X Factor grand winner KZ Tandingan denies being a single mom: “Oh, my God, wala! Kung mayroon, bakit ko naman ide-deny?”

Hindi nagmamadaling magkaroon ng music album ang X Factor Philippines winner na si KZ Tandingan. Aniya: “Hindi yung kailangan ko lang magka-album kasi ako yung grand winner—kailangan ngayon agad, may album na. Gusto ko, first album pa naman, kailangang paghandaan.”


May lumalabas na balita na mayroon daw anak sa pagkadalaga ang X Factor Philippines grand winner na si KZ Tandingan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay KZ nung nakaraang Linggo sa ASAP 2012, nagulat daw siya nang makarating sa kanya ang ganung balita.

“Oo, nagulat ako. Kasi yun nga, may nasulat na single mom daw ako.

“Parang di siya patanong, kasi nakalagay, ‘Single mom si KZ.’

“Bago ko nabasa, tinweet muna sa akin, ‘Ate, totoo bang single mom ka?’

“’Kaloka naman… single mom?!

“Wala. Oh, my God, wala! Kung mayroon, bakit ko naman ide-deny?

“Having a child is a gift, hindi lahat nagkakaroon ng baby.”

Ayon pa sa singer ay wala nga siyang karelasyon ngayon.

“Wala akong boyfriend. Kung darating man ang lovelife, darating… hindi minamadali ‘yan.

“Yung mga bagay na minamadali, madali ring nawawala.”



NOT IN A HURRY. Mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang itanghal si KZ bilang X Factor Philippines Grand Winner, kaya naman pinagtatakhan ng ilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang solo album.

Kadalasan kasi ay nagkakaroon na agad ng solo album ang mga nananalo sa singing search ng ABS-CBN.

Ayon kay KZ, mas magandang paghandaan ang kanyang magiging solo album.

“Okay lang yun, okay lang naman kasi ayokong madaliin.

“Kasi gusto ko na yung album mabibigyan ng time para mapag-isipan.

“Ayokong madaliin para maging maganda yung kalabasan nung album.

“Hindi yung kailangan ko lang magka-album kasi ako yung grand winner—kailangan ngayon agad, may album na.

“Gusto ko, first album pa naman, kailangang paghandaan."

Pero marami raw composers at singers na nag-o-offer na igawa siya ng kanta.

“Ang dami-dami, mga artists na nakasama kong mag-perform.

“Parang nakaka-overwhelm na nag-o-offer sila na mag-produce ng kanta para sa akin.

“The last time na nag-duet kami ni Kuya Kean Cipriano, susulat daw siya ng kanta para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Kuya Richard Poon, nagsabi din sa akin.

“Nagkaroon ng event noon si Governor Vi [Vilma Santos-Recto], nag-judge ako kasama sila Sir Vehnee Saturno… siya rin daw.”



STIFF COMPETITION. Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng mga kasamahan ni KZ sa X Factor bago siya itinanghal na Grand Winner.

Kinumusta namin si KZ tungkol sa relasyon niya sa mga dati niyang nakalaban at kung hanggang ngayon ba ay nararamdaman pa niya ang kumpetsiyon sa kanila.

Tugon niya, “Okay naman. Kilalang-kilala na namin ang bawat isa lalo na yung Alabang Kids, ako, si Kedebon, si Allen, si Gab.

“Wala talaga—suportahan. Halimbawa, gig namin ngayon ni Gab, sasama sila Kedebon saka si Allen, manonood.

“Gig nila, pupunta kami.

“Nami-miss ko ang pamilya ko. Buti na lang nandito sila Kedebon, hindi ako masyadong nahu-homesick kasi nandito sila.”

Tubong-Digos, Davao del Norte si KZ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN