Ehra Madrigal says she will only marry longtime boyfriend DJ Myke Salomon if they are both “emotionally, physically, and financially” settled

Umiiwas si Ehra Madrigal sa isyu hinggil sa co-star niya sa Indio na si Sarah Lahbati, pero umaasa siyang sana ay matapos na ang gusot. Sabi niya, “Sana lang, kung kaya pang ayusin siguro, sana maayos. Kasi sayang on both parties—with everyone, with Tita Annabelle, with GMA and, of course, ako also.”


Gumaganap bilang diwata sa bagong primetime serie ng GMA-7 na Indio si Ehra Madrigal.

Mga diwata rin dito sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Sam Pinto, Rachelle Ann Go, Ellen Adarna, at Sarah Lahbati.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ehra sa Max’s Restaurant sa SM Megamall pagkatapos ng press screening ng Indio kagabi, January 9.

Tanong agad ng PEP kay Ehra kung may kumpitensiya ang mga diwata tulad ng patalbugan sa costume, pagandahan, at paseksihan.

Sagot ng sexy star, “Wala.

"Actually, pare-pareho kasi lahat ng costume namin, sexy lahat ng mga outfits, bongga naman ang lahat. Parang sakto sa kung ano yung character namin.

“Walang patalbugan kasi parang lahat naman kami, equal naman lahat ng mga roles namin, e.

“So wala, wala... work lang talaga and fun na kasama sila actually... sobra.”

ANNABELLE RAMA TALENTS. Ang manager ni Ehra ay si Annabelle Rama. Totoo bang may problema ang talents ni Annabelle with GMA-7 dahil nakakontrata rin sila sa Viva?

“Ngayon ko lang narinig. May problema kami?” nagtatakang sabi niya.

“Well, hindi ko alam kung paanong magkakaroon ng conflict or anything kasi first time ko lang narinig.

“So, hindi ko po alam kung ano’ng iko-comment ko kasi ngayon ko lang narinig ‘yan, e.”

Kanino talaga nakakontrata si Ehra?

“Kay Tita Annabelle... and yung contract ko [sa GMA-7] mag-e-end na siya ng March, this March.”

Ire-renew ba niya?

“Kasi ang nakasulat sa kontrata ko, option to renew, so I think it’s up to GMA if they still wanna renew me.

“So, hindi ko pa po alam if ire-renew nila or I’ll stay.”

Nakakontrata rin ba siya sa Viva?

“I signed, pero for ano lang yun, for PR purposes and commercials.

“Yeah... parang co-manage with them for commercials, PR and ganyan.

“Pero yung with GMA, may contract ako until March.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakaalam niya, ilang taon pa ang kontrata niya kay Annabelle? Paano kung magdesisyon si Annabelle na ilipat siya sa ibang TV station?

Sagot ni Ehra, “Hindi ko talaga alam. Kasi ngayon, kung ano yung plano... and ako, gusto ko lang naman talaga magtrabaho.

“So iyon ang gusto ko, iyon lang talaga yung gusto ko.

“And let’s see kung saan... kung saan ako ilalagay ni Tita Annabelle.

“And if mag-o-offer pa rin naman ang Siete [GMA], e, di it’s a good thing.

"Kasi ang tagal ko na rin namang nagtrabaho sa kanila.”



NETWORK TRANSFER. Ikalulungkot ba ni Ehra kung sakaling alisin siya ng manager niya sa Kapuso network?

“More of ikalulungkot, siguro parang mas nakakanibago siya if ever man... na matutuloy nga na kung ililipat man ako o kung hindi ako ire-renew ng GMA.

“Kasi I started with GMA-7 and I have been with them for eight years.”

So, maninibago siya kung aalisin siya sa GMA-7?

“Oo naman. Kasi siyempre, parang ang tagal-tagal ko na sa GMA-7.

“Pero iyon nga, parang ayoko munang isipin kasi hindi ko pa talaga alam kung ililipat ba kami o ire-retain kami ng GMA.

“So ngayon, parang I’m glad, kasi ang Indio, I think it will run for ilang seasons din naman.

“So sana, yung character ko, kung hanggang mag-end even if tapos na yung contract.

“Then it’s a good thing at least may work pa rin ako sa GMA-7.”



SARAH LAHBATI. Muntik nang maging “kapatid” ni Ehra si Sarah sa management ni Annabelle Rama, pero na-rescind agad ito dahil sa sigalot sa pagitan ni Sarah at ng GMA Artist Center.

Ano ang masasabi ni Ehra sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Sarah?

“I actually can’t really comment about that.

“Kasi hindi ko naman din nakausap si Tita Annabelle and I don’t know the whole story, so it’s hard to comment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, parang naging complicated na... ang laki-laki na niyang isyu, e.

“And ang nakikita ko lang, kung ano yung lumalabas sa news.

“As much as possible, mahirap magbigay ng opinyon because, iyon nga, wala naman talaga akong alam.

“Sana lang, kung kaya pang ayusin siguro, sana maayos.

“Kasi sayang on both parties—with everyone, with Tita Annabelle, with GMA, and of course, ako also.

“I’m an employee of GMA, di ba? So iyon.

"So hopefully, sana maayos lang talaga lahat.”



COMPETITION. Threat ba si Sarah sa kanilang talents ni Annabelle kung sakaling natuloy itong pumirma ng kontrata?

Sagot ni Ehra, “No naman. Ang dami na namin with Tita Annabelle, e.

“Parang mga thirty-plus din kami under her and ang maganda kay Tita...

“Nabibigyan kami ng work and hindi naman kami napapabayaan ng GMA.

“Kasi ngayon, may Indio ako and, kumbaga, after isang show may times na pahinga.

“Pero after naman nun, may mga regional shows din, may iba ding raket, so okay lang.”



WEDDING BELLS. Hindi pa ba nila pinaplano ng boyfriend niyang si Myke Salomon ang pagpapakasal?

“Wala pa!” sabay tawa ni Ehra.

“Ia-announce ko naman ‘yan pag ready na pero wala pa talaga.

“Wala, e. Alam mo, ang pinag-uusapan namin?

“Sabi ko, ‘Ano, in three years na ba talaga? Para saktong ano, thirty na ako?’

“So far kasi ngayon, nandoon kami sa stage na talagang kilala namin ang isa’t isa... nag-e-enjoy kami.

“So, pag once na mag-settle down, gusto ko rin kasi ready na lahat... alam mo yun—emotionally, physically, and financially.

“Hindi rin naman biro ang magpakasal ngayon, so ang sabi ko sa kanya, ‘Work muna, ipon tayo.’

“And matagal na naman kami. Kumbaga, darating naman talaga ‘yan, e.

“Yung wedding na gusto namin na simple lang, yung pareho kami na ready na talaga.

“Pero siyempre, pinag-uusapan yun—pero not anytime soon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN