Janine Tugonon tells boyfriend Jaypee Santos: "I’m gonna be faithful to you kahit sino pang ma-meet ko, kahit ano pang gawin ko sa buhay ko."

Nagpahayag man ng disappointment ang ina at kapatid ni Janine Tugonon dahil sa paniniwala nilang siya talaga ang deserving para tawaging Miss Universe 2012, puro pasasalamat lamang ang inihayag ni Janine sa kaniyang Twitter account. Aniya, "Im just thankful, happy and excited to go home!!!!! Thank you Lord. To You be the glory and honor! :)"


Magkahalong emosyon ang naramdaman ng publiko sa pagkapanalo ni Miss Philippines Janine Tugonon bilang 1st runner-up sa Miss Universe 2012 competition.

Marami man ang nagdiwang dahil sa karangalang nakamit ng ating pambato, marami rin ang nadismaya dahil sa paniniwalang si Janine talaga ang deserving sa korona.

Si Miss USA Olivia Culpo ang nagwagi ng titulong Miss Universe 2012, at sinasabing may hometown advantage daw ito dahil sa Las Vegas naganap ang kumpetisyon.

Hinangaan ng marami ang sagot ni Janine sa question-and-answer portion, habang may ilan na nakulangan sa sagot ni Miss USA.

Narito ang tanong na binasa ni Nigel Barker para kay Janine: “Do you believe that speaking English should be prerequisite for Miss Universe?”

Ang sagot ni Miss Philippines: “For me, being Miss Universe is not just about knowing how to speak a specific language.

“It’s about being able to influence and inspire other people.

“So whatever language you have, if you have a heart to serve and a strong mind to show people, then you can be Miss Universe.”


Samantala, ang tanong naman na binasa ni Miss Universe 2010 Ximena Navarrete kay Olivia ay: "What is something that you have done, that you will never do again?"

Ang sagot ni Miss USA: "First I’d like to start off by saying that every experience, no matter what it is, good or bad, you’ll learn from it. That’s just life.

"But something I’ve done that I’ve probably regretted would be picking on my siblings growing up because you appreciate them so much more when you’re older, you get closer with your family. Everybody fights with their siblings, right?! But I don’t regret it."



MGA DISMAYADO SA RESULTA. Mula sa interview ng ABS-CBN News Channel na ANC Alerts, pahayag ng ina ni Janine na si Tess Tugonon, “I’m a little disappointed but the judges have made their decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Deep in my heart, I know Janine deserves the crown.

“A lot of people also feel the same way that I do. I’m sure of that.

"I love her. It’s just a crown.”

Halos ganito rin ang sentimiyento ng kapatid ni Janine na si Jess, “Medyo disappointed pero masaya na rin kasi first runner-up is still first runner-up...

“Halos lahat, even ibang country, expected si Janine mananalo.”



THANKFUL JANINE. Samantala, sa kanyang Twitter account, puro pasasalamat lamang ang ipinahayag ni Janine.

Aniya, “Im just thankful, happy and excited to go home!!!!! Thank you Lord. To You be the glory and honor! :)”

Sa interview naman nina Pia Arcangel at Raffy Tima sa programang Balitanghali sa GMA News TV, sinabi ni Janine, “Relaxed na ako. Happy na ako na narating ko yun, second out of 89 girls.”




JANINE’S BOYFRIEND. Nagkaroon din ng pagkakataon si Janine na makausap ang kanyang kasintahang si Jaypee Santos.

Ito ang ilang bahagi ng interview:

Jaypee: “Hi, Mahal!”

Janine: “Mahal! Alam kong isa ka sa nagdasal na hindi ako manalo kasi gusto mo na kong bumalik.”

Jaypee: “Uy, hindi. Nung una... Nung una, siyempre, nagdadalawang-isip ako.

“Nung pagdating ng pageant, yun, ipinagdasal ko talaga na manalo ka."

Tinanong ni Pia si Jaypee kung ano ang gusto niyang sabihin kay Janine.

Jaypee: “Una sa lahat, happy monthsary. Eto yung pinaka-gift so far, Merry Christmas na rin. Ang ganda ng gift mo sa Pilipinas.”

Janine: “I love you!”

Jaypee: “I love you, too.”

Pia: “Ilang months na ba kayo?”

Janine: “Eight pa lang.”

Pia: “Janine, na-miss mo siguro nang husto si Jaypee, noong nandiyan ka?”

Janine: “Sobra! Ano kami, nagpe-Facetime pero hindi rin parati kasi yung Internet may bayad. Pero nagpe-Facetime kami.”

Pia: “Jaypee, saan mo pinanood yung competition, nasa bahay ka ba?”

Jaypee: “Hindi. Nag-set-up kami dito sa office. Lahat nung mga kaibigan at officemate niya nandito para suportahan siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Raffy: “Ngayon at first runner-up ang iyong kasintahan, ano’ng nararamdaman mo?

“Meron ka bang kaba na nararamdaman kasi alam naman natin kung anong ine-entail ng pagiging isang beauty queen ng iyong girlfriend?”

Jaypee: “Wala na, sobrang nakahinga na ko nang maluwag. Pero kanina talaga, hindi ko na maramdaman yung katawan ko sa sobrang kaba.”

Tinanong din ni Raffy kung ano ang naging reaksiyon ng mga kasamahan sa trabaho nila Janine nang ia-announce na nga ang pagkapanalo nito.

Jaypee: “Ayun, sobrang saya nila. Kino-congratulate nila si Janine, kino-congratulate rin nila ‘ko.”

Hiningi ni Raffy ang mensahe ni Janine para kay Jaypee at sa kanyang pamilya.

Janine: “Sobrang maraming-maraming salamat talaga, mula sa ‘king puso.

“Hindi lang talaga ‘ko magaling mag-express ng pasasalamat, pero sobrang nagpapasalamat talaga ako kasi damang-dama ko dito sa Vegas yung support nila.

“And uuwi na ‘ko! Yehey! Kita-kita tayo diyan. Para mag-celebrate tayo, di ba.”

Tinanong naman ni Raffy kung paano babalansehin ni Janine ang oras niya para kay Jaypee ngayong magiging busy na siya sa mga gawain bilang isang beauty queen.

Janine: “Sanay naman na ’yan, e. I mean, yung una pa lang, medyo busy na. Sanay naman ’yan. As in talagang very understanding naman siya.

“So usually sumasama siya sa mga ginagawa ko. Kaya ayun. For sure naman mawo-work out namin yung mga schedule, di ba?"

Raffy: “Hindi ba nakakakaba na first runner-up sa Miss Universe yung girlfriend mo? I’m sure maraming kalalakihan diyan ang nakatingin diyan, Jaypee! Anong masasabi mo?”

Jaypee: “Sa ‘min naman kasi, napag-usapan na namin ’yan and alam ko na yung mindset namin na when you put God on top of your relationship, nobody can break you."

Hiningi muli ni Pia ang mensahe ni Janine para kay Jaypee.

Janine: “Uwi na ‘ko! Alam kong tuwang-tuwa ka na uuwi na ‘ko. Ayun. I love you very, very much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta sa ‘kin, don’t worry about my faithfulness. We’re both Christian and I’m gonna live up to it.

“I’m gonna be faithful to you kahit sino pang ma-meet ko, kahit ano pang gawin ko sa buhay ko.

“You’re the one I want to spend the rest of my life with.”

Jaypee: “Siyempre, alam mo naman na, kahit anong mangyari, siyempre, ikaw pa rin ang mamahalin ko.

“Alam mo na pinag-pray din kita na sana makatagpo ako ng babae na talagang mamahalin ako nang sobra at mamahalin ako nang totoo.”

Pia: “Jaypee, sasalubungin mo ba si Janine sa airport?”

Jaypee: “Siyempre naman po. Kung maaari nga lang pumunta ako dun [sa Las Vegas] para sunduin siya, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN