Philippine entry Bwakaw fails to make it to short list of Oscar’s Best Foreign Language Film category


Hindi pinalad na makabilang sa shortlist ng Best Foreign Language Film category ng 85th Academy Awards ang Bwakaw, ang critically-acclaimed at award-winning movie mula sa Pilipinas.

Pero nagpapasalamat pa rin ang mga producer ng pelikula sa lahat ng mga sumuporta sa project.

Ang Bwakaw ang napili para maging official entry ng ating bansa sa Foreign Language Film category ng Oscar Awards.

Ang pelikula ang nagbigay kay Eddie Garcia ng Best Actor trophy sa 55thAsia Pacific Film Festival na ginanap noong December 15 sa The Venetian Resort Hotel, Macau, China.

Siyam na pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang kasama sa shortlist ng Foreign Language Film category:


Amour (Austria, Michael Haneke, director);


War Witch (Canada, Kim Nguyen, director);

No (Chile, Pablo Larraín, director);

A Royal Affair (Denmark, Nikolaj Arcel, director);

The Intouchables (France, Olivier Nakache and Eric Toledano, directors);

The Deep (Iceland, Baltasar Kormákur, director;

Kon-Tiki (Norway, Joachim Rønning and Espen Sandberg, directors);

Beyond the Hills (Romania, Cristian Mungiu, director);

at Sister (Switzerland, Ursula Meier, director).

Limang pelikula ang pipiliin ng mga hurado mula sa shortlist.

Sa January 10, 2013 ang announcement ng 85thAcademy Awards nominations para sa iba’t ibang kategorya, kabilang na ang Foreign Language Film.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN