Enchong Dee on doing kissing scene with Eugene Domingo: “Ang tanong, ready na ba siya sa akin?”


Sa pagpasok ng 2013, isang seksing Enchong Dee ang makikita sa January issue ng isang lifestyle magazine.

Kita dito si Enchong na naka-swimming trunks lamang habang nakataas ang mga kamay.

Paano niya pinaghandaan ang photo shoot para sa naturang magazine cover?

Sagot ni Enchong, “Hiring your own trainer para talagang may magpu-push sa iyo.

“Eat anything you want, still, pero you have to workout harder.

“I run, I bike, swim, going to the gym.

“As much as possible, kung kinakaya ng schedule ko, pinipilit kong pumunta sa gym three times a week.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa launching ng Metro Magazine sa Privé Bar sa The Fort noong Enero 6.



MORE SKIN. Kasunod na ba ng sexy pictorial niyang ito ang more daring roles sa next projects niya?

“Oh, yes, definitely. I want to try something new, something different,” tugon ng Kapamilya star.

“Siyempre, you can’t stay forever doon lang sa kung ano yung nagustuhan sa iyo ng tao.

“You have to discover something new every now and then… in the things that you can do.

“Even doon sa mga roles na darating, I’m gonna make sure na it is something unusual.

“Like for the next movie na gagawin ko, ang theme niya ay very teenager na wild yung pag-iisip… parang ganoon.”

MOVIE WITH EUGENE. And what is this next movie na sinasabi niya?

“Yung Tuhog under Star Cinema na si Direk Ronnie Velasco ang magdidirek.

“It is a dream come true project for me kasi nga makakasama ko si Eugene Domingo…

“And at the same time, kung ano yung nakikita nila rito, na kung gaano ako ka daring sa magazine na ito… will translate to that project.”

Tungkol saan ba ang bago niyang pelikula?

“Siguro I can say that it is a dark comedy… you will laugh pero malalim kung bakit ka matatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil sa istorya, hindi siya basta comedy lang—medyo may lalim.”

Sino pa yung makakasama niya sa movie aside kay Eugene Domingo?

“Makakasama ko rin rito sina Leo Martinez, Jake Cuenca, Empress Schuck, at marami pang iba.”

Ano ang role niya sa Tuhog?

“Isa akong teenager na may erotic na pag-iisip… wild!”

Ano ang relationship nila ni Eugene sa movie?

“Yun ang kailangan pa naming i-discover kasi hindi pa kami nagmi-meet sa shooting ni Ms. Eugene.

“Pero siguro, pag nagkita na kami, masasabi ko na yung ibang details ng karakter namin dito.”

Hindi ba siya kinakabahan na makatrabaho si Eugene dahil sa reputasyon nito bilang mahusay na aktres?

“Of course, kinakabahan din definitely, pero siyempre, we need to help each other.

“Kung ano yung mga alam niya at kung ano yung mga alam ko, pagsasamahin namin…

“At tingnan natin kung ano yung kalalabasan ng pelikula namin.”



KISSING SCENES. Sa ibang pelikula ni Eugene ay mayroon siyang kissing scene sa mga nagiging leading man niya.

May aabangan din bang kissing scene kina Enchong at Eugene sa kanilang pelikula?

“Ang tanong, ready na ba siya sa akin?!" natatawang tugon ng young actor.

“Or ready na ba siya sa ganito?” sabay turo sa picture niyang naka-topless.

Pero okay lang ba kay Enchong na makipag kissing scene with Eugene?

“Oo naman. Anything that I can explore this year, I’ll try.”

Gaano ka-daring at sexy si Enchong sa Tuhog?

“Kasi iba yung nagpapa-sexy na at iba yung natural na sexiness na lumalabas.

“I think in this movie, it’s very natural, kasi everyone undergoes to this kind of puberty, adulthood… so dadaanan yung topic na yun sa movie na ito.”

Pero bakit Tuhog ang title?

“Because of the accident… accident siya… nothing erotic about the title pero it’s an incident that will happen sa movie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How far can he go sa pagpapa-sexy sa kanyang mga susunod na project?

“’Yan ang kailangan ko pang i-discover sa sarili ko… I don’t know yet, pero soon, I can answer that question.”



MMFF MOVIE. Ano naman masasabi niya sa kinalabasan ng pelikula niya sa 2012 Metro Manila Film Festival, ang The Strangers?

Sabi ni Enchong, “Well, hindi rin namin ini-expect na ganoon din ang kalalabasan noong result.

“Pero we’re very, very happy na rin doon sa naging result, kasi we are targeting lang na sana hindi mag-bottom two.

“Pero at least nag-number four pa siya—masaya na rin kami doon.

“Iyon lang, ang ina-achieve namin, na nakuha na namin iyon.

“And it’s a good experience for me yung character ko doon… saka first time ko sa MMFF.”

Wala pang final figures na inilalabas ang MMFF sa ranking ng walong kalahok na pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN