StarStruck alumna Yasmien Kurdi is now a wife and a mother; Yasmien’s mom is against her marriage because of religion conflict

Isa nang maybahay at ina ang kauna-unahang StarStruck First Princess na si Yasmien Kurdi. Ikinasal si Yasmien sa flight attendant na si Rey Soldevilla Jr. noong January 25, 2012 at isinilang naman ang kanilang anak na si Ayesha Zara noong November 22, 2012.


Inamin ng kauna-unahang StarStruck First Princess na si Yasmien Kurdi na may asawa at anak na siya sa panayam sa kanya ng StarTalk TX na ipalalabas ngayong hapon, January 5.

Ang napangasawa ni Yasmien ay si Rey Soldevilla Jr., isang flight attendant.

Pagkatapos umamin ni Yasmien tungkol sa kanyang pag-aasawa ay naglabasan ang ilang intriga, kagaya ng conflict sa kanyang ina na si Miriam Kurdi na napabalitang tutol sa kanilang relasyon.



YASMIEN’S MOM IS AGAINST THE RELATIONSHIP. Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ng ina ni Yasmien sa pakikipagrelasyon kay Rey ay dahil sa magkaiba sila ng relihiyon.

Aktibong miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sina Yasmien, at hindi raw pala ito puwedeng magpakasal sa magkaibang relihiyon. Si Rey ay isang Katoliko.

Sa kabila ng pagtutol ng ina ni Yasmien, itinuloy ng aktres ang pakikipagrelasyon na umabot pa ng anim na taon.

Nagpakasal sila sa isang simpleng wedding ceremony noong January 25, 2012.

Nang tinanong ng StarTalk si Yasmien tungkol sa kanilang pagpapakasal, iniwasan niyang sagutin kung bakit wala ang kanyang ina.

“Nung time na yun, ang mom lang ni Rey ang nandun.

“Ang dad ko ang pumirma para sa akin na puwede akong magpakasal,” naaalangang kuwento ni Yasmien.

Dagdag niya, “Ang pagkakaalam ko, kapag under 25 ka dito sa Philippines, kailangan mo pa kahit pirma ng magulang.”

Nung ikinasal si Yasmien kay Rey ay 23 years old pa lang daw ang aktres, kaya kailangan niyang humingi ng basbas ng magulang.

Pero ang Lebanese father ni Yasmien na nasa Lebanon ang pumirma ng permiso na pinapayagan siyang magpakasal.

Ayon kay Yasmien, naintindihan naman niya ang nararamdaman ng kanyang ina kung hindi pa ito handa sa desisyon niyang pagpapakasal.

Saad niya, “Kasi kami naman ni Mama, meron kaming mga bagay na magkaiba lang talaga ang mga pananaw namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, lahat naman na magulang, ang gusto lang naman nila, ang hangad lang naman nila, ang best para sa anak nila.

“So, nirerespeto ko na lang yun.”

NO COMMUNICATION. Hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nagkakausap ng kanyang ina, at hindi pa nakikita ni Mommy Miriam ang kanyang apo.

Ayon kay Yasmien, “Yun nga. Di ba, lahat naman na magulang, ang gusto lang naman nila, na alam naman nila kung ano ang tama sa anak nila?

“So, I think magrespetuhan na lang talaga ng pananaw namin.

“Siyempre, love ko yung mom ko—super. Sobrang love ko siya.

“Ayoko siyang masaktan, pero… ayun,” napangiti na lang si Yasmien at hindi na niya tinapos ang kanyang sasabihin.

Medyo naging emotional na si Yasmien nang patuloy naming tinatanong ang tungkol sa kalagayan nilang mag-ina.

Nakiusap na siyang huwag na muna namin itong pag-usapan.

“Basta happy ako ngayon.

“Medyo complicated lang lahat, pero masaya ako with my baby.

“Matagal na rin kami [ni Rey], e, kaya gusto na naming magpakasal.

“Lalo na kung tama naman ang age mo. Hindi naman ako minor, nakapag-ipon naman ako.

“Sabihin na natin, ngayon ako nabuntis. E, in the future naman, mabubuntis din naman ako, e.

"So, anong big deal kung ngayon ako nabuntis?”

YASMIEN’S DAUGHTER. Ngayon ay naka-focus muna raw si Yasmien sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Isang malusog na baby girl ang isinilang ni Yasmien, via Caesarean section, noong November 22, 2012.

Pinangalanan nila itong Ayesha Zara, isang Hindu name na ang ibig sabihin ay “bright flower.”

Gusto raw ni Yasmien na normal delivery sana ang kanyang panganganak kaya hindi siya nag-epidural. Pero hindi raw talaga kinaya kaya nagpa-opera na siya.

Nakayanan naman daw niya ang pagle-labor. Ang nahirapan daw siya nang husto ay ang paglilihi.

Kuwento pa niya, “Masungit talaga ako nung buntis ako.

“Basta yung paglilihi na days, ang hirap talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kong kaaway, nakabato ako ng iPhone…

“Sobrang pinagtiyagaan talaga ako ni Rey.

“Yung labor, okay lang, e. Yung paglilihi talaga hindi ko makakalimutan.”

Hindi pa raw nila napapag-usapan ang binyag dahil sa isyu nga sa kanilang relihiyon.

Hindi pa rin daw nila naiisip kung sino ang kukunin nilang mga ninong at ninang.

Pero malamang daw na kukunin ni Yasmien ang mga dati niyang kasamahan sa StarStruck gaya nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, at Sheena Halili na unang nakaalam sa kanyang pagbubuntis.

Tatapusin din daw ni Yasmien ang kanyang pag-aaral kung saan nasa third year na siya sa kursong Nursing sa New Era College.

Pinag-iisipan din daw ni Yasmien ang bumalik sa pag-aartista. Pero depende pa raw iyon kung pumayat siya agad at kung kaya na niyang isabay ito sa pagiging nanay ng kanyang anak at pagiging asawa ni Rey.

Huling napanood si Yasmien sa epicserye ng GMA-7 na Amaya noong 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN