Kris Aquino on meeting the “right guy”: “Hindi na ako naghihintay, hindi ko na rin siya ipinagdadasal.”

Kahit tinagurian siyang “Queen of All Media,” meron pa bang ibang naitatagong talent si Kris Aquino? Pag-amin niya: “Oo, magaling lang ako magsalita. Pero masarap talaga ako magluto. Gusto ko magkaroon ng catering [business] and all, and anything na natikman ko, kaya kong i-recreate.”


Si Kris Aquino ang special guest ni Boy Abunda sa “Ikaw Na” segment ng ABS-CBN primetime newscast na Bandila, noong Martes, December 18.

Unang inusisa ni Boy si Kris kung ano ang "so different" sa kanilang bagong pelikulang Sisterakas.

Sagot ni Kris, “The three of us together. Dahil pinagsama ako, si Ai-Ai [delas Alas], at si Vice [Ganda], dahil ano talaga… kulitan… tawanan…

“Ang in-assure kasi sa akin ay may puso talaga yung pelikula. So, it’s not just fun and games.”

Sinigurado naman ni Kris na kapag napanood ng tao ang pelikula, lalabas sila ng sinehan na “Happy, super, at super maku-cute-tan kayo sa amin.”

Isa pang espesyal daw sa pelikulang ito ay ang paggamit nila ng live sound.

Kuwento ni Kris, “Alam mo, Boy, ang masaya dito, mostly live sound.

"As in, 90 percent of the film is live sound.

“Ten percent lang kami nag-ano…dub. Kasi pag merong mga crowd or biglang may instruction si Direk Wenn [Deramas] and all.”

Sa Sisterakas ay nakipagsabayan daw si Kris sa dalawang magaling na komedyante—sina Ai-Ai at Vice.

Paano niya nagawang makipagsabayan sa dalawang ito?

Natatawang tugon ni Kris, “Parang I was good… feeling ko lang.

“Sabi kasi nila sa akin, yun daw ang hindi ko na-realize.

“Vice paid me such a high compliment in saying, ‘Kung hindi ka naging Kris Aquino, naging stand-up comedian ka.’”

Nanibago ba siya sa character niya sa Sisterakas? Anong atake ang ginawa niya sa pelikula?

Lahad ni Kris, “Hindi. Nag-enjoy ako kasi ang inspiration ko ay si Charlize Theron dun sa Snow White and the Huntsman… Yun lang.”


FROM THE VIEWERS. Kasunod na itinanong ni Boy sa tinaguriang" Queen of All Media" ang mga katanungan ng viewers para rito.

Pabor ba siya sa RH (Reproductive Health) Bill?

Naipasa sa pangatlo at huling pagbasa sa Senado ang kontrobersiyal na bill, nung Lunes din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Kris, “You know, Boy, I’ll say it na, I am for the rights of women to have a choice.

“Of course, I am anti-abortion, but I support PNoy’s initiatives.”

Isinusulong at suportado ng kapatid niyang si Presidente Noynoy Aquino ang RH Bill.

May mahihiling pa ba si Kris sa buhay niya?

Wika nito, “Wala na. Oo, kasi, huwag lang akong kunin ni Lord nang masyadong maaga.

“Okey lang sa akin to die young before. But now, I wanna see my grandchildren with Bimby.”

Tanong uli ni Boy kay Kris, mula sa tanong ng isang televiewer: "What is your stand on virginity and consummative Filipino values?"

Natawa si Kris bago sumagot ng, “As much as possible, the ideal is to save it for the man you’re going to marry.”

May hidden talent kaya siya?

Saad ni Kris, “Ah, walang hidden...wala akong talent masyado. Oo, magaling lang ako magsalita.

“Pero masarap talaga ako magluto. Gusto ko magkaroon ng catering [business] and all, and anything na natikman ko, kaya kong i-recreate.”

Kung hindi artista si Kris, ano kaya siya and why?

Sagot nito, “A lawyer, I think. Kasi both my mom and dad, nag-law school pero hindi sila natapos. Kaya siguro ako sana. Sana, sayang.”

Kung naging totoong lalaki si Vice, may pag-asa ba siya kapag nanligaw kay Kris?

Tawa nang tawa si Kris, sabay sagot ng, “E, kahit nga hindi totoong lalaki, pinipilit ko siya, e.

Tinanong ni Boy kung ano ang reaksyon ni Vice sa pamililit ni Kris.

Sagot ni Kris na reaksyon daw ng baklang komedyante, ‘Yiiih, yiiih! Yuck! Tumahimik ka diyan!’”


HAPPY LIFE. Is Kris happy with her life right now and why?

Lahad niya, “Yes, happy naman. And why? My sons [Josh and Bimby] make me happy.”

Ano ang pakiramdam ng isang taong kapatid ng isang presidente at anak ng itinuturing na mga bayani?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Alam mo, ang tingin namin kay PNoy, of course were so proud of him in everything he has achieved, but still he is my kuya and he is still my brother.

"So, kanina when we got our acceptance from Ateneo [de Manila University] for Bim, and he [PNoy] was so proud also.

“We support him and everything, pero there’s still a sense of family na, yung mga, mundane, everything, pang-pamilya things, nadi-discuss pa rin namin."

Dagdag pa ni Kris, “Hindi talaga siya nagkukulang ng pagbigay ng atensiyon sa pamilya.

“Like two weeks ago, naospital ako. Diretsong dumalaw talaga, kasi akala niya talaga na extreme na bubutasan na yung throat ko.”

PREFERENCE. Ano ang mas gusto niyang ginagawa—teleserye o pelikula?

Aniya, “Teleserye. Nag-e-enjoy ako. Oo, gustong gusto ko talaga. Sobra yung pagod. Please, abangan ninyo, January 21, Kailangan ko’y Ikaw.

Bakit teleserye ang mas gusto niyang ginagawa?

“It’s a gratification. Kasi napapanuod mo agad, nararamdaman mo na, ’Ikaw, iba ka na, na hindi na ikaw si Kris.’

“Na ako na si Roxanne, at gustung-gusto ko talaga siya," sagot ni Kris.

Ang role ni Kris sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw ay si Roxanne, kapatid ni Anne Curtis na makaka-love triangle ni Robin Padilla.

May gusto pa ba siyang role na hindi pa nagawa?

“Ito ngayon, ito na siya! I think, ha? Ito na yun, this is it!”


RIGHT GUY. Kuntento na ba siya sa pagiging single mom o nag-aantay pa ng “right guy?”

Aniya, “Hindi na ako naghihintay, hindi ko na rin siya ipinagdadasal.

“Pero malay natin, i-surprise ako ni God.

“And, di ba, okey ang kahit wala? Ayokong maging selfish kasi mabait na si God sa akin.”

Paano niya naha-handle sina Joshua at Bimby? Ano ang parenting style niya?

Pagmamalaki niya, “Nurturer. Talagang ano…buhos lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, like… ina-adjust ko talaga ang buhay ko para sa kanila, kasi utang ko yun sa kanila.”

Napadako naman ang usapan sa kanyang lovelife. Tanong pa ng isang tagapanood: Sino yung first love niya na labis niyang iniyakan?

Seryosong sagot ni Kris, “No comment, ayoko sagutin.”

Major lessons learned pagdating sa pag-ibig?

Medyo seryoso pa rin niyang sambit, “Huwag na, huwag na umibig para hindi na lang masaktan.

“For me yun, e. Huwag na lang nga muna. So, for now, baka hindi para sa akin. Kahit wala.”


CHRISTMAS GIFT. Ano ang puwede niyang Christmas gift sa sarili?

Lahad ni Kris, “Aalis kami ng mga anak ko. Punta kaming...ahhh… Mabilis lang yung bakasyon, pero dadalhin ko sila, first time nilang mag-Las Vegas.

“Manunuod kami ng David Copperfield. I love magic… its more for me than for them. Yun lang talaga ang regalo.

"Ako ’ata ang mas excited.”

Last na itinanong ni Boy, mula pa rin sa isang tagapanood: "Kung ikaw ay isang bulaklak, anong bulaklak ka at bakit?"

Natawang sagot ni Kris, “Sampaguita. Para ano lang… kung saan-saan mo nakikita.

“Pero ano…mabango yung amoy talaga—hindi mo makakalimutan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN