Geoff Eigenmann says he never courted Heart Evangelista despite their 10-year working relationship

Malalim at matagal na ang pinagsamahan ng Forever co-stars na sina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista. Kaya ang masasabi ni Geoff sa mga bumabatikos sa kapareha: “When people bash her, I don’t believe right away because I know her in a different way… I know the real Heart more than anybody else that worked with her and I really know her so well.”


Dalawang katauhan ang ginagampanan ni Geoff Eigenmann sa bagong panghapong serye ng GMA-7, ang Forever.

Si Geoff ay si Ramon at si Patrick na parehong iibig kay Adora, na gagampanan naman ni Heart Evangelista.

Sa presscon ng Forever kagabi, January 8, sa 17th floor ng GMA Network Center, sinabi ni Geoff sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tila “past” at “present” ang dalawang karakter na ginagampanan niya sa kanilang soap.

“Yung una kasi namin ni Heart, yung Hiram, I played one guy, pero two different characters kasi may amnesia, nag-iba ano niya.

“Basically, ano lang siya, nakakalimot, pero hindi siya yung nangyari doon sa guy na yun.

“With this one [Forever], two different characters talaga siya—isang ’50s at isang present time.”

Ngunit ayon sa iba, tila inspired sa mga nauna nang pelikula ang tema ng Forever. Ano ang reaksiyon dito ni Geoff?

“If it is, kung iisipin ko naman, I don’t think it’s one hundred percent similar.

“I’m sure may difference and sigurado naman na matagal nang hindi nagagawa yun—o matagal nang hindi nakikita ng tao.

“So, may ibang twist ito when it comes to that.”



FAVORITE LEADING LADY. Muling pinagtambal ng GMA-7 sina Geoff at Heart dito sa Forever.

Nabanggit ni Heart sa hiwalay na panayam na 18 years old pa lang siya nang una niyang makatambal si Geoff. Kapwa nasa bakuran pa sila noon ng ABS-CBN.

“Matagal,” kumpirma ni Geoff. “Nagsimula kami 18 years old… almost ten years.”

Bukod sa girlfriend niyang si Carla Abellana, masasabi ba ni Geoff na si Heart ang isang aktres na kumportable siyang katrabaho?

Sagot niya, “Si Heart has always been one of my favorites na ka-partner.

“Every time na people say na magkakatrabaho kami—kasi yun ang una naming nalalaman most of the time—I’m always game about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And saka siguro, sa akin naman, hindi kami ipagpa-partner kung wala namang chemistry in the first place.

“With tonight’s reaction nga lang, nang ipalabas ang AVP [audo-visual presentation], maganda na ang reaksiyon ng mga tao [the press].

“Top crowd ito, kayo talaga ito.

“If we’re not able to please the people in this room, I’m sure that of the whole country too, and all the Filipinos all over.”

Sa loob ng sampung taong pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa, hindi ba talaga naging sila ni Heart?

“Never,” mabilis na sagot ni Geoff.

Natawa naman si Geoff nang tanungin namin kung hindi ba niya niligawan si Heart at naunahan pa siya ng pinsan niyang si Sid Lucero.

Sabi niya, “Ako, when it comes to Heart, when people bash her, I don’t believe right away because I know her in a different way.

“For me, I know the real Heart more than anybody else that worked with her—and I really know her so well.

“Siguro, it’s hard for me to believe what other people say about her na may ganyan, may problema…

“Because I know how she is when it comes to work and off-cam also, kilala ko siya.”

Kadalasan, kapag matagal nang magkasama ang magkapareha, kahit paano ay nauuwi sa totohanan ang kanilang samahan.

Sumasagi ba sa isipan ni Geoff kung bakit hindi naging sila?

Tugon niya, “Yeah, before, it came to mind, but it’s a question that I know the answer, too.

“So, it’s a question that never really bothered me kung bakit ganyan.”



AWARDS. Napag-usapan din ang tungkol sa pagkakaroon ng acting award.

Bilang aktor at bilang parte ng Eigenmann clan na kilala sa husay sa pag-arte, pinapangarap din ni Geoff na magkaroon ng award?

Tugon niya, “Oo. Actually, kahit nga hindi manalo ng award... kahit just to be nominated for something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why now, yun ang gusto ko—just to be nominated for something and just to have my work recognized, kumbaga.

“Kahit na hindi ako manalo, basta nominated lang ako, okay na sa akin.”

Isa rin sa goal niya ang manalo ng acting award?

“Yes, siyempre nasa wish list ‘yan.

"And yung mga ganyang bagay is something na hindi mo puwedeng bilhin.

“It’s something that you have to work hard for.

"I’d rather it be given to me by somebody else than me getting it my own way.”

Bilang isang Eigenmann, may pressure ba siyang nararamdaman na kailangan manalo rin siya ng acting award?

“Hindi naman sa kailangan,” sabi niya.

“Pero ano nga, everybody knows about the family, especially the background about being on screen—lahat award-winning.

“Everybody praises them in this business when it comes to their work.

“So, sana, that’s what to be able... hindi naman to fit in, pero siguro sa sarili lang namin, that I’m part of the clan—an award-winning clan.

"Yun. Ganoon lang, just that fact... pero hindi naman kailangan talaga.”



CYCLE. Nakakaramdam din ba si Geoff ng ups and down sa kanyang career?

Sabi niya, “There is. Sa career naman, there’s always ups and down.

“Pero ako, I’m happy with everything that is going.

“For me, tuluy-tuloy yung projects na ibinibigay sa akin ng GMA.

“The trust that they are giving me in every project is just getting better and better.

“And yung mga roles na ibinibigay sa amin, siguro it takes more responsibility when it comes to portraying them.

“Now, matagal siyang hindi nagiging down.

“Everything has been good… very happy.”



NOT A HINDRANCE. Kahit may relasyon sila ni Carla Abellana, hindi raw naging sagabal ito sa anumang puwedeng maging “growth” ng career niya.

Saad ni Geoff, “No, no… Ever since sa amin, hindi naging problem sa amin yung typical na ’may kissing scene ka na naman, may love scene ka na naman’—never naging ano yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In the first place, how we started nga, alam naman namin na ito ang trabaho namin.

“So, bago pa maging kami, nandoon na yung rules na yun, kumbaga.

“Now that we’re together, it just makes easier kasi hindi namin iniisip...

"Well, hindi naman iniisip, but we really don’t take it into consideration talaga.”

Pinanonood ba nila ang proyekto ng isa’t isa?

Sagot ni Geoff, “Yeah, especially on TV, hindi naman maiiwasan yun. And we see trailers, unexpectedly.”

Wala yung kahit paano ay may konting kirot sa puso niya o selos?

“Well, siyempre, kapag nakikita ko, parang, ’Sana ako na lang.’

“Pero siyempre, hindi naman puwedeng kami lang ang partner palagi.

“Kailangan, as growth of individual, as an actor, kailangan maghiwalay rin kami.

“Learn from someone else, kasi hindi naman lahat ng tao pare-pareho ng perception sa mundo.

"So, yun. It’s growth… always good.”

Sa ngayon, wala pa raw alam si Geoff na plano ang network na pagsamahin o pagtambalin silang muli ni Carla.

“Sa ngayon, we have individual projects.

“Pero kung meron man, why not? At least, alam namin ang nangyayari sa isa’t isa kapag magka trabaho kami.

“At siyempre, when you’re a couple, gusto ninyo that your world basically revolves on each other.

"So, mas maganda kung magkasama kayo.”



LONG RELATIONSHIP. Dalawang taon at kalahati na ang itinatagal ng relasyon nina Geoff at Carla.

Nangiti ang aktor nang tanungin ng PEP kung paano ba nila “na-achieve” ang ganoon nang katagal na relasyon.

Sabi niya, “Well, I guess, like what we’ve been through, we became honest with each other. Lahat pinag-uusapan namin.

“Communication has always been open kahit hindi kami nagkikita… we talk.”

Noong Pasko, nasa kanya-kanya muna raw silang pamilya at pagkatapos ay saka pa lang sila nagsama.

Noong Bagong Taon naman, nag-check-in daw si Geoff sa hotel kasama ang iba pang mga pinsan sa Eigenmann clan, tulad ng ginagawa na nila sa nakalipas na ilang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Geoff, “Hindi namin kasama ang family ni Carla, pero siyempre, nagpakita rin siya. Hindi naman nawawala yun.”



CHRISTMAS GIFTS. Ano naman ang naging Christmas gift nila sa isa’t isa?

Sabi ni Geoff, “I got a bike from her because I’ve been biking recently.

"I got a specialized bike from her, so very happy ako.”

Ano naman ang naging Christmas gift niya kay Carla?

“Siya na lang ang tanungin ninyo. Pangit naman kung ako ang magsabi.

“Ayokong ako ang magsabi kasi parang ipinagyayabang ko—ayoko ng ganoon.

“Siya, binigyan ko siya ng set,” natatawang sabi niya pagkatapos.

Sa huli, tinanong namin si Geoff kung naniniwala siyang meron ngang “forever” na pagmamahalan.

Sagot niya, “Yeah, for me, a forever is something that you don’t get by just getting.

“It’s something that you have to work for—nothing in life is worth having when it comes easy.”

Sa palagay niya, forever na nga ba sila ni Carla?

“I’m hoping for the best,” asam niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN