Chynna Ortaleza wants to do "mabait role" next year: “Kahit hindi bida, kahit support role, pero mabait naman siya this time.”

Hindi pa nagkakaroon ng lead role si Chynna Ortaleza simula noong buwagin ang loveteam nila ni Richard Gutierrez sa Click para ipareha ang aktor kay Angel Locsin. Pero gusto niya raw itong subukan: “Hindi dahil gusto kong maging bida, kung hindi gusto ko lang din maipakita ulit na kaya kong gumanap ng mabait na role.”


Nagpa-pocket presscon ang GMA Artist Center kasama si Chynna Ortaleza at iba pang talents ilang araw bago sumapit ang Kapaskuhan, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Mas maganda raw para kay Chynna ang taong ito.

Sabi niya, “Compared to 2011, 2012 is a much better year in terms of yung project… stuff like that.

“At least, nakagawa ako ng dalawang shows sa GMA, at okay naman yung roles na binigay nila—si Divine ng Luna Blanca, tapos na-extend pa kami ng another book; then, yung sa Sana Ay Ikaw Na Nga na kahit short-lived, ang laki-laki kasi ng role ng Olga.

“Nagugulat ako na kahit na tatlong linggo pa lang nila akong napanood sa show, kahit saan ako magpunta, nag-Regional kami, ang tawag sa akin ng tao, Olga.

“Ang lakas ng recall niya. Nakakatuwa."

Hindi rin siya nabakante sa pelikula.

“Nagka-indie pa ako, tatlo. Naipalabas na ang Migrante. Then, ipapalabas next year ang Menor-de-Edad at Basement.

“At least, ang dami kong ginawa. Hindi yung napu-frustrate ako na wala akong ginagawa.”


WORKSHOP TRAINOR. Proud din si Chynna dahil pagkaka-graduate niya sa workshop ng GMAAC, inatasan siyang maging trainor at co-facilitator sa ibang batch ng GMAAC stars.

Kuwento niya, “So, yun ang ginagawa ko late last year. Nagko-co-faciliate ako ng mga estudyante ng pangalawang batch.

“So, masaya yung feeling ko, parang meron akong say behind the scene, which is, yung goal ko pagtanda ko, sana, may role ako behind-the-scene.”

Sa pagiging co-facilitator niya ng acting workshop, aware ba siya na may ilang comments na nagsasabing hindi pa raw siya nananalo ng award sa pag-arte ay nagtuturo na siya.

Nakangiting sagot ni Chynna, “Yung teacher rin naman namin ng Eric Morris, hindi rin naman sila—wala rin naman silang…

“I mean, hindi naman kailangan ng award para makapagturo.

“At saka, hindi ko naman po hiningi yun. Kumbaga, ibinigay lang sa akin na i-try mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ako, basta may mga bagong opportunities, why not try and learn something new.

“So, siyempre, noong una, kinabahan ako.

“Siyempre, ganyan din ang thinking ko—do I have the right to teach?

“I’m not naman an excellent actress. I mean, I’m an actor that does good work but I’m not an excellent one.

“Feeling ko, marami pa akong puwedeng pagbutihan. So, bakit ako?

“E, nakita yata ng facilitator hindi yung fact na ‘Uy, si Chynna, magaling na artista ‘yan, ha?’ Hindi yun ang basehan.

“Ang basehan nila kung bakit nila ’ko tine-train is magaling daw po akong magturo.

“Hindi dahil magaling akong aktres.

“Pero, nakikita nilang may natural ability na mag-train ng estudyante.”


NEW TELESERYE. Sa pagpasok ng 2013, isa sa mga inaabangan ni Chynna ay ang pagiging part ng bagong teleserye.

“Ang working title niya, Ms. Snow White. Gusto ko talaga siyang matuloy kasi, bet ko yung role.

“Kaso hindi pa siyempre nag-i-storycon, hindi pa nagte-taping.

“Pero nabasa ko yung konting character sketch, marami siyang pagkatao kaya mae-exercise ko yung iba’t-ibang klase ng attack.”

Bukod pa rito, ipinapanalangin daw niya na mas marami pa raw “challenging role” na maibigay sa kanya.

“Sana, mas maraming meaty projects. Nag-start na, e, so sana tuloy-tuloy po.

“Hindi tulad noong dati na parang, ‘O, ‘eto na.’ Tapos, biglang binabagsak nila.

“Sana yung career plan nila, straight—diretso.

“Kunwari ngayon, nagme-main kontrabida ako sa TV, sana diretso, at sana meron din silang ibang plano pagdating sa movies at TV.

“Meron din silang maiso-showcase ko ang different characters na puwede kong ilabas.”


TYPECAST. Kuntento na ba siya sa kontrabida role?

“Kung mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng mabait na role... Marami rin kasi akong nakukuhang feedback na ‘Alam mo, kaya mo, kaya mo.’

“Hindi dahil gusto kong maging bida, kung hindi gusto ko lang din maipakita ulit na kaya kong gumanap ng mabait na role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ayokong matanggal sa character actress na mold. Kumbaga, yun ako, e.

“Para lang sana maipakita, tulad nina Ms. Jean [Garcia], Ms. Eula [Valdez] na nakakaganap din sila ng mababait.

“So, sana, mabigyan din ng pagkakataon.

“Kahit hindi bida, kahit support role, pero mabait naman siya this time.”


ACHIEVEMENTS. Thirteen years na siya bilang Kapuso at nanatili ang loyalty niya sa network.

Naisipan tuloy naming itanong kung sa palagay niya, sa loob ng 13 taon, meron pa siyang puwedeng gawin na hindi pa naibibigay o naipapagawa?

“Ay, oo, definitely. Marami pa silang puwedeng ipagawa sa akin kung bibigyan nila ako ng pagkakataon.

“Ano naman, ako confident akong magsabi na I do good works.

“Hindi lang acting per se or the product that goes out—it is the attitude and the professionalism that I put in my work. I’m very proud of that.”

Ang ilan sa mga contemporary ni Chynna ay sina Richard Gutierrez, Angel Locsin, at Karen delos Reyes.

Kung magbabalik-tanaw siya, masaya ba si Chynna sa mga na-achieve niya?

“Kung ikukumpara ninyo ako with Richard and Angel, siyempre, malaking difference kasi they are blessed with lead roles.

“But I, on the other hand, kesa bumitaw ako, I found a way to stay, which is the character roles that not everybody can do.

“Kumbaga, si Chard saka si Angel, talagang gumagawa sila ng mga lead.

“Ako naman, ang ibinigay sa akin na puwesto is that...na talagang hindi ko pa nagagawa at this point.

“Kaya kanya-kanya talagang puwesto.”


WEDDING PLANS. Mag-i-isang dekada na ang relasyon nila ng boyfriend na si Railey Valeroso.

Sinabi namin kay Chynna na tila naiinip na ang mga tao na makita silang magpakasal.

“Hindi pa, hindi pa talaga,” nakangiti naman niyang sabi.

“Pero, nag-uusap kami niyan, ang palagi lang naming pinag-uusapan, sana mabigyan pa natin ng apo ang parents natin kasi gusto kong ma-enjoy pa nila ang apo nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe that would come in two, three, four years.

“I’m not really sure—it depends—hindi mo masabi.

“Tingnan natin, darating ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN