Miriam Quiambao on Janine Tugonon duplicating her first runner-up finish in Miss Universe: "Who knows, baka may mas malaking purpose pa si God for Janine kaya hindi sa kanya ibinigay ang Miss Universe crown."

Marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ni Janine Tugonon (left) kay Miriam Quiambao (right). Parehong naging kandidata sa Miss Universe ang dalawa at pareho rin silang naging first runner-up. Sabi ni Miriam tungkol dito, “Nakakatuwa kasi nga it means na naaalala pa rin nila ako and like what I said, yung beauty nating mga Pinay, appreciated na ulit. Matagal din na naging paborito ng Miss Universe ang mga Latina, di ba? This time, na-divert na ang attention nila sa Pin


Exclusive na nakapanayam ng news program ng GMA News TV na News-To-Go ang former beauty queen na si Miriam Quiambao.

Si Miriam ang nag-represent ng Philippines sa Miss Universe 1999 na ginanap sa Trinidad and Tobago.

Ang representative ng bansang Botsawa na si Mpule Kwelagobe ang nanalo bilang Miss Universe at first runner-up naman si Miriam.

Kasalukuyang nasa Australia si Miriam para bisitahin ang kanyang kapatid at doon na rin siya magdiriwang ng Pasko.

MISS UNIVERSE EXPERIENCE. Sa naging panayam ng News-To-Go anchor na si Kara David kaninang umaga, December 21, tinanong si Miriam kung ano ang naging pakiramdam nito noong dalawa na lang sila ni Miss Botswana ang naiwan sa entablado at hinihintay ang announcement kung sino ang tatanghaling Miss Universe.

Sagot ni Miriam ay mas nakakakaba raw ang Question & Answer portion kumpara raw sa paghintay nila ng announcement ng winner.

Kuwento niya, “Yung Q&A portion ang mas nakakakaba talaga.

"Kasi nga, yun na ang magiging basehan ng mga judges at iisipin mo na lang na bahala na—ipinapasa-Diyos mo na lang ang lahat.

“During that time kasi, hindi pa ganun katindi ang relasyon ko sa Panginoon. But still, I lifted it all up to Him. Thy will be done,” sabi ni Miriam.

JANINE TUGONON. Marami ang umasa na si Miriam ang mag-uuwi ng Miss Universe crown noong 1999, tulad ng pag-asam ng maraming Pinoy na ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon na si Janine Tugonon ang manalo.

Pero gaya ni Miriam ay first runner-up din si Janine sa Miss Universe 2012 na ginanap sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ayon kay Miriam, maraming factors kung paano pinipili ang mananalo ng Miss Universe.

Hindi raw basta lang sa maganda kang sumagot, maganda ka magdala ng evening gown, o maganda ang katawan mo suot ang bathing suit.

Sabi ni Miriam, “Hindi mo rin kasi masasabi kung ano ba ang gusto ng mga judges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“During my time, siguro nga, they go for somebody like Miss Botswana.

“Iba-iba ang puwedeng dahilan. But what’s important is tanggap natin yung mga nangyari and we move on.”

Replay na raw ng Miss Universe 2012 ang napanood ni Miriam, at sa Twitter lang daw siya nakakakuha ng mga balita tungkol sa pageant.

“Through Twitter ko lang nababasa ang mga reaction ng mga tao sa result ng Miss Universe.

“I wasn’t able to watch it live kasi kaya hinintay ko ang replay sa TV.

“Noong mapanood ko nga, ako mismo nagulat kung bakit ganun ang naging resulta.

“In fairness naman to Janine, ang ganda ng sagot niya kumpara sa winner na si Miss USA [Olivia Culpo].

“So hindi kataka-taka na marami ang mag-react.”

THE SCORES. Ipinagtataka lang ni Miriam ay kung bakit this year ay hindi man lang ipinakita ang mga scores ng bawat candidate sa Miss Universe.

Base sa scores, nalalaman ng mga manonood kung malakas ba o mahina ang laban ng isang kandidata sa Miss Universe.

“It would help sana kung pina-flash nila sa screen yung mga scores, di ba?

“Nagtaka lang ako kung bakit this year ay wala silang ipinapakitang scores. Hindi mo tuloy alam kung ano ba ang inilagay na scores ng mga judges.

“Siguro it would have helped kung alam ng marami kung ano ba ang scores ng dalawa.

“Baka kasi one point lang ang difference between Miss USA kay Miss Philippines.

“We will never know kasi walang ipinakitang mga scores sa screen na usually ay ginagawa ng Miss Universe.

“But like what I said, we lift it all up kay Lord. Kung ano ang ibigay Niya sa atin, we all have to accept.

“Who knows, baka may mas malaking purpose pa si God for Janine kaya hindi sa kanya ibinigay ang Miss Universe crown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe may reason din kung bakit nanalo si Miss USA. We will never know din kasi kung ano ang gusto ng mga judges.

“But just the same, masaya tayong lahat dahil hindi madali ang umabot ka sa ganung position.

“You are up against so many beautiful girls from different countries sa buong mundo. To get to that top two spot is already an achievement.

“Kaya let’s all be happy and thank God that Janine made it and we should all be proud of her.”

THREE YEARS IN A ROW. Ikinatutuwa rin ni Miriam na sa nagdaang tatlong taon ay maganda ang standing ng mga Pinay sa Miss Universe.

Starting with Venus Raj na naging fouth runner-up sa Miss Universe 2010, na nasundan ni Shamcey Supsup na naging third runner-up sa Miss Universe 2011.

At ngayong taon nga ay nasungkit ni Janine Tugonon ang first runner-up spot.

Sabi ni Miriam, “It’s good to know that naa-appreciate na nila ulit ang ganda at talino ng Pinay.

“For the past three years nga, maganda ang position ng mga representatives natin. We are slowly getting there.

“Who knows baka next year, tayo na ang manalo ng Miss Universe crown. Mas maganda na naghihintay tayo for something good, di ba?

“Let’s all just pray for that to happen very soon.”

LOOKALIKE. Marami ang nagsasabi na malaki ang hawig ni Janine kay Miriam.

Halos pareho sila ng kulay ng balat, hugis ng mukha, tindig, at pati sa pagdala ng bathing suit at evening gown.

Natuwa naman si Miriam dahil agree siya sa mga sinasabi ng marami na magkahawig nga sila ni Janine.

“Nakakatuwa kasi nga it means na naaalala pa rin nila ako and like what I said, yung beauty nating mga Pinay, appreciated na ulit.

“Matagal din na naging paborito ng Miss Universe ang mga Latina, di ba? This time, na-divert na ang attention nila sa Pinay beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it’s nice to know that I am still being remembered through Janine Tugonon. Proud kami for our beauty inside and out.

“Tsaka nalaman ko rin na she’s very spiritually active as well. Tulad din nina Venus and Shamcey, they put God first and they lift it all up to Him.

“Kaya ang ganda, di ba? Hindi lang sila maganda sa panlabas, pati na rin ang kalooban nila ay kakaiba ang ganda.”

Natawa naman si Miriam sa balitang may mga kababayan tayo na nagwi-wish na ma-dethrone si Miss USA para maisalin ang korona kay Miss Philippines.

“Huwag naman tayo ganyan mag-isip!” tawa niya.

“Hindi maganda na maghangad tayo ng anumang masama sa ibang tao.

“Kung ano ang kagustuhan ni God, yun ang sundin natin, di ba?

“Let’s just all be happy that Janine did well and that she’s happy with what she has accomplished.”

Kung may advice si Miriam kay Janine, ito ay ang manatiling maging down-to-earth.

“Alam ko na it’s an overwhelming experience and many are expecting more from Janine.

“Siguro advice ko lang is just continue what she is doing right and always keep her feet on the ground.

“Yung mga praises, nakakatuwa talaga ‘yan and she should be proud of what she has done for the country. We all know that she did her best.

“Huwag lang niyang kalimutan ang Panginoon. Ituloy lang niya ang pagiging maka-Diyos and everything will fall into its proper places,” pagtatapos ni Miriam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN