Joseph Marco on doing daring roles: “Open naman ako doon sa mga sexy roles, pero sana lang, balanced pa rin.”

Labis na ikinatututwa ni Joseph Marco na makasama si Judy Ann Santos sa teleseryeng Against All Odds. Sabi niya: “It feels so real, kasi that’s Judy Ann Santos. Parang bata pa lang ako, pinapanood ko na siya, now she’s a big star—nakaka-overwhelm!”


Bukod sa mga nilabasang teleserye, paborito si Joseph Marco na cover at laman ng magazines na madalas ay naka-topless at naka-pose nang sexy.

Matatandaang naging cover siya ng Men’s Health noong July 2012 at naging endorser din ng mga sikat na produkto.

Ngayon naman ay kasama si Joseph sa January 2013 issue ng isang lifestyle magazine. Nasa cover siya kasama sina Enchong Dee, Jessy Mendiola, Megan Young, David Chua, at Crystalle Henares.

Sa launching ng naturang magazine na ginanap sa Privé Bar sa The Fort, noong Enero 6, nakanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joseph.

Anong preparation ang ginawa niya sa pag-pose uli nang sexy sa magazine?

Sagot niya, “Actually, di nga ako naka-prepare masyado sa photo shoot nito.

“Kasi, nakasabay sa taping ng Princess and I, so medyo-medyo busy sa taping.”



SEXY AND DARING. Dumadalas ang pagpu-pose ni Joseph ng sexy sa magazines, willing na rin ba siyang gumawa ng daring roles sa mga susunod niyang projects?

“Well, actually, hindi ko pa alam. Pero open naman ako doon sa mga sexy roles, pero sana lang, balanced pa rin.”

How far can he go, kung sakali?

“Siguro for now, topless lang muna. Mga ganoon.”



NEW TELESERYE. Kasama si Joseph sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Against All Odds, na pagbibidahan nina Judy Ann Santos, KC Concepcion, Sam Milby, at Jericho Rosales.

Ano ang role niya dito?

Kuwento niya, “Kapatid ako ni Ms. Judy Ann Santos sa teleseryeng ito at ka-loveteam ko si Jessy Mendiola.

“Magka-love triangle kami ni Bryan Termulo sa puso ni Jessy Mendiola."

Sabi ng young actor, “Thankful naman ako sa ABS-CBN na binigyan ako ng ganito kalaking break sa isang teleseryeng Against All Odds.

“Feeling ko, isa ito sa mga biggest break ko.

“Kasi, makakasama ko yung mga malalaking stars tulad nina Ms. Judy Ann Santos at Sam Milby... of course, again, si Jessy Mendiola.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ito ay nakasama na ni Joseph si Jessy sa Sabel, kung saan naka-love triangle naman nila ang yumaong si AJ Perez.

“Sobrang suwerte ko at happy ako sa teleseryeng ito kasi siya uli ang makakasama ko.

“Kasi parang mas mailalabas ko pa yung natural na atake ko sa pag-arte kasi sobrang close na ako sa kanya ngayon,” sabi ni Joseph tungkol kay Jessy.

JUDY ANN SANTOS. Nagsimula na ba sila ng taping para sa Against All Odds?

“Yes, nag-start na kami before ng halos one and a half months na.

“Pero na-stop kami ng halos three months kasi nga po, may MasterChef si Ms. Judy Ann.”

Kumusta namang katrabaho si Judy Ann?

“Actually, most of my scenes, kasama ko si Ms. Judy Ann.

"Grabe! Sobra! It feels so real, kasi that’s Judy Ann Santos.

“Parang bata pa lang ako, pinapanood ko na siya, now she’s a big star—nakaka-overwhelm!”

Hindi ba siya na-challenge or kinabahan na kaeksena si Judy Ann?

“Noong una, medyo kinakabahan ako at masyado akong na-challenge, lalo na yung mga unang eksena namin.

“Pero, alam mo yun? She makes me feel comfortable, parang isang pamilya lang kami sa set.”



NOT WORRIED. Ano ang pakiramdam niya na matagal na nahinto ang taping nila ng Against All Odds at may posibildad na hindi matuloy ang teleserye? Hindi ba siya naiinip o kinakabahan?

Tugon ni Joseph, “Hindi naman. Sobrang excited na nga akong bumalik sa taping namin.

“Medyo nainip nga rin, pero buti na lang ay pumasok yung Pintada at Princess and I at nakapag-guest pa ako.

“Pero I think, this year, balik na yung taping namin, so excited na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN