Aljur Abrenica considers 2012 one of the best years of his life: "Kasi, maraming mga unang beses na nangyari sa akin…"

Isang importanteng aral ang natutunan ni Aljur Abrenica sa pananatili niya sa showbiz. Aniya, “Bago mo pasukin ang isang bagay, siguraduhin mo na kaya mong i-handle. Kapag sobra na, tigil na.”


Bago pa ang Kapaskuhan, nag-road trip papuntang Sagada, Mountain Province si Aljur Abrenica para makapag-relax.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yun lang kasi ang bakasyon na walang trabaho.

“Kasama ko ang mga kapatid ko, mga kaibigan ko, who’s always been there for me sa buong taon.

"Ito yung balik ko sa kanila.”

Treat na rin daw ni Aljur yun sa mga kapatid at kaibigan niya.

Kuwento pa niya, “Sa ganoong klase kasi ng trip, nakakapag-isip ka nang maayos—bonding na rin with friends and brothers.

“Sa isang taon, mabibilang mo lang halos sa daliri mo ang nagkikita kami.”



GOOD YEAR. Itinuturing ni Aljur ang 2012 na isa sa pinakamagandang taon niya.

Nakadalawang pelikula siya ngayong taon—ang My Kontrabida Girl at ang 2012 Metro Manila Film Festival entry na Sosy Problems.

Naging matagumpay rin ang short run ng primetime series nila ni Kris Bernal na Coffee Prince, at pitong beses siyang nagpabalik-balik sa iba’t ibang bansa para sa GMA PinoyTV.

Higit sa lahat, maraming naging product endorsements at TV commercials si Aljur ngayong 2012.

Sabi ng Kapuso young actor, “Isa ito sa kinu-consider kong pinakamagandang taon sa akin.

"Kasi, maraming mga unang beses na nangyari sa akin…

“Nakakapag-ibang bansa na maraming unang beses ko lang napuntahan, tulad ng Europe tapos iba’t ibang part ng States.

"At commercials. Finally, yung mga pinapangarap ko lang na magkaroon ng billboard, lahat yun, dumating ngayong taon na ito.”



TRUSTED ENDORSER. Malaking bagay sa isang artista ang mapagkatiwalaan ng advertisers.

Sa dami ng mga artista, iilan lang ang nakakapag-endorso ng mga produkto mula sa malalaki at kilalang kumpanya.

Ano ang pakiramdam ni Aljur sa nakukuhang pagtitiwala sa kanya bilang endorser?

Sagot niya, “Siyempre, nakakataba ng puso at feeling ko, blessed ako—lalo na yung mga endorsements na nagre-renew.

“Yun ang masarap, yung nire-renew ka at, pagkatapos, ikaw ang mabigyan ng opportunity na mapagkatiwalaan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kapag pinagkatiwalaan ka nila, malaking responsibility yun.

“Ibig sabihin, alam nila sa sarili nila na kaya mong i-take ang responsibility.

“Yung bagay na yun para sa akin ang isa sa ikinatutuwa ko talaga.”

Ang endorsements ba ang maituturing niyang “best” na nangyari sa kanya sa 2012?

“Oo. Kasi, yun naman talaga ang pangako ko rin sa kanila.

“Bago ko pasukan, tinitingnan ko muna kung babagay siya sa lifestyle ko."

Dagdag pa ni Aljur, “At bukod dito, isa pa rin sa magandang nangyari ay nanalo si Vin [Abrenica, his younger brother] sa Artista Academy.”



“NOT SO GOOD.” Ano naman yung “not-so-good” na nangyari sa kanya ngayong 2012?

“May mga bagay lang na kailangan... ‘wag na nga, baka maungkat pa yun!” natawang sabi niya.

Napag-uusapan na may gagawin silang teleserye ni Sarah Lahbati. Kumusta naman iyon? Tuloy ba?

“Hindi ko pa nga po alam, may mga nagsasabi lang din po sa akin, pero hindi ko pa po alam,” tugon niya.



NEW YEAR. Meron bang New Year’s Resolutions si Aljur?

“Time management lang.

"Itong huling [bahagi ng] taon lang siguro na ‘to. Hindi naman sa nagpapabaya... nag-e-enjoy lang siguro.

"Kaya mas magiging responsible lang ako for 2013.

“Sa personal ko naman, mas matuto pa ako, magbabasa pa ako ng mga libro.

“May ibinigay rin sa akin ang handler ko, si Daryl Zamora, number one yun.”

Sa pagpasok ng 2013, may ire-release sa ilalim ng GMA Records ang kanyang second album.

Bukod dito, ano pa ang nilu-look forward niya sa pagpasok ng bagong taon?

“For my family, ma-fully-paid na namin ang bahay sana... agad-agad.

“Actually, gusto kong mabili ang bahay before the year end. Para sana sa bagong taon, lilipat na lang kami.”

Siya lang ba ang solong bumili ng bahay?

“No, hindi po. Maghahati-hati po kami nila Daddy at ni Vin.”



PERSONAL GIFT. Tinanong ng PEP si Aljur na kung sakali at si Santa Claus siya, ano ang ireregalo niya sa kanyang sarili?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wow, hindi naman siguro masama kung konting luho lang—actually, hindi siya konting luho.

“Wala kasi akong luho for the past five years. Wala akong material na gamit na talagang sobrang binili ko… madalas, bigay.

“Kung magkaroon man, isang bagsakan, sasakyan—isang Dodge car ang gusto ko,” sabi niya.



TWITTER. Isa si Aljur sa mga artistang nagme-maintain ng sarili niyang Twitter account. Ano ang kahalagahan sa kanya ng makabagong technology para sa araw-araw na buhay?

“Siyempre, maraming advantage ‘yan at disadvantage.

“Siyempre, ang advantage niyan, napapadali ang daily life natin, communication sa trabaho, mas napapadali ang trabaho.

“Pero ang disadvantage naman diyan, maraming nahuhuli!” natatawang sabi niya.

Dugtong niya, “Minsan kasi, nawawalan na ng privacy ang isang tao.

“I-Google mo lang, nakikilala mo na siya. Nalalaman mo na ang background niya, nawawala na yung confidentiality.

“Ang tao kasi, masarap na nasasabi ang nararamdaman nila, nakakagaan ng feeling.

“Yun nga lang, dahil sa technology, alam na lahat—yun lang ang disadvantage.

“Tapos minsan, may lumalabas na hindi totoo. Kahit bali-balita, napagsisimulan ng problema.”

Sa bonding ng pamilya nila, nakakaapekto ba ang modern technology?

“Sa amin naman, kulang na lang ang technology.

“Kasi, kaming mga anak, may mga Twitter kami, may Viber, may Facebook.

“So, sila Mommy, wala. So, siguro yun ang kulang."

FIVE YEARS. Limang taon na si Aljur sa mundo ng showbiz, ano ang natutunan na niya sa mundong ginagalawan?

Tugon niya, “Bago mo pasukin ang isang bagay, siguraduhin mo na kaya mong i-handle.

“Kapag sobra na, tigil na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN