Francine Prieto on settling down: “Kung saka-sakali man na walang magpakasal sa akin, magpapa-buntis na lang ako!”

Ipinaliwanag ni Francine Prieto kung bakit siya nahirapan noong breakup nila ni Bobby Yan. Kuwento niya, “Kasi… ex-boyfriend mo, tapos nakikita at nakakasama mo siya sa radio program five times a week, tapos nagbibigay kayo ng love advice. Sobrang awkward talaga—hindi ko kaya!”


Regular na napapanood ngayon si Francine Prieto sa primetime series ng ABS-CBN na Ina Kapatid Anak bilang ina ni Xian Lim.

Pero marami ang nagtatanong kung bakit tinanggap ni Francine ang mother role. Parang mag-ate lang daw kasi sila ni Xian kung edad nila ang pag-uusapan.

Thirty-one pa lang si Francine, samantalang si Xian naman ay 23.

Sabi ni Francine, “Okey lang po naman sa akin na mag-portray bilang mother ni Xian.

“Nangyayari naman po sa totoong buhay na sobrang bata pa na nabubuntis at nagkakaanak ang isang babae.

“Na parang magkapatid lang tuloy sila ng anak niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Francine kagabi, January 10, sa Max’s Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.



SEXY PICTORIAL. Kamakailan, nag-pictorial muli si Francine nang sexy para sa 150th issue ng FHM na labas na ngayong January 2013.

The last time na nag-pose daw siya para sa nasabing men’s magazine ay noong 2006 pa.

Paliwanag ni Francine, “Kasi siyempre noong nag-lose na ako ng weight, noong in-offer-an nila ako para mapasama doon sa 150thissue nila bilang isa sa mga icons, siyempre, tinanggap ko dahil hindi naman po ako nakakahiya na.

“Kung dati, na mataba ako na magpu-pose ako doon, nakakahiya na… ang kapal naman ng mukha ko!” sabay tawa niya.

“So noong kinuha ako, tinanggap ko.

"Marami nga ang nagulat. Sabi nga ng iba, gagawin daw nila akong inspiration, e.

“Kasi iyong iba, gusto raw nilang mag-lose ng weight. Kaso, ayaw nilang mag-exercise.

"Kasi hindi po talaga mangyayari iyon. Walang magic na mangyayari para pumayat ka.

"Kailangan mo talagang kumilos para mag-lose ka ng weight.”

Is she still willing na magpa-sexy at maging daring gaya ng ginagawa niya dati?

“Okey lang naman sa akin… oo naman. Hindi naman nakakasuka iyong katawan ko!” natawang biro pa niya.



FRONT ACT. This February 14, gugulatin ni Francine ang marami dahil siya ang magpu-front act sa Valentine concert ni Angeline Quinto sa SMX Convention Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Guest din dito si Vice Ganda at ang X Factor finalist na si Michael Pangilinan.

Lahad ni Francine, “Sabi nga sa akin ng kapatid kong babae, nang malaman niya ang tungkol dito, ‘Bakit mo tinanggap, Ate? Baka ma-compare ka kay Angeline!’

“Sagot ko naman, ‘Bakit ba?’

“Ako naman, mahilig naman po akong mag-perform. Love ko naman po ‘yan.

“Hindi naman po ako kasing-galing ni Angeline. Pero hindi naman po mapapahiya iyong kumuha sa akin. Hindi ko naman po sila papahiyain.

“Basta! Surprise na lang!” tawa na naman niya.

May plano ba siyang ituloy ang dating naudlot na plano niyang maging singer at recording artist din?

“Noong 2009 po, meron akong ginawa na collaboration po sa grupo nina Raimund Marasigan [ng Eraserheads].

“Kaso po kasi, hindi natuloy. Kasi marami ngang nangyari sa akin. So na-stop.

“Pero po sabi ko… siguro sa ngayon na umaayos-ayos na ako ulit, so baka po saka-sakaling puwede pong ituloy iyon ulit."

Valentine’s Day mismo ang concert ni Angeline. Meron bang special someone si Francine na manonood o makaka-date niya after ng show?

“Wala po. Pakatapos noon, diretso po ako sa trabaho ko sa radio. Kasi radio DJ ako sa 103.5 FM.

“Okey lang po na wala akong lovelife sa ngayon… darating din ‘yan,” nangiting sabi ni Francine.



LOVELIFE. Ano ba ang dahilan at mas gusto muna niyang walang karelasyon?

“Hindi ko alam,” agaran niyang sagot.

Sabay bawi ng, “Baka wala pa kasing dumarating na para sa akin talaga.

“Ewan ko. Baka kung nasaan pang lugar!”

Baka naman may hinihintay siyang bumalik sa kanya?

Paglilinaw ni Francine, “Wala po akong hinihintay na bumalik o kung sinuman.

“Sabi ko nga… last year, noong sobrang down na down ako, isa pa iyon sa hinahanap ko—na sana may dumating na parang knight in shining armor at i-save ako… Ganyan.

“Pero wala po, e,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon, hindi ko naman po siya hinahanap kasi happy naman po ako sa buhay.”



PAST IS PAST. Last na nakarelasyon ni Francine ay si Bobby Yan at matagal na panahon na ang nakaraan mula nang mag-break sila.

Pero may mga nagtatanong pa rin kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pag-alala ng aktres, “Ano po, e… maliliit na issues lang. Tapos lumaki nang lumaki.”

Ayaw nang magdetalye pa ni Francine tungkol dito. Past is past na raw.

“Mga ten months lang kaming naging mag-on. Magkasama kami before sa isang radio program sa DZMM.

“Noong nag-break kami, doon ako nahirapan.

“Kasi, ex-boyfriend mo, tapos nakikita at nakakasama mo siya sa radio program five times a week, tapos nagbibigay kayo ng love advice.

“Sobrang awkward talaga! Hindi ko kaya kaya umalis na lang ako doon sa radio program namin.

“At saka ano, e… kapag off-air, nag-aaway kami… ganyan.

“Madalas absent ako… kasi nga ayokong pumasok.”

Loveless man, masaya raw talaga si Francine sa buhay niya ngayon, lalo pa’t nagkaayos na sila ng kanyang mga kapatid.

“Okay na po kami. Isa po iyon sa naging maayos last year.

“Natuwa po ako last year kasi unti-unting umayos ang buhay ko.

“Tapos siyempre, ang career, bumalik.

“Bago po ako nag-birthday noong September 17, nag-ano po kami… reunited. So okay na po kami ngayong lahat.

“Noong nawala ang nanay ko, nahirapan po talaga ako—parang mag-isa na lang ako sa mundo.

“Pero kahit papa’no po, parang nabuo ko po iyong sarili ko unti-unti.

“Parang nag-start ulit ako from zero sa tulong po ng mga kaibigan ko.

“At siyempre po, iba na po ang outlook ko ngayon sa buhay—very, very positive po.

“Unlike before na talagang sobrang down na down ka na at parang mawawala ka na sa sarili mo.

“At least po, nalampasan ko iyon. Okay na po ako ngayon… surviving.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DESTINY. Pakiramdam daw ni Francine, okay ang takbo ng kanyang career ngayong wala siyang lovelife.

“Eto na siguro iyong parang kapalit ng lahat.

"Parang naniniwala ako doon sa sinasabing, destiny ba?

“Siguro, ‘eto po talaga ang kailangang mangyari. Ganoon.

“Hindi naman lahat mapupunta sa iyo. Minsan, talagang may magsa-sacrifice sa iyo sa buhay mo.

“Ngayon, sa career at family, okay ako.

“So siguro, iyong masa-sacrifice talaga, iyong lovelife lang muna.

“Pero hindi naman po big sabihin noon na… hindi ako umaasa rin, di ba?

“Siguro someday kasi matagal pa rin naman anga balak kong mag-asawa.

“Bilang ako ay late-bloomer. Kailan lang naman ako naging malaya.

“So ini-enjoy ko muna iyong sarili ko.

"Then, sabi ko, gusto mga thirty-five o thirty-seven… ganyan.

“Kung saka-sakali man na walang magpakasal sa akin, magpapa-buntis na lang ako!” tawa niya.

Kanino kaya niya gugustuhing magpabuntis kung saka-sakali?

Sagot ni Francine, “Gusto ko sa taga-Greenland. Wala lang, gusto ko lang.

“Thirty-one pa lang po ako ngayon. So, ilang taon pa po iyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN