Benjamin Alves hopes to work with uncle Piolo Pascual but prefers working with GMA-7 artists first

Mukhang nagbunga na ang pagpupursigi ni Benjamin Alves sa showbiz dahil sa magagandang puna sa kanyang acting. Ang reaksyon niya tungkol dito: “Wow! That’s good, that’s humbling. Kasi, iyon po talaga ang… that’s what I came back for, that’s what I prayed for.”


Bukod sa pagiging magtiyuhin nina Benjamin Alves at Piolo Pascual, naging mag-sport buddies na rin sila.

Nagkuwento tungkol dito si Benjamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Recently I picked up biking, nagba-bike-riding kami ni Kuya PJ [Piolo].

“I also started running, I wanna start training for triathlon, to do races and I also picked up badminton so…

“Kasi ang problema ko po dati, when we have tapings, and then may mga... siguro may mga few days kaming walang taping, nakakapraning kasi wala po ako magawa.

“Kasi galing po akong Guam, e. Wala pa ako na circle of friends na puwede pong, ‘Uy, maglaro tayo ng badminton!’

“I used to play basketball with Enzo [Pineda] and those guys but everyone’s busy so hindi ko po sila ma-invite.

“So it’s nice na there’s a badminton court in front of my condo, so kahit akong mag-isa…

“So at least, I’m looking forward to having a little time off to develop those hobbies.”



BUDDIES. Saan sila nagba-biking ni Piolo?

“Sa Pampanga,” tugon ni Benjamin.

Silang dalawa lang?

“Yeah! Kasi yung ibang roads dito are bad, and it’s worth it—the trip to Pampanga.”

Nagba-biking daw sila kapag nakakaya ng schedules nila.

“As often as we can, kapag nagkakatugma lang ang schedule.”

Masaya si Benjamin na close sila ng Uncle Piolo niya.

“Yeah! You know, I’m fortunate to have someone in the business, someone that I trust and someone that I can go to for advise, too.”

Nag-uusap ba sila tungkol sa mga intriga sa showbiz at sa buhay nila?

“No, no,” diin ni Benjamin.



SHOWBIZ INTRIGUES. Ang recent issue kay Piolo ay ang tungkol kay Sharon Cuneta.

Matatandaang nagbanta si Sharon na magsasalita sa isyung breakup ng anak nitong si KC Concepcion at ni Piolo kung magpapatuloy ang cyberspace bashing sa Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw sumama ang loob ni Benjamin kay Sharon. Si Piolo ba kaya ay may sama ng loob kay Sharon?

“Nah, he doesn’t… wala sa nature namin po ang maging ganoon, e.

“Kasi, we already… I mean moreso for him. Kung ako po baguhan lang, hindi ako naaapektuhan.

“What more a veteran actor who’s, you know, used to the whole business?”

Nakakatulong daw si Piolo para hindi maging balat-sibuyas si Benjamin sa mga intriga.

“I know… I have this mindset now because I know, you know, like, I know, tutulungan niya po ako.

“So I have this mindset of a mature person because I have someone to go to for advice.

“I have someone to ask advice from… so iyon po.”



PROJECT WITH PIOLO. Inamin din ni Benjamin na kasama sa mga pangarap niya bilang artista ang magkaroon ng isang project na magkasama sila ni Piolo.

“That’d be nice, that’d be nice!” natutuwa niyang sabi.

“I don’t know if it will happen in the recent or in the near future pero… if it’s in God’s plan, that’d be nice… that would be interesting.

“Siguro po for me, I would like to be able work with whoever is in GMA first.

“Maybe like si Aljur [Abrenica], like me and Aljur, we were able to work together, like that.”

Nagkasama sila ni Aljur sa Coffee Prince.

“And then si Dennis Trillo... those are the people that I look up to also.

“So being able to work with these people would be nice.

“Same way as, you know, if I can get better in acting then… Yeah, I’d be ready… I’d be excited to work with Kuya PJ.

“Because the magnitude of the way he acts, nakaka-ano, e, overwhelming.

“So even me as a nephew would be overwhelmed, so….”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IMPROVED ACTING. Marami ang nagsasabing malaki ang improvement ni Benjamin sa acting kahit baguhan pa lang siya.

“Wow! That’s good, that’s humbling,” reaksiyon niya.

“Kasi, iyon po talaga ang… that’s what I came back for, that’s what I prayed for…

“To be able to showcase yung talent ko po and for people to look forward to my development because I’m looking forward to it as well.

“I’m excited, so it’s nice.

“Nakakatuwa kapag, you know, in Twitter, they’ve been really, really receptive and been really, really warm.

“Nakakatuwa—nakakataba ng puso!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN