Aljur Abrenica on rumored breakup with Kylie Padilla: “Ayoko na lang magsabi, ayoko mag-confirm na lang. Gusto kong i-personal na lang.”

Ito ang pahayag ni Aljur Abrenica nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife: “Pagdating sa mga ganyan, ‘yan yung mga nagpapasaya sa mga buhay natin, e, nagpapakulay sa mga buhay natin—yung lovelife. Pero hindi pa rin natin siyempre bibitawan yung karera natin. Hindi naman natin ipagpapalit ‘yan sa kung ano yung naipundar natin [sa showbiz]. Ini-enjoy ko at nag-e-enjoy lang ako sa trabaho ko at buhay ko.”


Naging matagumpay ang Father and Sons The Repeat concert ng mag-amang Jojo, Aljur, at Vin Abrenica noong Sabado ng gabi, December 29, sa Zirkoh Tomas Morato.

Nauna na rito ang unang pagsabak ng tatlo sa entablado noong December 8, sa pareho ring venue.

Bago pa man sumalang sa stage si Aljur ay nakapanayam na siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang entertainment writer backstage.

Masaya niyang ibinalita na isang “big family gathering” ang nakaraan nilang pagdiriwang ng Pasko.

Kuwento ni Aljur, “Masaya, ini-spend namin, pati family namin.

“Tapos mga tito at tita namin mula sa iba’t ibang bansa, nagsiuwian sila sa Batangas… Isa siyang big family gathering.”

Paano naman niya ia-assess ang kanyang 2012?

“Ang masasabi ko lang sa 2012 ko, napakasuwerte ko po.

"Maraming dumating na suwerte sa amin, na nakarating po ako sa iba’t ibang bansa.

“Ito po yung taon na napakaraming endorsement na dumating.

"Ito rin yung taong nanalo si Vin [sa Artista Academy], at ito rin yung taon na nakasama namin ang tatay namin sa pagpe-perform.

“Pangarap na namin ito noon pa.”

Ang tatay nina Aljur at Vin na si Jojo ay bokalista ng bandang Alab, na nakabase ngayon sa local bars sa Batangas.

Dagdag pang blessing para kay Aljur sa taong 2012 ay ang malapit nang maisakatuparang pagbili nila ng bahay sa may Timog/Morato area sa Quezon City.

Sabi ng Kapuso young actor, “Inaasikaso ko pa rin ngayon yung tungkol sa bahay. Quezon City area.

“May dalawang bahay na kaming nakita, at pinagpipilian na lang namin ni Vin kung saan sa dalawa.

“Para sa pamilya namin talaga yun.”

CELEBRATING THE NEW YEAR. Saan naman kaya sila magdiriwang ng New Year ng kanyang pamilya?

Aniya, “Sa New Year, hiwa-hiwalay kami kasi meron akong countdown sa GMA at si Vin, may countdown sa TV5.

“Sina Mommy at Daddy, yung mga kapatid ko, inisip nila… naguguluhan sila kung sino ang pupuntahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sina-suggest ko na si Vin ang puntahan nila kasi yun yung first ni Vin, e.”

Ano naman kaya ang kanyang New Year’s Resolution?

Sagot ni Aljur, “Marami—time management, disiplina, and appreciate little things… lalo na yung mga blessings na dumadating sa akin.

“Disiplina, kasi dun ako nagkulang noong 2012.”

ALKRIS REUNION IN 2013? Pagdating naman sa mga teleserye, sinasabing pagkatapos ng Coffee Prince, kasama si Kris Bernal, ay sa iba munang leading lady ipapareha si Aljur.

Pero sa panayam ng PEP sa young actor ay nagsabi itong baka magbalik-tambalan silang muli ni Kris sa 2013.

Lahad niya, “Well, first, sabi sa akin, ako at si Sarah Labhati; kasi it’s Benjamin Alves and Kris naman daw.

“Ngayon, yung latest na narinig ko, ako na naman at si Kris ulit. Pero wala pang final.

“Pero kung meron na, sabihin ko sa inyo agad.”

Dagdag pa ni Aljur, parang ang tambalan nila ni Kris ay isang suwerte sa bawat isa sa kanila.

Aniya, “Yun nga yung ipinagpapasalamat ko kasi kahit na lumipas na ang panahon, talagang AlKris, may followers talaga, may following na hindi talaga sila bumibitaw.

“Siguro yun ang ipagmamalaki ko sa loveteam namin ni Kris—na kahit ano’ng mangyari, andiyan lang sila.

“Sobrang suwerte po namin ni Kris sa isa’t isa.

"Ako, sobrang suwerte ko sa kanya kasi half of my career, siya ang kasama ko.”



LOVELIFE IN 2013. Ano naman kaya ang maaasahan ng mga fans sa kanya sa 2013?

“Well, more lovelife.

“Hindi, joke lang!” biro niya.

Kumpirmado na ba ang balitang hiwalay na sila ng kanyang rumored girlfriend na si Kylie Padilla?

Sagot niya, “Break? Ni Kylie? Wala namang magbi-break kungdi naman kami.”

Pero sa showbiz ay parang tradisyon na ang pag-amin sa relasyon kapag naghiwalay na.

Ito rin ba ang kanilang sitwasyon?

Medyo natahimik muna ng ilang segundo si Aljur at saka sinabing, “Well, alam naman ng tao, e, di ba? Kaya nga maraming tao ang nagre-react, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba nga, hindi nga tumitigil?

“Gusto ko na lang gawing personal yung mga usapin na ganyan.

“Well, oo, kasi bawat tao naman meron tayong mga personal na bagay na kini-keep natin sa buhay natin.

“And yung mga espesyal na bagay, lalo pagdating sa lovelife, alam naman ng tao, e.

“Ayoko lang kasi manggaling sa akin yung word na ’oo.’

“What you see is what you get na lang.

“Ayoko na lang magsabi, ayoko mag-confirm na lang. Gusto kong i-personal na lang.”

So dahil sa rumors ng breakup, ang lovelife sa 2013 ay kanya ring muling pagsisikapan?

Sabi ni Aljur, “Inspirasyon lahat ‘yan, e.

“Pagdating sa mga ganyan, ‘yan yung mga nagpapasaya sa mga buhay natin, e, nagpapakulay sa mga buhay natin—yung lovelife.

“Pero hindi pa rin natin siyempre bibitawan yung karera natin.

“Hindi naman natin ipagpapalit ‘yan sa kung ano yung naipundar natin [sa showbiz].

“Ini-enjoy ko at nag-e-enjoy lang ako sa trabaho ko at buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN