Carlos Agassi details how he proposed to his Filipina-British girlfriend Margo Midwinter

by Rey Pumaloy
Dec 21, 2012
Payag si Carlos Agassi sa simpleng wedding ceremonies. Ang dahilan niya: “Alam mo sa akin, kahit saan, at kahit anong gusto niyang mangyari sa wedding, okey lang sa akin. Kasi ‘yang wedding naman na ‘yan, para talaga sa babae.”

Hindi makakasama ni Carlos Agassi ang fiancée niyang Filipino-British na si Margo Midwinter ngayong Pasko dahil nasa United Kingdom ito.

Gustuhin mang makabalik ni Margo dito sa Pilipinas ay hindi rin puwede dahil expired na rin ang British passport nito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlos sa Christmas party with the press ng Calayan Surgicentre sa poolside ng Manila Intercon Hotel noong Lunes ng gabi, December 17.

Sabayang ginanap ang Christmas party sa launching ni Cristine Reyes bilang pinakabagong endorser ng Calayan Surgicentre.

Pagbabalita ni Carlos, “After New Year na lang daw when she gets her new passport.”

Tungkol pa sa kanyang fiancée, sinabi ni Carlos na pagkatapos daw ng dalawang taon ay saka sila pakakasal ni Margo.

Hindi naman itinatanggi ni Carlos na gusto na niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya dahil 33 years old na raw siya at 22 years old ang fiancée niya.

Pero hindi raw naging hadlang ang agwat ng edad nila noong mag-propose siya kay Margo.

“She could say ‘no.’ But she said ‘yes,’” proud na sabi ni Carlos.


MARRIAGE PROPOSAL. Sa kuwento ni Carlos, nag-propose siya sa fiancée niya noong ihatid niya ito sa airport pabalik ng U.K. noong November 20.

“Una akong nag-propose… alam mo yung nabibili lang sa kanto na ring na kendi lang?

“Sabi niya, kailangan daw magandang proposal, yung memorable 'pag nag-Paris kami.

“E, siya yung nagsabi sa akin na i-release yung album [Kapayapaan rap-album under Star Records].

“It’s doing good… I get to the promo, I sold five thousand units, iwan ako dito with my raket, and she has to go back to renew her passport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, walang engagement party, walang dinner, walang marriage.

“And then, I gave her another ring, yung hiphop bling-bling. Di ba, hip-hop ako? So, may mga ring ako.

“Then she said, ‘No, you have to buy me a real ring.’ Girls dream an expensive ring—yung moment… So, okey.

“E, taping ako ng Wansapanataym. Vinideo [video] ko si Yogo Singh.

“Sabi ko, ‘Talk to the camera and tell Margo to marry me.’

“So, kinausap niya… ‘Pakasalan mo na si Kuya! Ako yung ring bearer!’

“So, pinanood ko yun sa kanya and her bestfriend who is a Filipina who also do charity work.

“And her dad keeps teasing me, ‘Where’s the ring?’

“And I said, ‘Hold the camera.’ In-on ko naman yung camera and then I put out the ring. I was able to buy in Newport Mall a ring.

“So, iyakan yung mga girls. And then, hinatid ko na siya sa airport.

“But supposedly, I was gonna follow [to UK]. Pero wala, e.

“I got to do ASAP for my birthday and then busy sa… Thank God, blessed with work. So, siya na lang ang babalik dito,” lahad ni Carlos.


DEPARTURE. Ginawa ni Carlos ang proposal sa bahay mismo ng girlfriend niya ilang sandali bago ito pumunta ng airport pabalik ng UK.

“So, moment-moment muna… Picture-picture. After noon, inihatid ko na siya sa airport,” kuwento pa rin niya.

Ayon kay Carlos, kahit nakikita niya minsan yung mga immaturities ng kanyang kasintahan, wala siyang ibang gustong makatuluyan kundi ito.

“Sabi ko nga sa kanya, kung hindi tayo matutuloy na ikasal, magpapari na lang ako or magiging playboy na lang ulit ako.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakit ba niya naisipang mag-propose, matagal na ba silang magkasintahan?

Paliwanag niya, “Kasi with everything that’s been…with my experience in my life. I can only talk about my life.

“Everything that’s happened to me? Parang destiny? Like my mom is only 4’11” [height] and my dad is only 5’6. I was born 10.10 lbs?

“I was the cutest baby in Makati Med. I did a commercial, two weeks old.

“My biological father passed away and we’re required to come here in 1986.

“Two years, I became a commercial model. I did 24 commercial ads and then I became Star Magic [talent], became an actor, Hunks…

“Everything fell into place…without me planning it. And my album, I made this six years ago.

LOVE STORY. Papaano nalaman ng girlfriend niya ang kanyang trabaho?

“And she never knew I was an actor. Her best friend is one of the girlfriends of kapwa-Hunks ko.”

Ang tinutukoy niya ay si Jericho Rosales na ang current girlfriend na si Kim Jones ay isang British-Filipina rin.

“Ah, ‘yan yung sa Hunks, yung nagra-rap! Yung may abs. Tumatawa siya. Kasi I don’t tell her anything, e.”

Maliban sa paggawa ng charity works, lumabas na rin sa ilang mga TV ads ang girlfriend ni Carlos.

Tandang-tanda pa raw niya noong makita niya ang dalaga sa isang grocery store sa Rockwell.

Nagandahan na siya agad dito. Nag-‘Hi’ daw siya kay Margo at bumati rin naman raw ito sa kanya.

Noong mga panahong iyon, nagdalawang-isip si Carlos na hingin ang phone number ni Margo dahil baka snub-in lang siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa kalaunan, nalaman niyang may common friends pala sila ni Margo, gaya nina Andrew Wolff at Eric Tai.

Nagkakataong 'pag nagpupunta siya sa isang lugar kasama ang kanyang mga nasabing friends, nandoon din si Margo pero hindi sila nagkikita.

Noong finally na magkita na sila ni Margo at nagkapalagayan ng loob, naisama na raw niya ang dalaga sa mga games niya.

Minsan ay dumating daw ang adoptive father ni Carlos galing ng Riyadh, ni-request daw nitong mag-dinner silang dalawa.

Naisip ni Carlos na isama si Margo at dito na nagsimula ang isang romantic relationship.

“I’ve never introduced a girl…to my dad and to my family, to the house.

“Kasi kung wala pang serious relationship, ayokong ipakilala sa mom ko. Kasi baka hindi naman magtagal, di ba?

“So, on the first date sinabi ng mom ko, ‘It’s a pleasure to meet my son’s girlfriend.’

“So, nakatingin siya sa akin at nakatingin rin ako sa kanya. Hindi siya nagre-react, hindi rin ako nagre-react.

“Noong hinatid ko siya, ‘So, you’re my girlfriend?’ 'Tapos tumawa lang siya. Parang magaan lang siya.

“Nag-one year lang kami noong November 20 at doon na nga ako nag-propose. “


ENGAGEMENT. Hindi matandaan ni Carlos kung ano ang karat ng diamond ring na binili niya para sa fiancée niya. Pero sabi niya, mahal daw ito.

Napangiti na naman si Carlos nang maalalang pinagalitan siya ng kasintahan noong sabihin niya sa presscon ng album niya na nag-propose na raw siya sa girlfriend.

“Kasi nga, gusto niya may engagement dinner doon, may engagement party, 'tapos may wedding doon sa kanila, 'tapos may beach wedding.

“Sabi naman ng daddy niya, yung mga ganyang mga weddings raw, hindi nagtatagal. Kaya simple wedding na lang raw.

“Alam mo sa akin, kahit saan, at kahit anong gusto niyang mangyari sa wedding, okey lang sa akin.

“Kasi ‘yang wedding naman na ‘yan, para talaga sa babae.”

Wala raw permanenteng oras at masasabing lugar ang fiancée niya dahil sa charity works na pinupuntahan nito sa iba’t ibang lugar.

Pero hindi raw ito magiging problema sa marriage nila kung saan sila mapapadpad dahil susunod daw si Carlos sa kung ano ang gustuhin nito.

“Ang gusto kong mangyari nga, 'pag naging citizen ako dahil sa kanya, kung hindi mag-work dito, e, di doon kami.

“Pero so far, it’s hard to speak pero right now… Kasi before I launch my album, puro rakets ako, e—celebrity basketball, kanta-kanta.

“Ngayon umaandar na yung album, so, marami na akong ginagawa.

“In fact, nabigyan ako ng award, ang AFP [Armed Forces of the Philippines] Bayanihan award. Kaming dalawa lang ni Sarah [Geronimo] ang recipient ng award.

“'Tapos na-invite ako mag-perform sa First National Youth Leadership ng mga youth sa Davao.

“'Tapos, plinay [play] ko sa General yung song. Nagustuhan nila. So, they bought a thousand units!

“So, everything falls into place… Award, 'tapos binili yung album ko.”


STAGE PLAY. Pagdating naman sa kanyang acting career, merong offer si Carlos na magbida sa pag-i-stage ng original movie project na Full Monty.

Sa movie version, nagkainteres ang regular looking guys na bumuo ng isang all-male striptease band.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumikat sila sa klase ng kanilang pagsasayaw na maihahalintulad sa isang go-go dancer.

Willing ba siyang magpakita ng butt gaya ng ginawa ng mga bidasa movie version?

“Ang sabi hanggang underwear lang raw. Magbabasa pa lang ako. Pero kung magkakatuluyan, I will do the play.

“Yun nga lang 'pag sinabing play, maliit lang yung budget pero magandang exposure.

“Tinatantiya ko rin, kasi nga eleksyon na, e. So, marami tayong rakets sa mga ganoon, e.”


NO CONTRACT. Ang pinakahuling project ni Carlos sa ABS-CBN ay Wako Wako, isang alien-fantaserye-based TV series.

Ano naman ang plano sa kanya ng ABS-CBN?

“Wala!” mabilis na sagot ni Carlos at saka tumawa nang malakas.

May contract pa ba siya sa ABS-CBN o sa Star Magic?

“Ever since sa Star Magic, I had a verbal agreement with Mr. Johnny Manahan.

“Ever since I started, even before the Hunks and even when I’m with the Hunks and up to now, I never had contract.

“Sila [Star Magic] yung tumawag sa akin for Full Monty and 'pag may guestings ako ipinapaalam ko sa kanila because ang treatment ko sa kanila, parang manager kahit verbal lang.

“Sa akin, okey lang naman kasi kung merong offer na teleserye, why not? Thank you.

“Kung wala naman, okey rin naman,” nakangiti niyang sabi.

Read Next
Read More Stories About
Carlos Agassi, Margo Midwinter
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Payag si Carlos Agassi sa simpleng wedding ceremonies. Ang dahilan niya: “Alam mo sa akin, kahit saan, at kahit anong gusto niyang mangyari sa wedding, okey lang sa akin. Kasi ‘yang wedding naman na ‘yan, para talaga sa babae.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results