Indio headwriter Suzette Doctolero on Sarah Lahbati’s "walkout issue": "Ang totoo, nagsisinungaling siya—yun ang totoo at nakakapikon."

Ito ang matapang na pahayag ng writer na si Suzette Doctolero (kaliwa) tungkol sa young actress na si Sarah Lahbati (kanan): "Kung ganoon siyang klaseng artista, hindi sisikat ’yan, e. Kung sisikat man siya, ayoko siyang makatrabaho. Mag-aaway kaming dalawa! Yung dapat na sumikat, yung professional, yung deserving talaga.”


Lumutang ang pangalan ng scriptwriter na si Suzette Doctolero sa isyu sa pagitan ng Kapuso talent na si Sarah Lahbati at ng talent management division ng GMA-7 na GMA Artist Center.

Sa kalagitnaan kasi ng pagtu-tweet ni Sarah ng kanyang mga akusasyon laban sa Artist Center, lumabas din sa media ang ilang tweets ni Suzette na pinasisinungalingan ang mga pahayag ng young actress.

Si Suzette ang head writer ng bagong epic-serye ng GMA-7 na Indio na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

Kasama sa cast si Sarah, na gumaganap bilang Ynaguiginid na diwata ng digmaan at ina ni Indio (Bong).



WALKOUT ISSUE. Isa kasi sa isyung lumabas sa sigalot na ito ay pagwu-walkout diumano ni Sarah sa taping ng “fantasy show” ng GMA-7—na ang tinutukoy nga ay ang Indio.

Sabi ni Sarah sa kanyang Twitter account (@SarahLahbati) noong January 4 ay hindi siya nag-walkout at may permiso raw siyang umalis sa taping ng Indio.

"I never walked out, I told the producers and p.a that I need to go because I still had to travel back to Manila from Subic and be at Eat Bulaga studio by 8am.

"I tried asking help from my handler to fix the schedule but my handler was not answering at that time.

"I did not leave the set, I waited for the producers to say that I can leave...

“I had permission to leave.”

Bagamat hindi nagbanggit ng pangalan, pinabulaanan naman ni Suzette ang mga pahayag ni Sarah sa magkakasunod na tweets (@SuziDoctolero) niya noon ding January 4:

“Di ka nag walk out? Ows? E sino kausap mo sa phone nung gabing iyon at pinapalayas ka na sa taping? Prod staff naman ang sisiraan mo now?

“Hahaha alam ko kwento no! Muntik pa nga akong mag revised dahil diyan kaya init ng ulo ko! Hahahaha

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lies. Pag nasanay ka, paniniwalaan mo na. Kay bata-bata. Tsk!”

Upang linawin ang “walkout issue” na ito ay minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kausapin si Suzette sa press preview at press conference ng Indio sa SM Megamall kagabi, January 9.

Pagkatapos ng special screening sa Cinema 5 ng SM Megamall ay dumiretso ang lahat sa Max’s Restaurant, at dito nga nakausap ng PEP si Suzette.

Si Suzette din ang lumikha ng fanatseryeng Encantadia at ng epicseryeng Amaya.

SHE WALKED OUT. “Nag-walkout siya. Nag-inarte siya,” tahasang sabi ni Suzette nang tanungin namin tungkol kay Sarah.

Paanong pag-iinarte?

Sabi ni Suzette, “Ayaw niyang mag-harness.

“Nakita ninyo yung particular scene na lumilipad? Yun lang ang harness, pero ayaw niya.”

Natuloy pa rin ang pagha-harness ni Sarah?

“No, no... akala ko natuloy. Akala ko, pumapayag siya.

“Kasi, hindi ako pumapayag na i-revise ang script.

“So, akala ko natuloy, ginawan pala ng paraan ng director [Dondon Santos]. Kumuha sila ng double.”

Kung hindi raw nagkakamali si Suzette, “November 9 o November 10” kinuhanan ang naturang eksena at ang sinasabing diumano’y pagwu-walkout ni Sarah.

Pero ano nga ba ang nangyari sa walkout? Bigla na lang tinanggal ang harness?

Sabi ni Suzette, “Wala na yun, another issue yun.

“Noong kinukunan na siya, maya-maya, sabi niya, pagod na siya. Gusto niyang umuwi.

“Tapos, ang pakiusap ng EP [executive producer], ‘Wag naman, mahal. Tapusin na natin.’

“Tapos, ayaw na niya.

“So, tinawagan na ng EP [Meann P. Regala] yung PUM [production unit manager], si Camille [Hermoso].

“So, siyempre, nagkakagulo.

“Tapos, ang pakiusap nila, kahit thirty minutes na lang. Kahit detalye na lang ang kukunan. Thirty minutes na lang.

“Pagbalik ng EP, binubura na niya [Sarah] ang mga tattoo niya.

“Ang tattoo ay two hours inilalagay. So, parang nanlata na yung EP.

“May kausap siya sa phone, e, pinapaalis siya,” pagtukoy pa niya sa young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"NAGSISINUNGALING SIYA." Ayon kay Suzette, bandang alas-dos ng madaling-araw nangyari ang eksenang yun. Dumating naman daw si Sarah sa set ng 4:30 ng hapon sa Pagsanjan, Laguna.

“Actually, seven o’clock [ng gabi] ang call time, pero kinakailangan niyang pumunta ng mas maaga kasi kailangan niyang makeup-an, lagyan ng tattoo.

“Tina-tattoo talaga yun, hindi siya ini-spray.”

Totoo bang hindi nakuhanan ng kahit anong eksena si Sarah mula nang dumating ito hanggang sa sinasabing pag-alis nito?

Sabi ni Suzette, “Hindi, nakuhanan siya. Hindi totoo.

“Yung napanood ninyo, nakunan.

“Ang totoo, nagsisinungaling siya—yun ang totoo at nakakapikon.

“Kung hindi siya nakunan ever, ano ang ipapalabas namin?

“Ang ipinapakiusap sa kanya ng staff, sa totoo lang, ‘Mag-stay ka ng thirty minutes lang.’

“Tapusin lang niya ang mga detalye pero hindi pa niya pinagbigyan.”

Kuwento pa ni Suzette, “Umalis siya mga two… two-thirty a.m., kasi two-thirty, tinatawagan ako, ’Ano pa po ang gagawin namin? Umalis na yung artista namin.’

“Kaya noong umalis siya, wala na, hindi na natuloy ang taping, 3 o’clock, sinabi ng director, pack-up.”

Yun na ang huling taping ni Sarah?

“No,” sagot ni Suzette.

“Nagkaroon ulit because umalis siya, merong mga hindi nakuhanang detalye.

“Umalis siya noon, yung sinasabi niyang may Eat Bulaga! guesting—na hindi naman pala totoo.

“Pagkatapos noon, nagkaroon pa siya ng taping kasi kailangan siyang kunan.

“I think, nandoon na si Senator Bong [Revilla], nagbantay.”

Detalye na lang daw talaga ang binalikan at kinuhanan kay Sarah.

Sabi pa ni Suzette, “Yung mga lipad niya, mga double na lang yun.

“Ayaw niya talagang mag-harnesss. Ang simple lang, di ba?

“Alam ninyo, ang dami na naming ginawang mga fantasy sa GMA—sa Darna with Angel Locsin, Marian Rivera… kahit sumirku-sirko, walang maririnig.

“Pero ito, ang simple-simple lang talaga.”

Bakit daw ayaw mag-harness ni Sarah?

“Hindi ko alam!” natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero in the past, pumapayag siya. Pero ngayon, ayaw na niya.

“Ang tagal na ng script. Ang tagal-tagal na sa kanya.”

Noong mag-taping ulit si Sarah pagkatapos ng diumano’y “walkout” incident, hindi ba naipabatid ng young actress sa production ang concerns nito?

“Yung mga concerns niya, kasinungalingan, hindi totoo, e,” nangingiting sabi niya.

SARAH’S ROLE. Nilinaw ni Suzette na hindi pinutol o pinaikli ang role ni Sarah sa Indio dahil sa nangyaring insidente. Talagang mamamatay raw agad ang karakter ng young actress dito.

Kaya nga 30 minutes na lang daw sana ang hinihingi rito para sa mga detalye pa sanang kukahanan.

Sa pagkaka-pack-up ng taping ng Indio, sinasabing gumastos ng kalahating milyon ang production. Totoo ba ito?

“Alam ninyo, yung ibinigay na quote ni Camille, yung five hundred thousand, I’m sure, napakaliit pa niyan.

“Nakita n’yo naman ang mga eksena,” sabi ng writer.

Unang pagkakataon daw na nakatrabaho ni Suzette si Sarah kaya hindi raw niya maikumpara ang pakikitungo nito sa ibang katrabaho noon.

Pero sabi niya, “Well, hindi rin naman magaganda ang naririnig ko.

“Pero ayokong magsalita about it. Hindi ko show. Hindi ko concern.

“Ang kailangan ko lang sabihin yung sa show ko, yung sa concern ko.

“Pero kung ganoon siyang klaseng artista, hindi sisikat ’yan, e.

“Kung sisikat man siya, ayoko siyang makatrabaho. Mag-aaway kaming dalawa!

“Yung dapat na sumikat, yung professional, yung deserving talaga.”

Bukas ang PEP sa panig ni Sarah kaugnay ng mga pahayag ni Suzette.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN