Director Tikoy Aguiluz cries foul over pullout of Thy Womb from theaters; calls on Noranians to attend MMFF Awards Night

Nanawagan ang direktor na si Tikoy Aguiluz sa mga tagahanga ng Superstar na si Nora Aunor na dumalo sa awards night ng 2012 Metro Manila Film Festival upang maibalik ang pelikulang Thy Womb sa mga sinehan.


Ang malungkot na balita na na-pullout ang Thy Womb sa ilang sinehan na pinagtatanghalan ng 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 25 ang nag-udyok sa award-winning film director na si Tikoy Aguiluz na manawagan sa mga tagahanga ni Nora Aunor na dumalo sa parangal ng MMFF na gaganapin ngayong gabi, December 27, sa Meralco Theater.

Ginamit ni Tikoy ang kanyang Facebook account sa paghikayat sa mga supporter ni Nora na okupahin ang Meralco Theater dahil hindi raw makatarungan na i-pull out sa mga sinehan ang Thy Womb.

Sa kasalukuyan ay nasa ikahuling puwesto ang Thy Womb sa walong pelikula na kalahok sa MMFF ngayong taon.

Ito ang kabuuang mensahe ni Direk Tikoy:

"Let us stop the cinemas from pulling out Thy Womb because of box office crap. This is a festival and the film deserves a full run. The box office should be irrelevant.

"The MMFF is our trade-off to the absence of the quota system. Let the MMFF show its balls and stop the theaters from pulling out Thy Womb. Do not like this [post]. Action tayong lahat!"

Naniniwala at umaasa si Tikoy na malaki ang maitutulong ng mga tagahanga ni Nora para maibalik sa mga sinehan ang Thy Womb sa pamamagitan ng pagdalo nila sa awards night ng MMFF.

"Mga Noranians, angkinin ang Meralco Theater ngayong gabi. Hakutin lahat ng MMFF Awards at ibalik ang Sinapupunan sa mga sinehan! Calling all Noranians, occupy Meralco Theater tonight!"

Maingay ang balita na malaki ang tsansa ni Nora na manalo na best actress ng 38th Metro Manila Film Festival dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Thy Womb, na umani rin ng karangalan sa ibang bansa.

Si Nora ang itinanghal na best actress at napanalunan naman ng Thy Womb director na si Dante Mendoza ang best director trophy sa 6th Asia Pacific Screen Awards na ginanap noong November 23 sa Brisbane, Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN