Kim Chiu on persistent rumors linking her to Xian Lim: “Open naman, dahan-dahan lang, isa-isa lang, huwag agad-agad pumasok."

Kim sums up the past year as: “A year of achievements, a year of slight struggles and a year of happiness. Siyempre, sana bigger opportunities for me, good health, and sana may dumating na di ko inaasahang darating.”


Consistent ang high ratings ng seryeng Ina Kapatid Anak ng ABS-CBN, kung saan patuloy itong inaabangan at sinusuportahan ng publiko.

Ang magandang takbo ng istorya at ang powerhouse cast ay ilan sa mga nakikitang rason kung bakit nabihag ng nasabing serye ang atensyon ng mga manoonod.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim nung nakaraang Linggo sa ASAP 2012, nagpahayag ng pasasalamat at kasiyahan ang aktres sa mainit na pagtanggap ng pinagbibidahang drama serye.

“Masaya siyempre, nakakatuwa saka nakaka-inspire lalung-lalo na pag sine-send sa amin yung ratings. Sinasabihan kami kung ano yung rating, ’Well, ano... number one tayo? Number one tayo?’ Wow!”

“Siyempre masaya saka ang sarap ng feeling na tinatanggap kami ng tao na ganun.

"Siyempre, this is a family drama so nakaka-relate ang mga Filipino,” saad ng dalaga.

Sa taas ng ratings na natanggap ng Ina Kapatid Anak, agad naming tinanong si Kim kung may pressure pa ba siyang nararamdaman lalo’t isa siya sa pinakabida sa itinatakbo ng istorya?

"Ngayon, mas marami kasi kami ngayon dito, mas marami akong kasama, hindi lang ako. Hindi tulad dati sa Binondo Girl, ako yun.

"Heto, ang dami namin, ang dami kong karamay, ang dami kong kasama at nagtutulungan kami sa set.

"Ngayon, para na kaming pamilya kasi mayroon akong nanay, mayroon akong tatay, may kapatid, may kaibigan, may bestfriend, may ganun,” dagdag ni Kim.

Kim-Xian, Maja-Enchong ang mga tambalang inaabangan sa Ina Kapatid Anak, pero ngayon ay kapansin-pansing nilalagyan din ng love angle ng teleserye sina Kim at Enchong at maging sina Xian at Maja.

Inamin naman ni Kim na marami na nga sa Kim-Xi fans ang nagpaparating ng kanilang reaksyon sa nangyayari.

“Kaming apat kasi, mini-mix-match mix-match.

"Mahaba pa ang tatakbuhin ng show, pero thank you kasi marami din ang nakakagusto yung sa amin ni Enchong, yung lihim na pagtingin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo sabi nga ni Direk Donn saka ni Direk Joy, tini-tweet na sila ng mga Kim-Xi, dumadalaw sa mga set...

"’Nasa’n na ba? Ang tagal-tagal na, dalawang buwan na kaming nanonood, wala pa ring development.’

"Siyempre, dahan-dahan yun at darating din tayo dun,” pahayag ni Kim sa kanilang fans.

Sinabi rin ng young actress na marami pang dapat abangan sa Ina Kapatid Anak sa mga darating na araw.

“Sobrang dami, lalo na itong weeks na darating. Ang daming revelations na akala nila ending na.

“Yun ang ibibigay namin sa kanila."

Sa kabila ng patuloy na pagkaka-link sa kanila ni Xian, wala pa ring inaaamin ang dalawa. Bukas kaya talaga sa panibagong relasyon si Kim?

“Open naman, dahan-dahan lang, isa-isa lang, huwag agad-agad pumasok.

"Alam ko matagal na, pero masaya naman ako sa ganito,” sagot ni Kim.

Ngayong patapos na ang 2012, sinabi ni Kim na naging maganda ang itinakbo ng taong ito para sa kanya at positibo rin siya sa pagpasok naman ng 2013.

“A year of achievements, a year of slight struggles and a year of happiness.

"Siyempre, sana bigger opportunities for me, good health, and sana may dumating na di ko inaasahang darating.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN