MMFF REVIEW: El Presidente: The General Aguinaldo Story and the First Philippine Republic

El Presidente is producer Jeorge "ER" Estregan (in photo) and director Mark Meily’s own interpretation of Emilio Aguinaldo’s life story.


Hindi madaling gumawa ng pelikula o magsadula ng istorya ng mga totoong tao, lalo na yung mga galing sa mga aklat ng kasaysayan.

Ito ang makikita sa El Presidente: The General Emilio Aguinaldo Story and the First Philippine Republic.

Sa pagnanais na magmukhang tunay na bida ang karakter na nasa titulo, may ilang mga personalidad—na hinugot mula sa mga aklat ng kasaysayan at naisali sa pelikula—ang maaaring hindi nabigyang-katarungan o maaaring nailarawan pa nang mali.

At dahil dito, maaari ring mahamon ang pagbibigay-buhay sa pelikula ni direktor Mark Meily ng mga tauhan sa El Presidente.

Pero dapat bigyang-diin na ang El Presidente ay pelikula ng pangunahing aktor nito at isa sa mga namuhunan sa pelikula na si Laguna Governor Jeorge “ER” Estregan at ni Direk Mark, na siya ring writer nito.

Kaya’t kung paano nailarawan ang mga tauhan, kung paano tumakbo ang istorya ng rebolusyon sa Pilipinas, at kung paano nabuo ang sinasabing unang republika ng bansa ay base sa sariling pagkakaintindi ni ER at Mark sa kanilang nakuhang impormasyon.

Aminado rin naman ang pelikula sa credits nito na “inspired” ito ng librong isinulat mismo ni Emilio Aguinaldo—na valid din naman dahil tungkol kay Aguinaldo ang pelikula.

(CLICK HERE to read the complete review on PEP’s microsite on the Metro Manila Film Festival.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN