Ayen Munji-Laurel on rumors about Marian Rivera’s attitude: "Sa kanya siyempre, nama-magnifiy. Kasi siguro, she’s a big star kaya parang yung maliliit na bagay, minsan napapalaki."

Ipinaliwanag ni Ayen Munji-Laurel kung bakit nanatili siya sa showbiz sa kabila ng sinasabi ng iba na hindi na niya kailangang magtrabaho dahil mayaman naman daw siya. Sabi niya, “We all need to work and, at the same time, ang perks naman kasi you have... You’re working, you’re earning well, and then you’re treated well. So, I think, iyon yung what counts for me more and they value... Kung ano yung kakayahan mo bilang artista at nakikita ko naman


In an interview, sinabi ni Marian Rivera na peg niya si Ayen Munji-Laurel bilang Chantal sa Temptation Of Wife.

Si Ayen ay gumaganap na Yolanda sa primetime teleserye na ito ng GMA-7.

Pero nilinaw ni Ayen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magiging takbo ng istorya ng kanilang palabas.

Sabi niya, “Hindi... kasi anak ko yung gagayahin niya [Marian], e. So kami yung... we’re gonna be molding her.

“Si Michelle [Madrigal] yung gagayahin, ako yung mother ng gagayahin, parang ganoon.

“Ako ang magmu-mold sa kanya to be stylish, to be like my daughter.

"Kumbaga, parang siya yung ipapalit ko doon sa anak ko.”



MENTOR. Challenge ba sa kanya na maging mentor ni Marian sa istorya ng Temptation Of Wife?

“I think hindi naman ako mahihirapan. Kasi dito sa story, I believe in her lakas ng loob and ability.

“At saka makikita ko sa kanya yung willingness niya na magbago para maghiganti.

“So pareho kaming may purpose.

“Maliban sa gusto ko siyang maghiganti dun sa parehong taong sumakit sa aming dalawa, parang may vested interest din on my part na, at the same time, you know, gumaganti rin ako doon sa yung role ni Raymond Bagatsing.

“So parang hitting two birds with one stone, kumbaga.”

Bago sa Temptation of Wife, nagkasama na sina Ayen at Marian sa epicserye ng GMA-7 na Amaya. May nakita ba siyang pagbabago kay Marian mula noon sa Amaya hanggang ngayon dito sa Temptation Of Wife?

Tugon ni Ayen, “Alam mo kasi, sa Amaya, naging magkakaibigan talaga kami, ang tagal naming nagkasama doon.

“And we keep in touch, kahit noong tapos na ang Amaya.

“Ilan sa amin ang nagkikita-kita pa hanggang ngayon—keeping in touch, texting, ganyan-ganyan.

“Ang nagbago sa kanya kasi, she’s ano, e, pag nakuha mo ang ugali niya at pag nagkasundo naman kayo, tuluy-tuloy yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, she’s very thoughtful, maalaga rin siya sa kaeksena niya, which I experienced so many times.

“Hindi siya yung tipong madamot.

“Kumbaga, if you need time to concentrate on whatever you have to, nandoon siya—she’s there to support you.

“Tapos ano naman, mas relaxed kami ngayon.

“Siguro kasi, mas alam na namin yung habits namin as actors, mas kabisado na rin yung timing, which really helps.”



JUST MAGNIFIED. Naniniwala ba siya sa mga intriga na kesyo suplada at maldita raw si Marian?

“Alam mo, nakakatawa kasi.

“I think, alam naman ni Marian na yung ugali niyang... kung ano yung sinasabi ng tao sa kanya, minsan eksaherasyon na.

“Or kung meron mang truth doon, o kahit siguro ako...

“Minsan sa trabaho natin, may times na umiinit din ang ulo mo, may times na napapagod ka din.

“Sa kanya siyempre, nama-magnifiy. Kasi siguro, she’s a big star kaya parang yung maliliit na bagay, minsan napapalaki.

“Sa totoo naman, marami ding ganoon sa showbiz na hindi lang napapansin dahil hindi naman kasing laki as a star ni Marian.

“But when it comes to moods, hindi ko pa nae-experience yun kahit sa Amaya.

“Siguro there was a time na may na-late na artista, kasi nandoon ako, e, isa ako sa mga naghintay kasi late siya, so nakakalokang hintayan.

“Si Marian, always on time ‘yan sa set, so yung ganoon.

“Pero nothing really abnormal in my experience, na nag-inarte lang siya... walang ganoon.”



AT HOME. Ayon sa opinyon ng marami, mayaman na si Ayen pero nag-aartista pa rin siya, bakit?

“Siguro, bago naman kasi ang lahat, ito talaga yung buhay ko... nasa teatro ako, e.

“Iyon din yung kurso ko noong college ako, so ito talaga yung buhay ko.

“Iyon yung na-miss ko, e, noong wala ako sa Philippines.

“Kumbaga, binabalikan ko ngayon and I’m really having a good time and thankful, kasi GMA has been giving me good roles since Amaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After Amaya, I did Hiram Na Puso, tapos itong Temptation of Wife—all really meaty roles so I’m really thankful.

“And I guess naman kasi, kahit sabihin mong... they always say, ‘Naku, hindi mo na kailangan magtrabaho.’

“But it’s not really the truth. We all need to work and, at the same time, ang perks naman kasi you have...

"You’re working, you’re earning well, and then you’re treated well.

“So, I think, iyon yung what counts for me more and they value...

“Kung ano yung kakayahan mo bilang artista at nakikita ko naman yun.

“Kasi dati, nahihirapan akong mag-take off because people think na, ‘Naku you don’t need to work!’

“But then I guess, I was able to prove something naman noong nag-Amaya ako and then yung tuluy-tuloy yung trabaho. Ganoon.”



CHRISTMAS WISH. Nitong Pasko, maganda ang Christmas wish ni Ayen.

“Actually, medyo I feel bad about what happened doon sa Connecticut [shooting]...

“Kasi siyempre, I’m a mom, so parang lately parang hinihintay kong makaramdam ng feeling ng Pasko.

“Probably because I’ve been working... non-stop ako since last year, two years ago.

“Tuluy-tuloy yung trabaho, so parang this season, naghahanap ako na ma-feel ko naman yung talagang Pasko.

“Medyo na-sad ako with what happened, so parang lalong hindi ko na alam.

“Siguro, the wish that I could just wish for is talagang mawala na yung ganoon, especially yung mga senseless killings.

“It may sound medyo corny, but I really mean that—yung peace sa lahat sa buong mundo.

“Kasi kahit na sabihin mong yung material things abound, like people give each other gifts, hindi... for me, hindi iyon yung importante, e.

“It’s really the love that you give to each other... to one another.”



HUBBY FRANCO LAUREL. Napag-usapan naman ang tungkol sa kanila ng mister niyang si Franco Laurel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ayen, “We are going to be twelve years [married] in March.”

Ano ang sikreto ng matagal nilang pagsasama?

“Naku, I guess it’s a decision to really stay married!” sabay-tawa ni Ayen.

“It’s something that you really work on, hindi siya yung tipong papabayaan mo lang...

“Na you’re sitting around and you know you’re not doing anything.

“You have to really work on it—it’s hard work.”

Apekto ba siya sa mga intrigang hiwalay na sila?

Tumawa muna si Ayen bago sinabing, “Hindi.”

Saan ba nanggagaling ang mga ganoong isyu?

“Hindi ko alam. Kasi siguro hindi kami nakikita ng laging magkasama... probably.

“But we’re okay and kung meron mang problema sa marriage, hindi naman umaabot sa naghiwalay kami, or you know...

“It’s natural na, kahit nga minsan, twenty-five years na, nag-a-adjust pa sa isa’t isa, e.

“So you know, hindi namin alam where it came from.

“Usually naman pag ganoon, they just wanted to talk about it.

“Probably because hiwalay kami ng career—he’s doing something else, I’m doing something else.”



CAREER AND FAMILY. Base sa Temptation of Wife, naitanong kay Ayen na kung sakaling ma-tempt sa ibang babae si Franco, magpapaka-martir ba siya tulad ni Angeline na karakter ni Marian sa serye?

“Hindi! Di ba?” mabilis na sagot at sabay-tawa ni Ayen.

“Hindi. Hindi na... huwag na. Kasi, pag na-break na yung trust, di ba? Ang hirap, e.

“I don’t know how some women can take that.

“I guess some women can really take that, but yung talagang betrayal of trust, parang ang hirap yata.

“I don’t know, probably not. Parang mahirap yatang magpatuloy sa relationship...

“Na all positive ka when you know na nagloloko yung asawa mo—it’s gonna be hard.”

Hihiwalayan ba niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung... probabably, di ba? Pag nalaman mo, iyon kaagad yung reaksiyon mo, e.

“Pero, hindi malabo na mangyari yung ganoon.”

Nasa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa na serye si Franco.

“I’m happy for him. Nagpa-Paroa siya, pero lately, parang he’s semi-regular doon.”

Sa kaso naman ni Ayen ay nakakontrata siya sa GMA Artist Center ng three years.

AYEN’S NEW YEAR’S RESOLUTION. “Naku, ang dami kong... I don’t believe really in resolutions.

“Probably I just wanna be focused on what I really wanna achieve, not just with what I’m doing in GMA but other stuff siguro.

“Kasi marami na akong hindi natuloy na plano. Like I wanna enroll sa culinary kahit na short courses kasi I love to cook.

“I hope I can do that, you know, and then probably be more...

“Sa career naman, I wanna do comedy kasi puro drama na yung ginagawa ko.

“Tuluy-tuloy na ako ng drama so I wanna try something light naman.

“Sa family naman, siyempre graduating yung son ko, so I have to...

“My son is graduating from high school, so magka-college siya, so I really wanna be there for him when he enters college.”

Mag-aartista rin ba ang mga anak niya?

“Hindi yung son ko, parang malabo,” pangunguna niya.

“Yung dalawang babae may hilig, pero I told them na magtapos muna para, you know…”

Si Mariella, who is turning 22 this January, ang panganay na anak ni Ayen.

Second is Hasan, 17, graduating sa high school, at ang bunso is Angia, who is ten years old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN