Senator Jinggoy Estrada’s children join showbiz and politics

Bagamat sa 2016 pa ang presidential elections, ngayon pa lang ay lumulutang na ang pangalan ni Senator Jinggoy Estrada na tatakbo raw bilang Vice President. Sabi ni Jinggoy tungkol dito, “It depends… survey, kung sino yung running-mate. Depende rin sa reaksiyon ng taong bayan. We’ll just cross the bridge when we get there. Aga pa, e… marami pang mangyayari diyan.”


Pumalaot na rin sa mundo ng showbiz at pulitika ang mga anak nina Senator Jinggoy Estrada at Precy Vitug.

Ang dalawang anak nilang lalaki na sina Julian at Jolo ay pawang nasa pangangalaga na ng Star Magic, ang talent agency division ng ABS-CBN.

Samantala, ang panganay nilang anak na babae na si Janela ay tatakbong konsehal sa San Juan City sa 2013 elections.

Bago lumipad ang mag-anak na Estrada papuntang Japan para magbakasyon ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Jinggoy noong December 22, sa Annabel’s restaurant sa Quezon City.

Nagpahayag si Senator Jinggoy ng kanyang pagsang-ayon sa pag-aartista ng kanyang mga anak at ang pagpasok sa pulitika ng isa pa.

Sabi ng actor turned politician, “Nagpaalam naman sila sa akin.

“Hindi ko naman masabi sa kanila yung mga pinagsasabi ng tatay ko noong nagpaalam ako sa kanila.”

Ano ba ang sinabi sa kanya noon ni dating Presidente Joseph Estrada?

“’Bakit ka mag-aartista? E, hindi ka naman kasing-gandang lalaki ko?’

“Hindi ko masabi sa mga anak ko kasi mas guwapo sila sa akin!” halakhak niya.



SHOWBIZ CHILDREN. Nagkausap naman daw sila ng Star Magic head na si Johnny Manahan tungkol sa pagpasok ng mga anak niya sa ABS-CBN.

Ikinagulat ni Senator Jinggoy ang pagkakaroon ng kanya-kanyang manager ng mga anak niyang lalaki.

“Hindi ko nga alam na merong road-road manager na ngayon, e. Hindi naman uso noon sa amin ‘yang mga road-road manager.

“Hindi ko naman naabutan ‘yang mga ganyan, e,” nangingiting pahayag ng actor-politician.

Malakas daw ang appeal ni Julian, bagay na sinang-ayunan naman ni Senator Jinggoy.

Payag ba siyang manligaw agad ang mga anak niya?

“Oo, mukhang pilyo—mukhang may pinagmanahan,” biro niyang sambit.

Sa kanya ba nagmana si Julian?

“Hindi!” mabilis niyang tugon.

Sa Lolo Erap daw nila nagmana ang mga anak.

“Parehong kaliweteng magsulat… nagmana sa tatay ko,” deskripsyon pa ni Senator Jinggoy sa mga anak na lalaki

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumonsulta naman daw muna sa kanya ang misis niyang si Precy sa pagpasok ng mga anak nila sa showbiz.

Ayon kay Jinggoy, “Tinatanong niya ako kung ano ang desisyon ko. Of course, hindi naman puwedeng siya lang ang mag-decide.

“Makikita ko na lang sa TV ang anak ko nang hindi ko nalalaman?

“Nag-usap kami kung papayagan ba. Siyempre, we have to look at the consequences.

“Saka pinaka-ayoko talaga yung hindi makakapagtapos ng pag-aaral, e.”



PUBLIC SERVICE. Pagdating naman sa anak niyang babae na si Janela, may usapan na raw sila kaya siya pumayag na mag-pulitika ito.

“May usapan kami na once na meron siyang failing grades, tigil,” sabi ng senador.

Ipinagdidiinan ni Jinggoy na ang panganay niya ang nagkusang-loob na pumasok sa pulitika.

“Siya ang may gusto.

“Nakikita ko naman doon sa bata na talagang masigasig siya.

“Kahit yung mga mahihirap, noon pa lang binibigyan niya ng pagkain.”

Makakaya kaya ng anak niya ang mga intriga sa pulitika?

“Pinasok niya ‘yan, e, kayanin niya,” tugon ni Jinggoy.

Ano ang advice na ibinibigay niya sa anak ngayong sasabak na ito sa public service?

“Siyempre, mas malupit ang intriga sa pulitika kaysa sa showbiz.

“Ang showbiz, after one and three, wala na ‘yan, e.

“Mamamatay na lang kusa ‘yan. Pero dito [politics], it will stick.

“Sabi ko, ‘You just ignore intrigues, lalo na bago ka diyan, maraming maiinggit sa iyo dahil anak kita. Lolo mo dating Presidente, maraming maiinggit sa iyo.

“’Ngumiti-ngiti ka lang sa lahat ng tao. But you have to be sincere and determined.’”



ERAP’S CONSENT. Si Jolo ay second year college sa Ateneo, at si Julian ay second year high school sa OB Montessori.

Samantalang si Janela ay nagtapos ng Political Science sa La Salle.

May blessing ba ni President Erap ang pagtakbo ni Janela bilang konsehal sa second district ng San Juan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo. Actually, natuwa nga ako. Tinawagan ng lolo niya yung anak ko... isinasama siya, sinundo siya.

“Magkasama sila sa Christmas party ng San Juan. Ako, hindi ako niyaya e,” pabirong sabi ni Senator Jinggoy.

Ibig bang sabihin nito ay suportado ni Erap ang pagpu-pulitika ni Janela?

“Oo naman. In fact, he was the one who convinced her and of course ako to join the ticket-party of JV,” banggit niya sa half-brother niyang si JV Ejercito.

Ano ba ang nakita ni President Erap sa potential ni Janela na maglingkod sa bayan?

“No, it was the initiative of Janela. She asked permission from me.

“Sabi ko, ‘Sige, paalam ka sa Lolo mo.’ Um-okay naman siya.”



SALING-PUSA. Sa parte ni Senator Jinggoy, kinumbinsi ba siya noon ni dating Presidente Erap na tumakbo sa pulitika?

“I was just a saling-pusa. No, I was never groomed.

“I wanted to enter politics at the age of 23. I was starting to go to the fiestas, mga patay-patay.

“And then I had a misunderstanding with the current mayor and then my dad told me na, ‘O, huwag ka nang pumasok diyan, mag-negosyo ka na lang.’

"Medyo nagtampo ako.

“Finally, wala silang makuhang kandidato.

"Ang puntirya ko lang talaga, vice-mayor.

“Ang daddy ko, kinukuha si Gabby Concepcion for vice mayor din. May ka-running mate na siya.

“Gabby wanted to run for mayor. So, wala silang kandidatong vice.

“So, napilitan silang kunin uli ako!” sabay tawa ni Jinggoy.

Patuloy niya, “Look at the path of my political career...

“E, di saling-pusa ako, wala silang makuhang kandidato. Ayaw ni Gabby na tumakbong vice.

“Ang nanalo, yung running-mate ko as mayor, si [Braulio] Sto. Domingo.

"Kaya nga nagpapasalamat ako kay Gabby, e.”



POLITICAL CAREER. Taong 1987 nagsimulang sumabak sa pulitika si Jinggoy. Noong mga panahong iyon ay isa nang senador ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Jinggoy, “So, yun, naging vice mayor na ako and after one term, naging mayor na ako etc, etc.

“So, eto na. Noong nakulong ako, lumabas ako ng 2003, 2004 elections."

Nakulong si Jinggoy dahil sa plunder sanhi ng pagkakadawit ng pangalan niya sa jueteng case sa San Juan, kasabay ng Impeachment case ng kanyang ama na si dating President Erap Estrada.

Patuloy niya, “Ako, wala naman akong inkling na sasabak ako sa eleksyon ng 2004.

“Kasi siyempre, ang sama-sama ng impression sa akin dahil nakulong ako.

“Ang feeling ko, baka hindi ako manalo, dahil after demonizing us, after plunder tsu-tsu, I think that’s not the right time.

“But when I went out, went all over the country, iba yung response.

“Umiiyak sa akin yung tao dahil sa nangyari sa amin—sa tatay ko lalung-lalo.

“So, nagkaroon ng survey, medyo pumapasok-pasok ako sa eight, seven... ganoon.

“So, we decided… my dad, although in detention, ‘Sige, sige, takbo ka ng senador under kay FPJ.’

“Nung magpa-filing na [candidacy], noong last day of filing, naglabas yung camp ni FPJ ng senatorial candidates, wala yung pangalan ko. Wala!

“So, talagang super-depressed ako noon.

“So, last day ng filing, that was January 5, I remember very vividly.

“Noong January 5, dalawa yung Certificate of Candidacy ko—isang senador, isang congressman sa San Juan.

“Kakalabanin ko na si Ronnie Zamora. Kasi si JV at that time was already a mayor.

“Actually, gusto ko lang talaga bumalik sa San Juan sa pagka-mayor.

“So, senador at congressman yung certificate ko.

“Kinaumagahan, magpa-file na ako, e. Congress… bahala na, kakalabanin ko si Zamora.

“But I received a call from Senator [Tito] Sotto. ‘O, Jinggoy, kailangan kang kausapin ng ninong mo.’

"’Po? Saan?’

"’Dito sa bahay.’

“But prior to his call, tumawag na sa akin ang daddy ko. ‘O, natanggap ka na kay Ninong mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, alam ko na. Alam ko na kung ano’ng sasabihin sa akin ni FPJ.

“Ipinaliwanag niya kung bakit ako. Pero siyempre, feeling ko may nagsabotahe sa akin.

“So, ibig sabihin, saling-pusa pa rin ako. I considered myself as such dahil kumpleto na yung lineup ni FPJ.

“Kasi, nag-withdraw si John Osmeña at saka si Miriam [Defensor-Santiago], lumipat sa kabila.

“So, nawalan sila ng ibang kandidato.

“Sa ticket namin, ang mga nanalo, si [Juan Ponce] Enrile, si Jamby [Madrigal]… six-six yun, e.”



POLITICS VS. SHOWBIZ. Ibig sabihin, hindi niya talaga interes ang pag-aartista noon dahil sa pagnanais nitong maging public servant?

Sagot ni Jinggoy, “Sa ngayon, oo. Hindi ko muna interes.

"Actually, ang gusto ko lang noon, mag-artista.

“Kaya lang siyempre, hindi ko naman ma-achieve yung na-achieve ng tatay ko sa pelikula, e.

“I’m not a superstar. I’m not a certified box-office star.

“So, I might as well shift. E, kahit paano, pag-shift ko, nagbunga naman.”

Ngayong nagsisimula nang bumaba sa mga tao para magpakilala si Janela, nakikita ni Jinggoy kung paano ito pinakikisamahan at nakikisalamuha sa mga tao.

Isa na rito ang pagtanggap sa mga tagay-tagay sa kanto kung saan nagkasakit nga raw si Janela dahil dito.

Paliwanag ni Senator Jinggoy, “Ganoon talaga. Pagdadaanan niya yung mga ganoon.

“Pero ako, ipinapasa ko sa vice mayor ko, hindi ako umiinom. Yung vice ko, umiinom.”

May plano ba siyang tumakbo bilang Vice President o Presidente ng bansa sa 2016?

“Hindi ko alam… hindi ko talaga alam,” maagap na sagot si Senator Jinggoy.

Ano ba ang kinu-consider niya para mapatakbo siya sa alinmang posisyon?

“It depends… survey, kung sino yung running-mate. Depende rin sa reaksiyon ng taong bayan.

“We’ll just cross the bridge when we get there.

"Aga pa, e… marami pang mangyayari diyan.”



ACCOMPLISHMENTS. Siyam na taon nang nanunungkulan bilang senador si Jinggoy at marami na siyang naipasang bill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Detalye niya, “Well, I’ve already passed six bills of national significance, ha?

“Kasi merong mga iba na hindi naman national significance.

“It’s all labor-related and yung mga bills na I was the principal author, marami nang naipasa.

“Yung famous, landmark bill, yung Kasambahay. I passed that during the 13th, 14th,and 15thcongress sa Senate.

“And it has been languishing in the House of Representatives for 18 years.”

BACK TO MOVIES. Samantala, nananatiling nakalutang sa hangin ang posibilidad ng muling paggawa ni Jinggoy ng pelikula.

Ang huli niyang ginawang pelikula ay ang Magkaibigan noong 2008.

Noong nakaraang taon, kinunsidera niyang muling gumawa ng pelikula at ang iniisip niyang kuning leading lady ay si Ai-Ai delas Alas o si Eugene Domingo, pero hindi ito natuloy.

Sabi niya, “Wala, pati ako busy na, e. Kasi may impeachment trial.

“After that, marami pang nangyari kaya hindi na ako natuloy.

"Saka bumibisita ako sa mga probinsiya… wala nang oras.

“Inuulit ko, hindi ako kandidato ngayon.

“Hindi lang naman panahon ng eleksyon kaya dumadaan ako sa mga probinsiya.

“Yung mga nasasalanta ng bagyo, pinupuntahan ko lahat ng mga yun kahit hindi panahon ng eleksyon.



STEM CELL THERAPY. Kapansin-pansin na mas maaliwalas ang mukha ngayon ng magpi-fifty years old na senador, kaya pinagsususpetsahan na sumailalim na rin ito sa sikat na “stem cell therapy.” Pero itinanggi niya ito.

“I was about to... two months ago. Ayaw ni Precy.

“E, marami raw side effects, sabi niya.

"Sa daddy ko, wala naman. Sa mommy ko rin.

“Mukha raw akong thirty-nine,” nangingiting sabi ni Jinggoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN