Lovi Poe wants to focus on drama and comedy next year: “Quota na ako sa paggawa ng horror films—tama na iyon.”

“I’ve been getting many sleepless nights. Sometimes napapanaginipan ko yung mga scenes na ginawa ko. Hindi na ako makatulog nang maayos,” ang kuwento ni Lovi Poe tungkol sa epekto ng horror films na ginagawa niya.


Sa pagpasok ng 2013, hindi na muna gagawa ng horror film ang tinaguriang “Horror Princess” na si Lovi Poe.

Ayon sa Kapuso actress, dahil sunud-sunod ang mga horror films na ginawa niya nitong 2012, mas gusto niyang mag-concentrate naman sa drama o comedy.

Nitong taon, ginawa nga ni Lovi ang Guni-Guni, Tiktik: The Aswang Chronicles, at ang Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion.

“It’s a good thing na meron akong Thy Womb with Ms. Nora Aunor this year sa MMFF—para mabalanse naman.

“Sabi nga nila, quota na ako sa paggawa ng horror films—tama na iyon.

“Mahirap din ang lumabas sa mga ganoong movies.

“Akala lang nila madali, pero physically and mentally, mahirap siya.

“Kaya after nitong SRR 14, ayoko na munang gumawa ng horror film.

“Siguro gagawa muna ako ng ibang movies, huwag lang horror.

“Right now, tinatapos namin ang The Bride and The Lover with Jennylyn Mercado and Paulo Avelino... It’s a drama-comedy naman.

“I also have Lihis with Jake Cuenca and Baron Geisler... Drama naman iyon.

“Kaya walang horror film sa line-up ko so far in 2013,” ang pahayag ni Lovi sa mga plano nila ng manager niyang si Leo Dominguez.

Nakapanayam si Lovi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kamakailan.



SLEEPLESS NIGHTS. Dahil sa paggawa niya ng magkakasunod na horror films, hindi raw siya nakakatulog nang maayos.

Hindi raw niya kasi maialis sa kanyang pag-iisip ang mga eksenang ginawa niya kaya minsan ay nagigising siya bigla.

Kuwento niya, “I’ve been getting many sleepless nights.

“Sometimes, napapanaginipan ko yung mga scenes na ginawa ko. Hindi na ako makatulog nang maayos.

“Especially when we did SRR 14, sobra kung makagawa ng mga nakakatakot na eksena si Direk Chito Roño.

“Tapos may mga monsters pa. Mabuti na lang, hindi pa ako binabangungot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang talaga ako makatulog nang tama, unlike noon when I wasn’t doing horror films.

“I guess nga, mentally, hindi ko pa kayang i-shut out yung mga ginawa kong mga nakakatakot na eksena.

“Sabi nga ng iba, I have to keep myself busy with other things para ma-overcome ko yung mga iyon.

“Pero nasabi ko nga na next year, wala munang horror films akong gagawin. Pahinga na muna ako.

“Comedy or drama naman para iba. Para kapag natulog ako, masaya!” tawa pa ni Lovi.


RATINGS. Patuloy pa rin ang papagandang ratings ng kanyang afternoon series na Yesterday’s Bride.

At asahan rin daw na marami pang magagandang eksena ang mapapanood ng kanilang mga tagasubaybay.

“I am so happy with what’s happening sa Yesterday’s Bride,” pagmamalaki ni Lovi.

“It’s getting great feedbacks and maganda ang ratings namin.

“Every time we get the good news, lalo kaming sinisipag na magtrabaho sa set.

“Even if inuumaga kami, we really don’t mind.

“Kasi nga alam namin na maganda ang mga eksena na kinukunan ng director naming si Gil Tejada.

“Direk Gil makes sure that all our scenes are very memorable. We are so blessed to have him as our director,” diin pa ni Lovi.


MENTOR. Yesterday’s Bride ang reunion na rin ni Lovi at ni Direk Gil matapos unang maidirek ang aktres sa primetime series na Bakekang in 2006.

Sinabi noon ni Direk Gil na makikilala si Lovi not because anak siya ni Fernando Poe, Jr., but because mahusay siyang aktres.

Pag-alaala ni Lovi, “I remember six years ago, kabadung-kabado ako kasi first drama series ko ang Bakekang.

“Tapos yung role ko bilang si Kristal. I will be acting with Sunshine Dizon and Yasmien Kurdi, who plays my twin na si Charming.

“I was really nervous but Direk Gil was so nice and so supportive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He just told me to not overthink everything and I will be fine.

“Kung ano ang kaya kong ibigay, yun ang i-improve ko.

“I was awkward sa first taping days namin of Bakekang.

“But because of the generous support na ’binigay sa akin ni Direk Gil and the whole staff and cast ng show, I was able to do what my role requires.

“Kaya six years after, ngayon lang ulit kami nagkasama ni Direk Gil.

"I thanked him for all the good things na ’tinuro niya sa akin— I owe him a lot for what I have become today.

“That’s why Yesterday’s Bride is a very special project for me.

“It’s all the things that I have learned and went through in the past six years.

“Yung mga hindi ko makakalimutang aral from the people who cared for me when I was just starting,” pagtatapos ni Lovi Poe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN