Two Fil-Am chefs shine on Top Chef with their sinigang

Magkatulong na nagluto sina Chrissy Camba (kaliwa) at Sheldon Simeon ng paboritong ulam ng mga Pinoy na sinigang sa “Battle Before the War" challenge ng American reality cooking show na Top Chef.


Ang Filipino-American chefs na sina Sheldon Simeon at Chrissy Camba ang mga nanalo sa “Battle Before the War,” ang elimination challenge at tenth episode ng Season 10 ng Top Chef—ang sikat na American reality television series ng BravoTV.

Ipinagmamalaki ng mga Pinoy sina Sheldon at Chrissy dahil ang popular Filipino dish na sinigang sa sampalok ang niluto nila sa elimination challenge.

Ang ginawa nilang sahog sa kanilang sinigang ay pork belly, shrimp, at lobster.

Sa challenge na ito ay kailangang gumawa ang bawat contestant ng kumpletong restaurant concept at mag-present ng isang dish na sasalamin sa kanilang proposed restaurant sa isang malaking food convention.

Ang dalawang mananalo ay tatanggap ng tigte-ten thousand dollars at sila rin ang magdedesisyon kung ano ang menu at direksiyon para sa susunod na challenge, ang “Restaurant Wars.”

Ang sour tamarind soup (sinigang) ang niluto nina Sheldon at Chrissy sa “Battle Before the War Challenge” na pumasa sa panlasa ng Top Chef judges.

Dahil sa re-creation nila sa sinigang at paglalagay sa sikat na Pinoy dish sa international scene, umani ng papuri ang dalawa mula sa mga kapwa Filipino at mga Amerikano na gustong matikman ang “sour tamarind soup.”

Ayon kay Sheldon, dedicated ang kanyang restaurant concept sa kanyang lolo na si Urbano.

Isinilang at lumaki sa Lahaina, Hawaii si Sheldon. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Maui Culinary Academy noong 2002.

Sa isang interview, ikinuwento ni Sheldon na natuto siyang magluto dahil sa kanyang Filipino parents na kapwa mahilig magluto.

Si Chrissy naman ang current chef ng Bar Pastoral sa Chicago.

Na-eliminate siya sa Top Chef noong December 2012, ngunit mapalad na nakabalik sa contest si Chrissy dahil sa massive campaign sa pamamagitan ng mga text at tweets ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN