Dingdong Dantes uses second MMFF Best Actor trophy as "driving fuel" to do better

Iba’t ibang genre ng pelikula ang ginagawa ngayon ni Dingdong Dantes. Sabi niya tungkol dito, “Siguro, I always wanna be on the edge when it comes to acting. Kumbaga, hindi po ako kampante sa isang genre na nakasanayan ko. Kumbaga, parang ito yung ginampanan ko ay first time ko ring ginawa. Yung last year, medyo first time, yung horror. I think that matters.”


Late man dumating si Dingdong Dantes sa Gabi ng Parangal ng 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 27, isang magandang balita pa rin ang bumungad sa Kapuso actor sa gate pa lang ng Meralco Theater.

Doon daw kasi niya nalamang siya ang itinanghal na Best Actor para sa pagganap niya sa One More Try.

Galing sa Tagaytay si Dingdong para sa taping ng GMA-7 primetime soap na Pahiram ng Isang Sandali, kung saan ang mga eksena nilang kinunan noong araw na yun ay nakatakdang ipalabas kinabukasan.

DARKHORSE DINGDONG? Bago pa man ang nakatakdang Gabi ng Parangal ay usap-usapan nang ang bida ng pelikulang El Presidente na si Laguna Governor ER Ejercito ang magiging winner sa Best Actor.

May lumutang din na maganda rin daw ang ipinakitang acting ni Vice Ganda para sa Sisterakas kaya posible rin daw na ito ang magwagi.

Hindi naging hayag o hindi masyadong pinag-usapan ang pangalan ni Dingdong para sa naturang kategorya.

Nagulat ba siya dahil hindi masyadong matunog ang pangalan niya sa Best Actor race?

Sagot ni Dingdong, “Okay lang, okay lang.

“Mas maganda yung ganun. Ako, mas gusto ko yung ganun.

“Kumbaga, triumph and victory, mas sweeter pag least expected, di ba?”

Horror ang kanyang entry last year sa MMFF, ang Segunda Mano. Ngayong taon naman ay heavy drama ang kanyang ginampanan sa One More Try.

Ibig bang sabihin nito ay gagawin niya ang kahit anong role sa kahit anong film genre, at hindi siya mag-i-stick sa iisang tema lamang?

Sagot ng award-winning actor, “Siguro, I always wanna be on the edge when it comes to acting.

“Kumbaga, hindi po ako kampante sa isang genre na nakasanayan ko.

“Kumbaga, parang ito yung ginampanan ko ay first time ko ring ginawa. Yung last year, medyo first time, yung horror.

“I think that matters.”

Paano makaka-inspire sa kanya ang bagong tagumpay na ito as an actor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Very much, that I think is the driving fuel para sa akin, para makagawa ako ng mga mas magandang bagay.”

Ano naman ang masasabi niya na muli na naman niyang tinalo si Governor ER?

Last year, napagwagian din ni Dingdong ang tropeyo ng Best Actor para sa Segunda Mano, kahit maugong ding pinag-usapan bago ang awards night na mapupunta ito kay Governor ER para sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Sabi ni Dingdong, “Ay, hindi po… the fact that we are all in this festival, we’re here for the purpose of entertaining people, regardless naman kung ano po ang mangyari.

"Ang importante ay makakapag-deliver ng magandang pelikula—which I did sa One More Try.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN