Alden Richards assures Jake Vargas: "Wala siyang dapat na ikabahala dahil si Bea ay para lang talaga sa kanya!"

Handa nang sumabak ang matipunong aktor sa kanyang papel para sa bagong GMA-7 telefantasya na Indio.


Maganda ang pasok ng 2013 para sa Kapuso young actor na si Alden Richards dahil may special role siya sa malaking primetime epicserye ng GMA-7 na Indio.

Gaganap si Alden bilang ang binatang Indio na si Malaya, na siya ring gagampanan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kauna-unahan nitong telefantasya sa GMA-7.

Bagama’t maikli lang daw ang appearance ni Alden sa Indio, nagpapasalamat pa rin siya dahil na-consider siya na makasama sa cast.

“It’s always an honor for me to be part of any project ng GMA-7.

“Alam ko naman na hindi gaano kahaba ang role ko sa Indio, but still, iba pa rin na nakasama ka sa napakalaking project na ito.

“Kaya noong mag-taping na nga ako ng mga scenes ko last year, tuwang-tuwa ako kasi nga ang ganda ng set at ang ganda ng istorya—something na dapat abangan at sundan sa Kapuso network,” bungad ni Alden nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Annex Building sa rehearsal niya para sa Party Pilipinas.

PAIRED WITH BEA. Katambal ni Alden sa Indio si Bea Binene, na gaganap naman na dalagitang Rosa na gagampanan din ni Maxene Magalona.

First time na makasama ni Alden si Bea sa isang series. At may mga kilig na eksena pa sila sa Indio.

“Hindi ko alam noong una na si Bea ang makakatambal ko sa Indio. Nalaman ko na lang noong mag-start na kami sa taping.

“Okey naman kami ni Bea. Nakakasama ko naman siya sa ilang mga regional shows ngGMA-7 at sa movie na Tween Academy.

“First time kami na magkasama sa isang series. Sana magkatrabaho pa kami ng madalas,” ngiti pa ni Alden.

Hindi naman kinakabahan si Alden na baka magselos ang ka-loveteam ni Bea na si Jake Vargas dahil sa ilang romantic scenes nila ni Bea sa Indio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaibigan natin si Jake at alam naman niyang trabaho lang ang lahat.

“Wala siyang dapat na ikabahala dahil si Bea ay para lang talaga sa kanya!” sabay tawa niya.

“Tsaka alam naman ni Jake yung mga naging eksena namin ni Bea. Walang hindi siya alam sa mga ginawa namin ni Bea sa Indio."

MORE STARRING ROLES? Marami ang nag-aabang na mga fans ni Alden kung kailan ulit siya magbibida sa isang drama series.

Naging top-rater kasi ang One True Love nila ni Louise delos Reyes at inaasahan ng mga fans niya na kasing laki at kasing ganda rin ng One True Love ang susunod niyang TV project.

“Pinag-iisipan pa nang husto ng GMA-7 kung ano ang tamang project sa akin na puwede naming pagsamahan ni Louise.

“Masyado pa kasing malakas ang recall ng marami sa One True Love. Kaya dapat ganun din daw ang level ng series na gagawin namin.

“Tapos sunud-sunod din kasi ang mga bagong naka-line up ng shows ng Kapuso network for the first quarter of 2013. Kaya baka next quarter na yung maging show namin ni Louise.

“Right now, thankful ako na nakasama ako sa Indio. Tapos meron naman akong mga regional shows at guestings. Yun na muna ang abangan nila sa akin,” diin ni Alden.

Bago natapos ang taong 2012, nakasama si Alden sa dalawang Metro Manila Film Festival entries na Sosy Problems at Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si AKO.

Happy naman si Alden na parehong kumita ang dalawang pelikula na kinabilangan niya.

“It’s my second year to have a movie sa MMFF. Noong 2011, kasama ako sa cast ng Panday 2.

“Parehong guest roles lang naman ako sa two movies na iyon. But both movies did well during the MMFF run.

“Hopefully sa next MMFF ay may movie pa rin ako. Masaya kasing magkaroon ng movie tuwing Pasko,” masaya niyang banggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEXY IMAGE. Noong 2012 din ay nasimulan na rin ni Alden ang pagpapa-sexy.

Una ay para sa summer campaign ng ini-endorse niyang Folded & Hung at sinundan ito ng pagrampa niya for the first time bilang isa sa Top 10 Cosmopolitan Bachelors ng bansa.

Kasama ba ang pagpapa-sexy ni Alden sa taong 2013?

“Since nasimulan na natin, siyempre tuluy-tuloy na!” tawa pa niya.

“Pero kailangan mas mapaganda pa natin ang katawan natin.

“I admit na medyo hindi pa ako masyadong fit. May mga baby fats pa tayo.

“Mahirap na ma-achieve ang tulad ng katawan ni Aljur Abrenica.

“Ganun ang gusto ko pero talagang kailangan ng matinding sakripisyo at disiplina.

“But I am determined to get into the best shape I could possibly achieve sa taong ito,” pagtatapos ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN