Alden Richards denies courting Julie Anne San Jose: "Wala pa po… hindi pa po ako nanliligaw."

Nali-link ngayon si Alden Richards sa kasamahan niya sa GMA-7 na si Julie Anne San Jose. Bagamat itinanggi niyang nanliligaw na siya sa singer-actress, sinabi ni Alden ang magagandang katangian nito: “Mabait siya, e. Napaka-down to earth. Walang arte, yung star complex.”


May bulung-bulungang balak daw ligawan ni Alden Richards ang kapwa niya Kapuso star na si Julie Anne San Jose.

Nagsimula ito noong nakaraang Pasko kung saan nagpalitan ng regalo ang dalawa—at nabigyan ito ng malisya ng ilan.

Binigyan ni Alden si Julie Anne ng neck pillow na may teddy bear head, at binigyan naman ng young singer-actress ng chocolates ang young actor.

Doon sila unang nagkatuksuhan.

At nang mag-guest si Alden sa Startalk TX nung Sabado, January 4, ay tinanong ito sa kanya.

Inamin niya ang exchange gift nila nung nakaraang Pasko. Pero itinanggi ng binata ang balitang nililigawan nito si Julie Anne.

“Sino ba naman po ang hindi mai-in love kay Julie Anne? Pero wala pa po… hindi pa po ako nanliligaw.

“Mabait siya, e. Napaka-down to earth. Walang arte, yung star complex,” pagsalawaran nito sa Kapuso young singer.

Hindi pa masabi sa ngayon ni Alden kung balak nga ba niyang ligawan, dahil hindi naman daw siya nagmamadali.

Pero handa naman daw siyang ma-involve sa isang relasyon ngayong taon.

Kung si Julie Anne na ba ito, hindi pa raw niya masasabi dahil hindi pa naman daw sila nakakapag-usap nang masinsinan.

Sabi ng Kapuso heartthrob, “Nagkakasama lang naman po kami sa Party P [Pilipinas], minsan sa mga out-of-town shows—at doon ko siya nakita kung gaano siya ka-genuine na walang kaplastikan."

Ang isa pang inaalala ni Alden ay ang JuliElmo fans, ang hukbo ng tagahanga ng tambalang Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

“Yun nga po, e. Pero hindi ko naman po aagawin si Julie Anne sa loveteam nila,” paniniguro ni Alden.

Sana raw maintindihan siya ng JuliElmo fans na baka magalit nga sa kanya.

“Kami naman ni Elmo, wala naman po kaming problema, e. Hindi pa nga po namin ‘to napag-usapan. Bahala na po,” nakangiting pahayag ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MALE BEAUTY PAGEANTS. Samantala, hiningan na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden ng reaksiyon sa mga kumakalat sa Internet na mga dating litrato niya nung sumasali pa siya sa all-male beauty pageants.

Sabi niya, “Aware naman po ako, at saka okay lang po kasi naging part ko naman po ang pageant, e.

“That was three years ago, at wala naman po akong dapat ikahiya since ginawa ko naman po talaga siya.”

May ilang mga litrato nitong naglalabasan na naka-swimming trunks at hindi naman daw ito isyu sa kanya.

Kung sakaling mabigyan siya ng proyekto na medyo daring, nakahanda naman daw siyang gawin ito.

“Twenty-one naman po ako, at least for a change po,” napangiti niyang sagot.

Kung sakaling mabigyan siya ng proyektong kailangan niyang maghubad, okay naman daw siyang gawin iyon basta maganda lang ang material.

“Opo naman. Kung kinakailangan po sa story at kung nakakaganda sa project, why not?”

Pati gay role ay kaya naman daw niyang gampanan. Ang hindi lang daw siya handa ay makipaghalikan sa kapwa aktor.

“A, yung physical contact, hindi ko pa po kaya.

“Basta kung matinong gay role po na hindi kabastus-bastos at di nakakasira ng image, open po ako diyan,” sabi ni Alden sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN