Marian Rivera says boyfriend Dingdong Dantes is big influence in her healthy lifestyle

Marian Rivera is featured in the January-February issue of Women’s Health. Meanwhile, she is also the cover for the 150th issue of FHM. Marian says, of boyfriend, Dingdong Dantes’s reaction on the cover. "Happy siya! Pinakita ko sa kanya yung mga pictures at tingin ko naman proud siya na nag-cover yung girlfriend niya nang ganung ka-sexy."


Ikatlong beses na ni Marian Rivera maging cover para sa Women’s Health magazine.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa back-to-back presscon ng Women’s Health at Men’s Health (with Robin Padilla on the cover) kahapon, January 10, sa Saisaki, EDSA Mandaluyong.

Hindi itinanggi ni Marian na nag-diet talaga siya para sa shoot ng Women’s Health.

“Kasi medyo sexy talaga yung mga pictorial ko dito kaya kailangan ready talaga ako.”

Paano nga ba niya pinaghandaan ang shoot?

Kuwento ni Marian, “Actually, siguro lately lang ako naging conscious sa mga kinakain ko. Napaka-conscious ko na.

“Tsaka nagmu-Muay Thai kasi ako ngayon. Kasi yun siguro ang isa sa mga dahilan kaya ako fit ngayon.”

Kailan ba niya sinimulan ang nasabing combat sports?

“Last year pa, siguro… time siguro ng My Beloved pa yun, e.

"So if ever na may time ako, nagmu-Muay Thai ako.

“Pag wala talaga, wala, kahit sa bahay lang, exercise ng kung anu-ano.”

Sino ang nag-udyok sa kanyang mag-Muay Thai?

“Nag-convince sa ‘kin yung friend ko, si Roxanne Barcelo. Kasi nagmu-Muay Thai siya.

“So binuksan niya yung door sa Muay Thai. Sabi niya, bakit hindi ko itry ang Muay Thai kasi medyo okay naman ang pangangatawan ko at makakaya ko naman.

“In-enjoy ko siya. Yun nga lang, may mga consequence, lalaki yung kamay mo, magkakapasa ka.

"So, okay lang. Ang importante sa ‘kin, healthy ako.”

Meron ba siyang “fitness resolutions” ngayong 2013?

Sagot ni Marian, “Ano lang, siguro wala… Ke New Year ’yan, ke hindi New Year, siguro natural lang at dapat lang sa isang tao na pangalagaan niya yung katawan niya.

“Alam niya dapat yung mga dapat at hindi puwedeng kainin... yung mga healthy food lang sana.

“Kesa yung iinom ka ng kahit ano, mas maganda yung mga natural lang, para sa ‘kin.”

May balak ba siyang pasuking panibagong workout o sports ngayong taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nae-enjoy ko kasi ang Muay Thai, e. Siguro dun muna ako.

"Mahirap kasing pumasok sa isang bagay na marami.

“Siguro i-enjoy ko muna ‘tong Muay Thai.

"After this, malay mo, ano na, lumaban na ’kong competition, makipag-boxing na ‘ko!

"So, hindi natin alam,” birong sabi ni Marian.

DINGDONG DANTES. Pagbabahagi pa ni Marian, isa ang kasintahan niyang si Dingdong Dantes sa mga tumutulong sa kanya para mapanatili ang maganda niyang katawan.

Ani Marian,“Si Dong kasi ang tipong lalaki na talagang conscious sa kanyang pangangatawan.

“Tsaka ano din siya, e, healthy din siya kumain ng mga pagkain, e. Mahilig siya sa salad.

"Tapos siya din yung nagbibigay ng daan sa ‘kin na, ’Ay, kailangan healthy living. Kailangan eto, mag-salad ka.’

"Kaya siya yung isa sa mga nagsasabi sa ‘kin kung ano yung dapat kong kainin.

“So, yes, malaking impluwensiya si Dingdong sa pagda-diet ko o sa mga pagkaing kinakain ko para mas maging healthy ako.”

Bukod sa Women’s Health, si Marian din ang cover ng January issue ng men’s magazine na FHM.

Totoo bang hindi umano sang-ayon si Dingdong dito?

Paglilinaw ng Temptation of Wife star, “Ganito na lang, sabihin nating ganito: Malaki ang respeto namin ni Dingdong sa bawat trabahong ginagawa namin.

“So para sa akin, wala naman akong ginawang masama din. Tsaka gusto ko rin, e.

“At parang feeling ko, parang... malaki ang respeto namin sa kanya-kanyang trabaho namin.

“Siguro sapat na yun para gawin namin ang bawat gusto naming gawin. Respect lang.”

Sa katunayan, proud nga daw si Dingdong sa kanyang cover pictorial para sa FHM.

Wika ni Marian, “Happy siya!

“Ipinakita ko sa kanya yung mga pictures at tingin ko naman, proud siya na nag-cover yung girlfriend niya nang ganung ka-sexy.”

Samantala, nanalo muli si Dingdong bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival para sa pagganap niya sa One More Try.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila ipinagdiwang ang tagumpay ni Dingdong?

Sabi ni Marian, “Uhm, nanalo siya, kelan ba yun... [December] 27. At least nung Christmas, magkasama kami hanggang New Year tapos.

Sa loob ng bansa lamang daw nag-celebrate ang magkasinatahan.

“Oo, dito lang. Kasi may work kami. Hindi puwedeng umalis,” paliwanag ni Marian.

MARIAN IN 2013. Ano pa nang aabangan sa kanya ng fans ngayong taon?

Aniya, “Ginagawa ko ngayon yung movie ko with Richard [Gutierrez]. Hindi ko lang alam kung kelan namin matatapos.

“Tapos with Ms. Ai Ai [delas Alas]. Pero ’wag daw muna pag-usapan pero sinabi ko na din.

“So ayan, maraming-marami pang aabangan.

"At siyempre, Temptation of Wife na patindi nang patindi.”

Para sa online subscription ng Women’s Health, CLICK HERE.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN