidates mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN